Wattpad name: IAmTheOne_1443
Section: Cloud Emblem
Title: Fall Inlove With a GhostCharacters:
Kim Myungsoo as Ivan
Krystal Jung as IyahIvan's POV
Hi guys! I'm Ivan Reyes. Nandito kami ngayon sa province para magbakasyon. Baka mga one week kami tumagal dito tutal wala pa naman kaming pasok eh. Tapos binibisita ko rin sina Lola at Lolo. Kasama ko yung dalawa kong kaibigan kasi di muna makakapunta parents ko dahil busy pa sila sa work and only child lang ako.
"Bro, lika na. Lunch na daw tayo sabi ng Lola mo." pagtatawag sa akin ni Troy isa sa mga kaibigan ko.
Nandito kasi ako sa kwarto tinitingnan yung mga kuha ko sa camera.
"Oh sige sunod na lang ako. Tapusin ko lang ang ginagawa ko. Matatapos na rin naman ito" sagot ko sakanya. Tumango lang siya bilang pagsang-ayon.
Pagkatapos ng ginagawa ko, tinago ko na yung camera ko at tsaka bumaba na para kumain ng breakfast.
Pagkababa ko sakto nakita ko sila nakaupo na lahat kaya umupo na rin ako at sabay-sabay na kami kumain.
Habang kumakain biglang nagsalita si Lola.
"Apo, magtatagal ba kayo dito sa probinsiya?" tanong ni Lola sa akin.
Actually, kakadating lang namin dito kaninang umaga."Ahm.. Baka po one week kami magstay dito tutal wala pa naman po kaming pasok." sagot ko sa tanong ni Lola at pinagpatuloy ang pagkain.
"Ahh. Mabuti naman. Matagal-tagal na din kasi simula ng huling bumisita kayo dito ng mga magulang mo. Kamusta pala kayo dun?" sabi ni Lola.
"Maayos naman po kami. Di po nakasama ngayon sina Mom at Dad kasi busy pa po sila sa work" sabi ko. Yung dalawa kong kaibigan tahimik lang na kumakain.
Maya-maya pa tapos na kaming lahat kumain at ako na ang nagpresinta maghugas ng mga plato. Sabi nga ni Lola siya na daw sabi ko naman ako na kasi madali siyang mapapagod niyan lalo na at matanda si Lola kaya di na siya umangal pa. Si lolo naman binisita muna yung bukid.
Pagkatapos ko maghugas ng plato nagpaalam ako kay Lola na maglilibot-libot muna dito sa lugar at sinama ko na rin yung dalawa Kong kaibigan dahil first time nilang makapunta dito sa province namin.
Naglakad-lakad kami dito sa buong barangay. Karaniwang trabaho dito ay ang pagsasaka dahil halos puro bukid ang makikita mo dito sa paligid pero ang masarap dito yung makalanghap ka ng sariwang hangin.
Yung dalawa ko naman kaibigan halatang manghang-mangha sa nakikita palibhasa ngayon lang nakapunta sa probinsiya kaya manghang-mangha.
"Bro, iba talaga pag sa probinsiya nakakalanghap ka ng sariwang hangin dagdag mo pa ang magagandang tanawin dito" sabi ni Rico. Isa rin sa mga kaibigan ko.
"Oo nga bro. Kesa dun sa Manila puro usok ng sasakyan ang malalanghap mo." pagsang-ayon naman ni Tony.
"Kaya nga dito gusto ko palagi magbakasyon kasi ganda dito." sagot ko sa kanila.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad-lakad hanggang makarating kami dun sa burol. Umupo muna kami sa mga damo para magpahinga. Kapagod din naman maglakad-lakad.
Mula dito sa taas, kitang-kita mo ang tanawin sa baba at talaga namang mamangha ka sa kagandahan. Napagdesisyunan ko naman na tumayo na kumuha ng ilang mga litrato palagi ko naman kasing dala ang camera ko. Hobby ko kasi ang kumuha ng mga picture.
"Guys, kuha muna ako ng ilang mga litrato dito sa taas ng burol" paalam ko sakanila. Tumango lamang sila.
Mga bandang hapon na rin ngayon dahil malapit na ang sunset mga ilang oras din pala kami naglibot.

BINABASA MO ANG
ELEMENTIAN STUDENTS ONE SHOT COMPILATIONS
RandomHey Guys! Ang laman ng Librong ito ay mga storyang gawa ng mga Elementians Students. Mga Author din sila Wattpad. Actually matagal na ito year 2017 pa hahaha. I hope you enjoy reading their works. kamsa~^^