I-Dare a.k.a. Clyde

23 3 0
                                    

I-Dare a.k.a. Clyde

~•~•~•

There are two persons in Dare Games. Una, yung taong pabebe at gusto naman talagang gawin yung dare/pinapagawa ng barkada at ginagawa niya lang excuse ang dare para magkalakas ng loob or somethin'. Pangalawa ay ang taong napilitan talaga. Wala na kong iba pang sasabihin. Period! Napilitan lang siya bes.

How I wish na napipilitan lang si Clyde gawin laahhhhhaaaaatttt ng dare na ginawa niya sa'kin so far. Pero kahit ata tadtarin ng extrang daliri yung buong kamay ko at paa. Hindi ko pa din mabibilang kung ga'no kadami lahat ng dare na nagawa niya, which are mostly focused on me.

Siya yung tipo na minu-minutong may naiisip na dare. Oo, siya mismo yung mag-iisip ng dare tas sasabihin niya sa tropa o classmate namin na i-dare siya tas ibubulong niya yung nakahanda na niyang dare na usually ay tungkol sa'kin. Feeling ko nga ay ginawa ang dare para sa kanya o pwede ding siya ang nagpauso ng mga dare na yan.

In short, siya yung unang klase ng tao (tao nga ba?!) sa mga dare games.

Kahit san pa ko pumunta, laging andun si Clyde. School, bahay—kilala siya ni Mama kaya makapal ang mukhang dumalaw-dalaw ng halos araw araw, at kasama din siya sa lahat ng school related activities na kasama ako.

Don't get the wrong idea. Kagaya niyo din ako dati. Lagi naman kasing ganun di ba? Kapag lagi ka daw binibwisit ng isang lalake, malaki agad ang tyansa na crush ka nga niya. Pero iba siya.

Two years ago, tinanong ko siya. Nilakasan ko loob ko at kinapalan ko na din mukha ko. If given the chance to use a time machine I will undo that confrontation. Tinanong ko siya! Tinanong ko siya kung gusto niya ba ako at leche lang dahil tinawanan niya lang ako sabay pitik sa noo ko. That moment was part of the 'Lupa Lunukin Mo Na Ako: The Compilation of the Most Embarrassing moments of My Life'.

I think 'In your dreams' yung sinabi niya nun. Di lang ako sigurado kung eksaktong yun nga ang sinabi niya. Di naman din kasi ganun kaimportante.

Ang importante ngayon ay alalahanin ang kalagayan ko. Kasalukuyan akong nakadapa ngayon sa sahig. At ang labi ko ay kasalukuyan ding nakalapat sa sahig. Saklap! Bat naman sa mga librong nababasa ko at movies na pinapanuod ko may sasalo sa kanila.

Actually, kani-kanina lang ay muntikan ko ng malagpasan ang pagkakaroon ng first kiss sa sahig. Naitungkod ko naman ang kamay ko nang tinalisod ako ng hinayupak na si Clyde pero hindi pa siya nakuntento kaya sinipa niya ang isang kamay ko kaya naman natuloy ang first kiss ko with sahig.

Another moment added to the 'Lupa Lunukin Mo Na Ako: The Compilation of the Most Embarrassing moments of My Life'. Ba't ba sa dinami-dami ng tao dito sa mundo ay ako ang napag-tripan ng hinayupak na 'to. As far as I know, hindi naman kabully-bully ang mukha ko *ehem ehem*. Sa pangkalahatan di talaga ako kabully-bully pero lintek lang. Ano bang problema nito sa'kin?

Nagtawanan ang buong klase. Break time kasi pero dahil first section kami at sobrang layo ng canteen sa room namin plus the fact that nasa third floor ang room namin. Nakakatamad bumaba. Kaya uunting presensya lang ang wala sa room that time. How I wish, kasama si Bryan sa mga nagrecess nun. Pero hindi eh! Hindi eh!!! Hindi talaga!

Kitang-kita niya kung pa'no ako nakadapa sa sahig ngayon. At wala man lang bahid ng awa sa mga mata niya at tawang-tawa pa nga siya. Pero yun din kasi yung nagpapa-iba sa kanya. Ayun nga siguro yung isa sa dahilan kung bakit crush ko siya.

Ang weird ko din minsan eh. Halos buong buhay ko buhay ng mga mala-perpektong tao ang mga sinusubaybayan ko (from idols to fictional characters). And yet, di ko alam kung tumaas ba yung standards ko o kabaliktran ang nangyari. Si Casper, yung crush ko, ay napakalayo kay J at sa lahat ng minamahal kong fictional character (too many to mention bes).

Ang dami kong inisip pero unting panahon pa lang ang lumipas.

Sana pumasok na agad yung teacher namin para ma-shift na sa kanya yung mga attention nila. Please lang! Di ko na kinakaya na pinagtatawanan nila ako!

Tatayo na lang ako dahil mas kahiya-hiya kapag naabutan ako ng teacher namin na nakahalik sa sahig. Tinungkod ko na ang kamay ko at tumingala. At walangya nga naman oo!! Parang walang nangyari Clyde ah? Hindi ba ikaw yung nanalisod sa'kin kani-kanina lang? Tas ngayon palahad-lahad ka pa ng kamay mo.

At para makaganti sa di makatarungang ginawa niya sa'kin. Kinagat ko ang kamay niya at imbis na sa kanya manggaling ang 'Aray!'.

"Araaayyyy!!!" Taena! Katangahan and kamalasan at its highest level bes! Imbis na kamay niya ang binuburol ngayon ay mukhang ang dila ko ang paglalamayan! Katangahan kasi eh! Ang tanga nung may-ari nung kamay! Naka-ilag! Leche!

And once again naging katatawanan na naman ako.

"Tumayo na kasi! Choosy ka pa eh!" Sabay lahad uli ng kamay.

Para matigil na ang hinayupak ay kinuha ko na ang kamay niya at tumayo.

"Sa susunod kasi siguraduhin mong pag mahuhulog ka may sasalo!" Na sinundan ng hiyawan ng mga kaklase namin.

Kung alam niyo lang mga bes. Di kami talo.

~•~•~•

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 21, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SavageWhere stories live. Discover now