Chapter 1: Meet the Campus Queen

12 0 0
                                    

Kate's POV

Matapos akong mag ayos at kumain, sumakay na ako sa kotse ng kuya ko papuntang school, first day ng klase ngayon at second year na ako. I'm Kate Angela Enriquez. 2nd year. Nagtatake ng Business Management sa Park University. Maganda ako sabi ng iba, at matalino, kaya ako ang tinaguriang Campus Queen ng PU. Syempre kung may Campus Queen dapat may King din..meron..pero di ko siya kaclose basta ang alam ko anak siya ng may-ari ng school.

"Kate. Andito na tayo."

Kakakwento ko, nakarating na pala kami sa PU. Bumaba na ako ng kotse at agad ng pumasok sa University. Malaki itong school. Kada Department may kanya kanyang Cafeteria at Gym. Elementary, Highschool at College ang departments na tinutukoy ko.

"Bessy!!" Napalingon ako dahil may tumawag sakin na pamilyar na tao. Ang walang iba kundi ang best friend ko.

Agad ko naman siyang nilapitan at binati.

"Best. Magkakasama daw ngayong school year ang dating section 1 at 2."

"Talaga? Anong section ba tayo ngayon?" Tanong ko sa kanya

"Section 1 syempre. Tara na nga." Sabi niya sakin at agad akong hinatak. Lahat ng atensyon nila na sa akin.

Pagdating namin sa room. Nakita ko agad ang mga pamilyar at di pamilyar na mukha. Hmm..tama nga ata si Eiah.

"Miss Kate! Upo ka dito sa tabi ko oh!" Offer ni kuya 1

"Dito ka nalang" offer ni kuya 2

Wala akong napili. Mas pinili ko pading umupi katabi si Eiah. Nasa 3rd row kami. At sa likod namin ang apat na lalaki na VIP ata -_-

"Goodmorning class! If all of you are not familiar sa ibang mga mukha. They are from Section 2 last year. Walang transferees ngayon. So, better na magkaron tayo ng introduce yourselves." Sabi ng prof namin.

Fudgee bar! Hate ko yang introduce yourself thingy na yan -,-

"So sino ang magvovolunteer?"

Ni isa sa klase walang sumagot. Nag aantay kami sa wala. Psh.

"Hm. Wala? Magtatawag nalang ako so, sino gusto niyong mauna? Boys or girls?"

"GIRLS!!"

Nagsimula ng magtawag ang prof. Nilibot ko nalang ang tingin ko dito sa room..

"Ms. Enriquez?"

Anak naman ng tinapa oh! Ako na pala! Tumayo naman ako agad at nagsimula ng magpakilala.

"Hi. I'm Kate Angela Enri--

"Ate diba ikaw yung Campus Queen?! Omg!" Naputol ang pagpapakilala ko dahil sa babae na die hard fan ko ata -_-

Hindi ko nalang siya inintertain at nagpatuloy nalang sa pagpapakila.

"Hm. I'm Kate Angela Enriquez. 18." Sabi ko at umupo

Nagtawag pa ng iba at dumating na sa point na boys na ang kailangan magpakilala.

Hindi nagpakilala ang apat na lalaki sa likod. Weird.

"Bes, ang gwapo nung nasa likuran mo na katapat mo!" Bulong ni Eiah

"Oh?" Sagot ko at lumingon sa likod, ohh...mmmyyyy....tama nga si Eiah! Ang cute niya at ang gwapo pa...nagstart na ang klase at pinagpapantasyahan ko ang lalaki sa likod...sino kaya to?

Yung makinis niyang mukha, mapupulang labi, cute na mata, matangos na ilong, messy hair. Fudgee!! Perfect!

"Bes!" Bumalik ako bigla sa wisyo ng marinig ang sigaw ni Eiah sakin.

"Ay puting uwak!" Gulat na sagot ko, binigyan lang niya ko ng isang malaking poker face.

