Chapter 24

1.1K 41 8
                                    

Carmen's POV

"Carmen?" Narinig kong may kumatok sa pinto at pag bukas ko ay si Lea.

"Hi." Pag bati ko sakanya.

"Hi Carmen, pwedeng pumasok?" Napaisip naman ako pero ang ending pinapasok ko parin siya.

Nang makapasok siya umupo siya sa kama ko tumabi naman ako dahil no choice.

"Anong ginagawa mo dito? Asan si Aga?"

"May pasok siya eh."

"Ikaw ba?"

"Wala rest day ko ngayon."

"Ah okay." Naramdaman ko namang hinawakan niya yung kamay ko.

"I'm sorry.. Alam kong ngayon mo na lng ulit siguro narinig o hindi mo pa ata naririnig yung sorry ko pero Carmen i'm very sorry." Nag maang maangan na ako na parang walang alam.

"Sorry for what?"

"For everything. I'm sorry."

"Hindi mo namn kailangan mag sorry.."

"Kailangan ko.. Sorry dahil ginusto ko noon na sana habang nasasaktan ako gusto ko ikaw din. Baka kasi sakaling balikan tayo ni Aga kasi alam niya pareho tayong nasasaktan."

"Congrats nag tagumpay ka."

"Hindi pa ko nag tatagumpay, Carmen."

"Bakit may kulang pa ba? Mukhang masaya ka na naman kasi nandyan na siya at kayo na."

"Oo ikaw."

"Anong ako?"

"Ikaw yung kulang. Tingin mo ba sasaya ang mommy kapag galit sakanya ang baby?" Napangiti nman ako ng palihim sa sinabi niya.

"Ang corny mo Lea.. Ano bang pinag sasabi mo?"

"Sorry na please." Tumingin naman ako sakanya.

"Sorry.. I love you, Carmen." Doon ko na naramdaman ang pag tulo ng luha kaya agad naman niya din akong niyakap.

Hindi ko alam kung yayakapin ko din ba siya dahil kung nag kataon ito ang kauna-unahang yakapan namin na tila wala ng galit na nahahalo.

Siguro nga panahon na para mag patawad. Panahon na para kalimutan ang lahat ng sakit na aking dinanas.

Niyakap ko siya at doon ako lalong napaiyak dahil ito yung klase ng yakap na noon pa lang hiniling ko na.

"I'm sorry Carmen, I'm sorry."

"Sorry din Lea.." Nag kalas naman kami sa yakap at pinahidan niya yung luha ko.

Eto yung isa ko pang hiling noon eh.. Na yung taong dahilan ng aking pag luha gusto ko pag dating ng araw siya din ang mag papahid ng luhang iyon.

"Bakit Lea padin tawag mo saakin?" Tanong niya saakin.

"Ano ba dapat?" Hindi ko akam kasi hnd ako komportable.

"Gusto ko.. Mommy, Mama, Mom or kung ano mang gusto mo."

"Okay Lea.."

"Ayy."

"Mama." Ngumiti naman siya yung tipong akam mong tunay at walang halong kaplastikan.

"Thank you, Carmen."

"Para san?"

"Hindi ko akalain na sa kabila ng lahat ng sakit na dinulot ko sayo pinatawa mo padin ako."

"Bakit? Tingin mo ba mawawala yung sakit pag hnd kita pinatawad. Hindi naman diba? Kaya siguro mas maganda na lang na kalimutan yun at mabuhay nang maligaya kasama kayo."

"Hindi ko alam kung anong ginawa ko para madeserve ang tulad mo." Ngumiti na lang ako sakanya dahik hindi ko naman na alam kung anong sasabihin ko.

"Gusto mo bang sumama saakin?" Tanong saakin ni Lea ay mama pala.

"Kanino?"

"Kay Aga.. Gusto kong magkaayos nadin kayo para mamaya pag uwi natin masaya na lang tayo."

"Okay pero ayos lang ba sakanya na pumunta tayo doon?"

"Oo naman baka nga matuwa oa yun eh."

"Sige po."

"Okay mag bibihid lang ako."

"Sige po ako din."

Tumayo naman na siya at lumabas pero bago yun niyakap niya muna ako.

Nag palit na ako ng damit at nag ayos lang sandali at lumabas na.

Ilang minuto lang umalis na kami at nag punta sa opisina ni Aga.

Nang nakarating kami dumiretso agad kami sa office niya sakto naman at walang tao.

"Tao po." Saad ni Lea habang nakatok. Tumingala naman si Aga at nakita kaming dalawa na siyang dahilan ng pag ngiti niya.

"Carmen? Lea?"

"Hi babes." Humalik naman si Lea sa labi ni Aga.

"Hi babes, Hi Carmen." Nginitian ko naman siya at nabakas ang pagkagulat sa naging pag tugon ko sakanya.

"Tara sa loob." Pag yaya ni Lea at pumasok kami sa loob ng office ni Aga.

"Carmen stay here okay? May naiwan ako sa car."

"Okay mama." Lumingon naman ako kay Aga at ayun nagulat nanaman. Lumabas naman na si Lea.

Alam ko namang sinasadya ni Lea yun para magkausap kami ni Aga.

"So? Ahm.. Kamusta?" Natawa naman ako ng bahagya sa naging tanong niya. Umupo naman siya sa tabi ko.

"Ayos lang po. Kayo?"

"Ayos lang pero parang hnd parin gaano."

"Bakit naman po?"

"Kasi hindi pa tayo ayos."

"Ayyy."

"I'm so sorry, Carmen."

"Nakaka bingi na yang sorry niyo HAHA btw, sorry too."

"I love you, anak. No words can explain kung gaano ko gustong bumawi sayo dahil sa mga sakit na naiwan ko dyan sa puso mo."

"Stay. Just stay bawing bawi ka na dun."

"Yes I will. I love you." Niyakap niya ako at naramdaman kong may yumakap din sa likod ko nang lumingon ako si Lea iyon.

Labis na saya ang aking nadarama dahil sa wakas mararanasan ko na ang buo na pamilya.
Ngunit sana kaligayahan ay magtagal at ang kalungkutan ay huwag ng mag paramdam.

*****

Hindi ko alam kung saan galing yung last part btw wait lang kayo sa mga mangyayari HAHA thanks.

Broken - LeAgaWhere stories live. Discover now