Chapter 3: Good Night

268 3 0
                                    

"Don't worry, Ma. I'm okay." It's my third day here in CDO and I called Mama.

"Nasaan ka ba kasing bata ka, ha? Nag-alala kami ng Papa mo sayo. Wala ka sa condo mo, hindi rin alam ng mga kaibigan mo kung nasaan ka." Halata sa mukha ni mama ang pag-aalala.

"Whoa that's new, Ma. Si papa? Nag-alala? Are you kidding me?" I laughed. As far as I know, hindi naman siya naging concern sa akin.

"Hija, just please come back. Umuwi ka na dito. Ayaw namin ng ganyan ka." Aniya sa kanilang linya.

"Ma, please wake up! Hindi pa ba halata na ayokong umuwi dyan? Ayokong magkunwari na okay lang kami ni Papa."  Medyo tumaas na ang boses ko, narinig ko ang pagbuntong hininga ni mama.

"Anak, bahay rin ito ng papa mo. I-respeto mo naman siya, please?" What?!

"What the f-ck ma! Ganyan ka ba ka-martir? Alam nating lahat yung ginagawa ni papa! Uuwi lang ako dyan kapag umuwi na siya sa kerida niya!" Sigaw ko.

"Julia!" And now she's mad at me? Hindi ako kasing tanga ng nanay ko, gahd!

"I'm sorry, ma. But my decision is final. I have to go. Take care of yourself, huh? I'll see you in three weeks." I ended the call.

Breathe, Julia.

"So that's why you're here." Mutik na akong mapatalon sa gulat.

"Ano ba?! Papatayin mo ba 'ko sa gulat?" As usual, sino pa nga ba? Walang iba kundi yung asungot.

"Sorry." Aniya. "What are you doing here?" Tanong ko.

Umupo siya sa harap ko, feeling close talaga 'tong isang 'to, ano?

"Makiki-share ng table?" Sabi niya. Luminga ako sa magkabilang mesa na bakante. "Ang daming vacant, oh?" Turo ko.

"Wala akong kausap, e. Pinagbigyan na kita kahapon, sabi mo gusto mong mapag-isa kaya hindi kita nilapitan. Muntik ka na ngang masubsob sa sobrang kalasingan mo last night, pero hindi ko pa rin ginawa na lapitan ka. I guess, pwede naman na ngayon." He smiled at me. Nalaglag ang panga ko. Ang haba ng sinabi niya.

"Hindi pa rin." Sagot ko.

"Oh come on, Julia. Pwede ba 'wag kang magsungit? Ikatlong araw mo na dito ganyan ka pa rin. Pwede bang kahit ngayon lang, kalimutan mo muna lahat ng galit dyan." Humigop ako ng iced tea. Napaisip naman ako sa sinabi niya. May point siya doon. Kaya nga ako nasa bakasyon para kalimutan ang lahat.

Pumikit ako at huminga ng malalim. "Tama, Julia. Relax, okay? Three weeks lang 'to." Dumilat ako at nakita kong nakatapat sa akin ang camera niya.

"Ano ba?!" Tumayo ako at inagaw pilit ang camera niya. Pero dahil mas mahaba ang braso niya sa akin ay hindi ko nagawa.

"Infairness ha? Mas maganda ka pala kapag nakapikit." Aniya. Inirapan ko siya at naglakad palabas ng restaurant ng resort.

"Hey, Julia! Wait lang!" Sinabayan niya ako sa paglalakad.

"Itigil mo nga 'yan kung ayaw mong itapon ko 'yang camera mo!" Kasi naman picture pa siya ng picture habang naglalakad kami.

"Bakit ba, ha? Ano bang problema mo at ayaw mong magpakuha ng picture?" Tanong niya habang tinitingnan ang mga litrato ko.

"Kapag 'yan nakita ng girlfriend mo, iiwan ka nun!" Tugon ko.

Hindi siya sumagot, imbis ay nginitian niya lang ako.