"Ano bang meron ha?" Bulong ko

"Ano ba! Lutang ka nanaman! Nagsasagot na sa Trigo oh! 10 minutes left nalang!"

Nagulat ako sa sinabi niya, agad kong dinukot ang ballpen ko at sa di inaasahang nangyari, nalaglag ito at dun pa talaga sa hindi ko abot. Napatingin naman ako sa lalaki na katapat ng ballpen ko.

"Paabot ng ballpen ko." Sabi ko

Aba, hindi ako pinansin. Pafame to ah!

"Kuya, paabot ng ballpen ko please!" Sabi ko ulit, dahan dahan siyang tumingin ng masama sakin.

"Kuya? Bakit mo ako tinatawag na kuya ha? Mag ka edad lang naman tayo ah! Magkaklase pa nga!" Sagot nito

"Sorry. Eh paabot kase ng ballpen ko!"

"Wala ka bang kamay para abutin yan? At hindi mo ba kilala kung sino ang inuutusan mo?! Ako lang naman ang Campus king nitong eskwelahan na pinapasukan mo, at ikaw?! Sino ka ba ha?!" Sagot nito, nakatingin na saamin ang ibang estudyante. Aba siya pala yun.

"Pano kung sabihin ko sayo na ako ang Campus Queen?!" Halata naman siyang nagulat sa sagot ko.

Nagbulungan na ang ibang estudyante. Karamihan ay "Diba sila ang Campus King at Queen?"

"So ikaw pala ang Campus Queen." Sabi nito at ngumiti ng nakakaloko

"At ikaw di pala ang Campus King" Sagot ko at ngumiti din ng nakakaloko.

"Ms. Enriquez, Mr. Park. What's the commotion there?" Sabi ng prof namin

"Wala po maam." Sabay naming sagot, tumayo nalang ako at kinuha ang ballpen ko. Hays. Kainis.

~~after a few hours~~

KRIIIINNNGGGGG!!!

Hay salamat! Tapos narin ang klase. Agad na akong tumayo kasama si Eiah at pupunta kami sa canteen ngayon. Di ako makapaniwala na siya pala yung campus king. May itsura nga wala namang manners -,-

"Bes. Gwapo ni Charles no?" Napatingin ako sa kanya, sinong charles? Yung cute na pinagpapantasyahan ko kanina?

"Charles? Sino yun?" Tanong ko, sakto namang nakarating na kami sa cafeteria, kaya naupo na kami.

"Loka ka! Yung Campus king!" Nagulat naman ako, so Charles pala name nung lalaking yun?

"Sus, may itsura nga. Wala namang manners." Sabi ko, at nilabas ang sandwich sa bag ko. Oo, nagbabaon lang ako ng sandwich dahil wala akong oras makipagsiksikan sa mga tao dito.

"Baliw ka talagang babae ka!" Sabi niya. Hindi na lamang ako sumagot pa.

"Look who's here."

Napatingin naman kami ni Eiah sa nagsalita. Psh. Sa dinami dami pa ng estudyanteng babati saamin, siya pa.

Tama kayo ng iniisip. Ang dakilang CAMPUS KING lang naman-,-

"Problema mo?" Sabi ko at tinuloy nalang ang pagkain ko.

"Nothing. Naalibadbadran lang ako sayo." Sagot nito at ngumisi ng nakakaloko.

"Grabe ka naman Charles. Ganda ganda niyan eh." Sabi nung lalaking pinagpapantasyahan ko. omg! Pinagtatanggol niya ko!

"Shut up Jake. Tara na nga." Masungit na tugon ni Charles at lumakad na papalayo.  Pero nagpaiwan yung cute na lalaki! Shems!

"Hi Miss, I'm Jake Angelo Vargas. You can call me Jake."

Shemay! Hihimatayin ako nito!

A/N: Ano kaya ang mangyayari ngayong nakilala na ng Campus King at Queen ang isa't isa? Abangan

Let Me Love YouWhere stories live. Discover now