CHAPTER 32

31.6K 684 22
                                    

Lumipas ang araw at buwan puro sakit ang nararamdaman ko. Nagsimulang mambabae si Nikko. Gabi gabi ay may inuuwi itong babae at dinadala niya sa kwarto niya.

Itinuon ko nalang ang sakit na nararamdaman ko sa pagtatrabaho. Pinilit kong maging busy para tuluyan ko na siyang malimutan.

Si Jacob ay pinayagan ko nadin na pumasok sa puso ko alam kong hindi madali ito pero alam ko sa sarili ko na may pagasang mahalin ko siya.



....

Kumakain ako ng umagahan kasama sila mama at papa ng dumating si Nikko. Inumaga nanaman ng uwi ito at may kasama nanamang babae.


Nagulat nalang kami sa pagpasok nito at di man lang pinansin ang mga tao sa loob. Napaka bastos niya talaga.


Kumunot ang noo ni papa at kamao nito. Tatayo na sana ito ng pigilan siya ni mama. Napabuntong hininga nalang ito.


Ako naman ay di na kumain at pinaglalaruan ko nalang ang pagkain ko. Aminado akong apektado padin ako at nasasaktan.


Agad nadin akong nagpaalam sa mga magulang ko at papasok pa ako sa trabaho. May kotse nadin ako kaya naman hindi na ako nag kocommute.




Habang nagdadrive ako ay biglang tumunog ang phone ko. Sinagot ko naman ito.




"Uy Sofie?! Kamusta kana? Si Lesly to omg kakauwe ko lang ng pinas pakita ka naman."



Natuwa ako ng malamang nakauwe na pala ang kaibigan ko. Kaya naman ay nagpasya kaming kumain sa labas at ng makapagkwentuhan.



Ng matapos ang tawag na yun ay agad kong tinext si Sarah at tulad ng inaasahan ko alam nadin pala niya. Napangiti ako dahil sobra nadin ang pagkamiss ko sa mga kaibigan ko.



Pumasok na ako sa trabaho at nagsimulang mag trabaho. Nasa loob nadin ng opisina si Jacob at alam kong busy ito.



Maya maya ay bigla siyang lumabas ng opisina niya at nagtungo sakin. Tumikhim ito at ng angatan ko ng tingin ay nagulat ako dahil may isang bouquet ng red roses siyang hawak.





Araw araw ay may ibat ibang bouquet of roses sa table ko at alam kong galing sakanya ito. Kaya naman ay nakakahalata na ang mga tao sa opisina at mas lalo silang naging mabait sakin dahil hulog daw ako ng langit para sakanila.




Gumanda na kasi ang mood ni Jacob at araw araw na itong nakangiti. Dati kasi ay laging nakalukot ang noo nito at hindi maipinta ang mukha kaya naman ay takot sila dito.






Madalas din ito magalit at agad niyang tinatanggalan ng trabaho ang mga taong walang laban dahil lang sa pagkakamali nila.





Tumayo ako at kinuha ang mga bulaklak. Napangiti naman ako sakanya dahil ang sweet niya pala.




Sinong magaakalang may tinatago ding kasweetan ang isang nakakatakot na CEO.




"I hope you like it." Sabi niya.




"I don't like it. Because I love it." Sabi ko naman at ngumiti sakanya.









Siya naman ay pinamulahan ng mga pisnge at lalong nakikita ito dahil sa mestizong balat nito.





Pumasok na siya sa opisina niya at ako din ay nagsimula ng magtrabaho.




Ng biglang lumapit sakin si Cheska at inaasar ako. Kinikilig daw siya samin ni Jacob. Ako naman ay napapangiti nalang at napapailing sakanya.





LOVE AFFAIR | Book 1[Under Editing]✔Onde as histórias ganham vida. Descobre agora