Part 1- Chapter 1

28 0 0
                                    


Una- Si VirGINO!

Nakaupo ako sa upuan malayo sa pisara, hindi na naman pumasok si Sir Gutierrez para sa aming MAPEH subject. Well, nothing changed. Always the usual. Sa harapan ko an mga nagbabatuhang papel na mga kaklase ko na walang ibang ginawa kundi maglokohan at mag-gaguhan. Hay, badtrip! Wala kang magawa pag ganito. Makatulog na nga lang.

"Hoy Gino! 5 piso bayad para sa mga Ticket." Bulyaw sakin ng laging galit na si Bona. Bonackles....

"Hay, puro bayad." Pero wala akong nagawa, kundi ang sumunod na lang kundi, masusumbong na naman ako nitong mga isip-bata kong kaklase.

Dumating narin si Animales (Si Sir), nag-sorry kasi daw galing s'yang Seminar. Pinapasa nalang n'ya yung pinagawa niyang Word Smith na ang word ay PREMARITAL SEX. Naka 50 lang ako at kapos na kapos sa 100 pinapagawa ni Sir. Ang awkward naman kasi ng word nayun at wala akong maisip na mailagay maliban sa mga pamatay na 3 lettered word na siyang pinakamadali.

Ako si Gino, Grade 10, 15, VIRGIN! Tawag sakin VirGINO! Joke. Hay.... Ano bang masasabi ko pa? Ah Oo, mag-isa akong anak ng mga magulang ko. Well, actually, dalawa kami kaso ang kapatid kong batang babae, e namatay nong 5 palang siya. Masakit pero kailangan mag-moveon. Tingin ko walang direksyon ang buhay ko. Di ko pa kasi nakikita ang essence ko o significancc sa mundo e. Kapang-kapa pako. Pero ang mga kaklase ko, buti pa sila, alam na.

Isa kong katoliko, pero di ako nag-sisimba, madalas kasi e busy at ang parents ko, nilamon na ng trabaho nila. Napaka-WORKAHOLIC! Parang burnik. Sex. Sex. Sex. Yan ang tatlong bagay na tumatakbo sa isip ko ngayon, Joke, banal ako, banal na Aso....

Pakchit. Walang katuturan tong pinag-sasabi ko. Masasabi kong isa akong unbeliever, not totalling hindi naniniwala sa Diyos pero parang wala na sa Diyos. Ganun, ewan, Dati naman e, maayos naman relasyon ko sa Diyos kaso parang nawala na lang, may nabasa kasi ako .... Romans 10:13 "For everyone who calls on the name of the Lord shall be saved." Kaya napag-isip isip ko, tumatawag naman ako, siguro maliligtas na naman ako.

Thursday Morning 6:53 (Vacant Time sa First Subject)

Wala na naman ako magawa at naisipan ko nalang na asarin ang kaklase ko tungkol sa pagka-FLAT niya. Wala kasing BOOBS, 16 na, parang napaka-Uncommon pero actually, lahat ng Kaklase ko, ganun. Di pwedeng walang ganun.

"Mga Nagmana ng Boobs sa Boobs ng Daddy nila." Pang-aasar ko. May tumawa may na-hurt pero masaya ako na may nasasaktan ako, ewan para kasing feel kong yung dugo ko mas sumisigla.

Nagkaroon ng lupungan sa kabilang row sa Dulo, sa lugar ng mga Girls, May pinipirmahan silang something na nasa isang papel. So being rude and desperate as I am, char, ganun talaga e no?, Naki-Tsismis ako.

Isang Event, Nak ng Shapo! Christian- Born Again. Natawa nalang ako, diba sila yung mga iyakin tsaka taas-taas pa ng kamay na kala mo mahihimatay na sa ganong ka-OA. Char..... dahil siguro sa nafeel ng mga kaklase ko ang presensya ko na nakikiusyosyo, e nag-dare sila. Sige Dare me, I Dare you... Daredare-ran tayo.

"Woy, Gino sama ka?" kumbida nung kaklase kong pabebe kung magsalita. Parang Spongebob na Hello Kitty.

"San d'yan?"Ngumisi ako.

"Oo sa COG Dau" agad niyang tugon.

"Nung gagawin ko d'yan?" Panghahamon ko.

"Mag-aattend lang. Try mo? Sulat ko name mo." Di ako makatanggi, tsaka nakasulat naman yung si Leo, kaibigan ko, for sure di na ko maa-Out of Place dun, tsaka parang gimmick narin to.

"Kailan ba?" agad kong usisa.

"Sa Febuary 21, Tuesday. ' Ngumiti siya ng malapad.

"Sige, kung total na nandyan na naman din si Leo." Sumama ako, pero no kiyeme, walang purpose, parang Trips trips lang parang BRA Strip, Char Strap pala. Corny ko.Pakchot, Panot! Lolo mong baog.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 15, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Living TestimonyWhere stories live. Discover now