"Siya nga pala, yung narinig ko kanina.. Yung papa mo ang dahilan kung bakit ka nandito?" Nawala ang ngiti ko nang marinig ko 'yon.

"Kalalaking tao, ang tsismoso! Tsaka ayokong pag-usapan 'yan, sabi mo kalimutan ko muna lahat ng problema ko, 'di ba?" Naupo kami sa pool at ibinabad ang aming mga paa.

I don't know why. Pero gumaan ang loob ko sa kanya. Sabagay, hindi na nakakapagtaka 'yon dahil mabait siya.

"Ang mabigat, gumagaan 'yan kapag nailalabas. Dali na, tell me. Isipin mo stranger ako, at ikwento mo sa akin lahat. Para makilala na rin kita." Nakangiti niyang sabi.

Hindi na rin ako nagpaligoy-ligoy pa at kinwento sa kanya ang buhay ko.

"Kay Roy lahat nagsimula ang lahat, kung bakit nagkanda-leche leche ang buhay ko. He's my world. And then he broke up with me. Noon ko lang nalaman na nabuntis niya yung kaibigan ko. Umalis ako ng bansa noon, one year ako sa Greece, to find myself and also to love myself first." Kwento ko. Kitang kita naman sa mata niya na malungkot rin siya.

"You still love him?" He asked. Umiling ako, "Hindi na. Okay na ako ngayon."

"I see. And then you came back here, tapos yung papa mo gano'n pa?" Aniya.

"I know right. I hate him." Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.

"Ssshh. Stop crying. I hate seeing girls crying." Pinunasan niya ang luha ko. Itinaas ko ang tingin ko sa kanya. "Ikaw? Anong kwento ng buhay mo?" Tanong ko.

Ngumiti siya at nagsimulang magkwento.

"Laking Baguio ako, graduate na rin ako last year. Buo pa rin naman ang pamilya ko pero, I know we're not. Gaya ng sayo, my dad also had an affair with someone. Mom was so miserable that time." Aniya.

"Kumusta na siya ngayon?" Hindi ko napigilang magtanong.

"She's okay now. Hiniwalayan ni Daddy yung babae. Kaya naging okay na ang lahat, pero alam ko sa sarili ko na hindi pa rin. Hindi na magiging maayos ang lahat. Minsan ng nasira, e." Hindi ko akalain na may ganitong problema pala siyang dinadala. Kung umasta siya parang wala siyang problema.

"Grabe! Ang drama pala ng buhay nating dalawa." We laughed hard.

"Grabe talaga at umabot na tayo ng 9:00pm!" Napatingin ako sa paligid, madilim na nga. Kanina palubog palang ang araw.

Nauna siyang tumayo kaya inalok niya ang kamay niya sa akin, kinuha ko naman 'yon. "Thanks."

"Do you have plans for tomorrow?" Tanong niya.

"Wala pa naman. Bakit?" Sabi ko.

"That's good! Susunduin kita ng 8:00am bukas sa room mo, labas naman tayo ng resort para maiba naman." Aniya. Good idea!

"Alright. See you tomorrow." I smiled at him and I left.

Kahit papano, nakalimutan ko naman lahat ng problema ko at gumaan ang pakiramdam ko. Well, thanks to him! Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin dito kung wala siya, baka mamatay ako sa sobrang bored!

Pagpasok ko ng kwarto ay nahiga agad ako. Bigla namang tumunog ang cellphone ko.

1 message

From: +639*********

Hey! I got your number from Ikay. Yung receptionist. I'll see you tomorrow. Good night! :) -Charles

Napangiti ako.








Wait. What? Bakit ako napapangiti? No, Julia. Umayos ka nga!

I saved his number. Mga ilang minuto bago ako nagreply sa kanya.

To: Charles

You have your own ways talaga, ha? Lol. See u tom. Good night. :)

Begin AgainWhere stories live. Discover now