"I Think Im Fallen"

437 14 1
                                    

Hi guys

Naica's POV

Good morning guys^_^
One week na ang nakalipas, grabe bilis ng araw.
Oo nga pala dahil isang linggo na ang nakalipas, ikukwento ko ang nangyari sa school.

Nung monday pagkapasok ko bungad agad ng prof namin na magkakaroon kami ng maraming activities. May school performance, activities sa labas ng school, at magkakaroon rin ng school Mr. And Miss. Grabe ang hectic ng schedule namin. At sabi pa ay kailangang daw paghandaan kasi manonood raw ang may ari ng school, at sigurado ako pamilya lang yun ni ugok! At sabi pa ni prof. Mamili na raw kami ng partner, kaya agad agad kong kinuha phone ko para itext si Ray na kami na lang partner kasi sabi ng prof. Basta schoolmate ayos lang. Isesend ko na sana kaso nagtext si Ugok.

From Ugok:
Warfreak! Ikaw partner ko!

O diba bossy! Kaya nireplyan ko.

To Ugok:
Hoy Mr. Ugok for your info. Ayaw kita makasama at syempre makita na rin!!!

Angas ko di ba. Isesend ko nasa na yung text ko kanina kay Ray kaso nagreply na agad si Ugok.

From Ugok:
Miss Warfreak! I just want to remind you! My first wish is to be your partner in any activities! Again I repeat my first wish is to be your partner! Understood!!

Medyo natameme ako at binalikan ang araw na pinag usapan namin. Talagang seryoso sya ha! Yan ang tanging nasaisip ko. Natauhan lang ako ng kalabitin ako ng prof. Ko at tanungin ng: "bakit ka naggamit ng cellphone during my time!"
Kinuha nya ang phone ko at mag overnight daw yun sa bahay nila kaya patay di ko masasabihan si Ray.:(

Kring*kring*kring

Time na! Agad kong kinuha ang bag ko at pumunta sa room ni Ray para di na ko maghanap pa kung saan saan, pero wala sya kaya pumunta ako sa canteen para hanapin sya at jackpot nakita ko sya at hinila papunta sa secret place namin.

"Naica, teka lang bat ka ba nagmamadali"

"Basta!"

Nang makarating kami.

"Naica, dahil nandito ka na rin man ay yayayain sana kitang maging partner ko sa lahat ng activities dahil matagal na rin tayo na di nagkakasama, ayos lang ba?"

"A-ah e-h kasi--" putol ni Ray

"Kasi? Naica, bakit ka nauutal ayaw mo ba?"

"No! Kasi arghhh. Si Ugok yung partner ko pero hindi dahil gusto ko kasi may 5 wishes sya!"

"Ha? 5 wishes?"

"Remember nung nasa kotse nya ko at nag away kayo! Isinumbong nya ko."

"Tss. Nanumbong! Anu ba sya bata na bakla! O e ano kung sinumbong ka nya tsaka san nanggaling yung 5 wishes?"

"Yun nga sinunbong nya ko pero babawiin nya daw sa isang kundisyon at yun yung 5 wishes"

"Arghhh...e ano kung isinumbong nya wala namang----"
Putol ko

"Di na kita pwede makausap! Yan yung kapalit!"

"So sya yung makakasama mo next week!"

"Oo"

Niyakap ako ni Ray ng mahigpit at kiniss ako sa pisngi. At sinabi ang katagang:

"Sya man ang kasama mo pero sana ako ang nasa isp mo."

Nag nod nalang ako at niyakap rin sya ng mahigpit.

Tuesday ng umaga, nagulat ako dahil nandoon si Ugok at prenteng prenteng nakaupo sa bahay na kausap pa si daddy. "Wow feel at home?!" Yan ang nasabi ng utak ko! Habang pababa ako, hinila ako ni Ugok papuntang garden.

"Aray! Anu ba Ugok! Masakit!"

"Hoy warfreak ang dami kong text sayo bat wala kang reply?!"

"Paki mo! Tsaka wala sakin ang phone ko!"

"At na kanino?!"

"Nasa prof. Ko kasi po! Text ka ng text kaya sinamsam!!"

"A-h ganun ba? Tamang tama o!"
Sabay abot ng isang box.

"Ano yan?!"

"Basta kunin mo na lang!"

Kaya kinuha ko at syempre binuksan ang box ng cellphone...pala.

"Anong gagawin ko dito!"
Tanong ko

"Yan ang phone nagagamitin mong pangcommunicate  sa akin lang!"

"Paano kung ayaw ko!"

"Bakit naman!"

"Dahil para sakin di ka special!"

"Wala akong paki! Warfreak, di ka rin special sakin!" Sabay pakita ng phone nakagaya ng hawak ko!

"Teka bat pareho tayo!"

"Basta! Warfreak, nandyan ang new number ko at yung iyo rin! Wala kang idadagdag! At yung ringtone nyan wag na huwag mo papalitan!"

"Tss. Oo na! Teka isa ba ito sa wish mo?"

"Hindi! Warfreak, next week a-h a-h---" putol ko

"Ano?!" Sigaw ko

"Wala! Tara na malelate pa tayo!"

O diba ang swerte ko!
Nung Wednesday to Friday wala namang ibang ganap kundi sa di ko gaano makita si Ray at naibalik na ang phome na mas maganda sa bigay ni Ugok! At syempre as usual andyan lagi si ugok na basag trip!

At ngayong sabado tamang higa lang!

*boyfriend ni warfreak~~*

Ay naku! Narinig ko nanaman ang ringtone ng panget na phone na ito! Ano na naman kaya problema nun!

Message
From Ugok:
Gusto ko lang sabihin na:

Ayaw mo man sa akin
Sana pagdating ng araw
Damdamin moy mag iba
Ikaw maging akin
Pagkat puso koy ikaw ang sigaw
At sana ako'y ibigin na.

Ganda ba?

0_0 ha? Ano raw?

To ugok:
Ano?

Lahat ng salita
Tila'y di tama
Salitang mahal
Para sa atiy di tugma
Kaya nga ikay di mahal
At tanging galit ang syang nag uumapaw!

Wag ka ngang siraulo dyan!

From Ugok:
Warfreak!

Iba man ang yong ibig
Ako may di nais
Laging sasabihin sayo
O sinta pahingi ng pag ibig
Kahit isang salita lang na kay tamis
Aking aamini akoy in love sayo

Arghhh.. Sira ka talaga ugok!

To ugok:

Wala kong pakelam sayo
Mayroon o wala mang pagibig
Kahit kailan di ka mamahalin
Isa kang siraulo, ang panget mo!
Kaya ang malas ng daigdig
Dahil ikay nalikha!, di kita mamahalin!

From ugok:

Ganun rin ako sayo!!!

Lester POV
Arghhh ano ba yung pinagtetext ko! Argghhh bakit kasi nakita pakita na kayakap yung pandak nayun! Siguro di mo lang sya kaibigan, boyfriend mo na! Arghh na seselos ba ko?
Ay ewan! Basta tingin ko:

I think I'm fallen in love with Naica...

Okay sa susunod na lang po.
Guys
Comment
Vote
Follow

My Two BoyfriendsWhere stories live. Discover now