Prologue

25 1 0
                                    

"Bes!" Bumalik ako bigla sa wisyo ng marinig ang sigaw ni Eiah sakin.

"Ay puting uwak!" Gulat na sagot ko, binigyan lang niya ko ng isang malaking poker face.

"Ano bang meron ha?" Bulong ko

"Ano ba! Lutang ka nanaman! Nagsasagot na sa Trigo oh! 10 minutes left nalang!"

Nagulat ako sa sinabi niya, agad kong dinukot ang ballpen ko at sa di inaasahang nangyari, nalaglag ito at dun pa talaga sa hindi ko abot. Napatingin naman ako sa lalaki na katapat ng ballpen ko.

"Paabot ng ballpen ko." Sabi ko

Aba, hindi ako pinansin. Pafame to ah!

"Kuya, paabot ng ballpen ko please!" Sabi ko ulit, dahan dahan siyang tumingin ng masama sakin.

"Kuya? Bakit mo ako tinatawag na kuya ha? Mag ka edad lang naman tayo ah! Magkaklase pa nga!" Sagot nito

"Sorry. Eh paabot kase ng ballpen ko!"

"Wala ka bang kamay para abutin yan? At hindi mo ba kilala kung sino ang inuutusan mo?! Ako lang naman ang Campus king nitong eskwelahan na pinapasukan mo, at ikaw?! Sino ka ba ha?!" Sagot nito, nakatingin na saamin ang ibang estudyante. Aba siya pala yun.

"Pano kung sabihin ko sayo na ako ang Campus Queen?!" Halata naman siyang nagulat sa sagot ko.

Nagbulungan na ang ibang estudyante. Karamihan ay "Diba sila ang Campus King at Queen?"

"So ikaw pala ang Campus Queen." Sabi nito at ngumit ng nakakaloko

"At ikaw di pala ang Campus King" Sagot ko at ngumiti din ng nakakaloko.


.........Ano kaya ang mangyayari sa kanila? Magiging close kaya sila lalo at maaring mafall sa isa't isa? Abangan..

Let Me Love YouWhere stories live. Discover now