Make-Up

536 10 1
                                    

CHAPTER 1: KRISSAN

“Krissan, ano  mang mangyari ngayon at kahit anuman ang marinig mo, promise me, walang magbabago between you and me. Promise?” – Sean

“Ano ba yun Sea? Nakakatense ka naman” – paborito kong sabi

“I don’t know what you feel towards me, but willing akong sumugal. I Love you, Krissan. Ever since I met you, I Loved you And I always will”. – seryosong sabi niya.

“I Love you too, Sea. Mahal na mahal kita”- maririnig mo ang saya sa bawat salitang sinabi ko.

Pero bigla akong nakarinig ng iyak ng babae.

Tumalikod ako para hanapin kung sino. Pagharap kong muli, si Ashley na umiiyak ang nakita ko.

Pinapatahan siya ni Sea. Si Ashley ang bestfriend ko.

“Bakit mo sya pinapaiyak? Ano bang ginawa nya sayo? Mahina na sya at kailangan ng kalinga.

 Bakit mo sya sinsaktan? I thought she is your friend!” – si Sean na galit na galit.

“Pero Sea, wla naman akong---“

– sinubukan kong lumapit sa kanila pero...

Itinulak ako ni Sea. Hindi ako napakaniwalang magagawa niya iyon. Nakakapanlumo ang ginawa niya.

Sinubukan kong tumayo dahil napa-upo ako sa pagtulak niya. Umiiyak na ako pero kailangan kong depensahan ang sarili ko.

Ngunit ibang tao ang nakita kong nakatayo sa harapan ko. Nakatitig sya sakin ng masama.

“Umalis ka na! Hindi ko kailangan ng kapatid na tulad mo! Akala ko pa naman mabait ka, Bakit mo nagawa iyon.

Kinuha mo sa taong mahal ko ang mahal nya. Bakit mo nagawa iyon kay Ashley. Malala na ang kalagayan nya pero sinaktan mo parin sya!”

-         

Nakakatakot na si kuya Kristoff.

“Kuya ano bang sinasabi mo? Wala akong ginagawa. Never kong sasaktan si Ashley dahil bestfriend ko siya!” – nanginginig kong sabi.

Hindi ko talaga maintindihan . Bakit nila ako ginaganito.

“Liar! Umalis ka na. Kapag nawala ka na mas magiging maayos ang lahat. Leave us alone! Wala kang ipinag-iba sa mga bitch sa school! Hindi ka na welcome ditto!”- Kuya Kristoff.

HINDI KA NA WELCOME DITO!!!

“Hah! Hah! Hah!” – Krissan TT.TT

Nagising akong hingal na hingal. Puno ng pawis at lumuluha ang mata. Naiyak ako ulit. Napanaginipan ko nanaman.

Ang mga nangyari noo. Mga pangyayaring nagbigay ng sakit sa dati kong masayang buhay. Ang mga pangyayaring nagbago sa pagkatao ko.

Tumingin ako sa wall clock ng kwarto ko.

It’s  only 4 in the morning . Alam kong pagnapanaginipan ko ang nightmare na iyon, hindi ko na magawang matulog pang muli.

Inayos ko na ang kama ko. Pagkatapus, lumabas na ako papunta sa kitchen ng Condo ko. Yes, mag-isa lang akong nakatira doon.

Isang taon na rin akong nakatirang mag-isa sa condo ko. I used to live in States bago ako tumira sa condong ito sa Pilipinas. I have a happy family there.

Tingin ko pa nga sa buhay ko noon perpekto na eh.

Obviously, may mama at papa ako. Sobrang bait nila. May kuya din ako na mapagmahal. Baby pa nga ang turing sa akin eh.

May bestfriend din ako at isang true love. Pero lahat sila nawala sa akin. Nawala sila sa hindi ko alam na dahilan.

I hate it! Naiinis ako pagnanaiisip ko na nag-iisa nalang ako sa buhay. Pero, naiinis nga ba ako o nalulungkot?

Hay.. ewan.

Make-Up (On-Hold)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن