CHAPTER 7

120 4 0
                                    


@KARYLLE

Di ko alam gagawin ko. Nakita ko na sya eh! Nakita ko na! Pero bakit di nya ko maalala?

Nandito ako sa terrace sa taas.

"are you okay karylle?" napalingon ako sa nagsasalita.

Napasmirk naman ako sa tanong nya.

"Kung ok lang ba ako? Ok nga lang ba ako? Ilang araw na akong ganito simula ng nandito ako. Oo , aamin ko ma, nagalit ako at nagtampo ako sayo. Di ako okay... Alam mo yan." sagot ko sa kanya.

"Bakit kelangan nyo pa ko isama sa HK? , bakit kelangan nyo pa ko ilayo sa kanya?! Bakit ? Kelangan ko ma ng Reason. 5 years? 10 years?!"

Dahil gusto ko malaman.. Bakit nya ko nilayo.

"nilayo kita dahil ano na lang sasabihin sayo ng mga tao? Huhusgahan ka, pag uusapan ka, dahil galing ka isang sikat na pamilya, kilala ka dahil malalaking kita ang kom---"

"ma? Yan na yung dahilan mo? Bakit ganun? Bakit di ako kontento? , ung mga cnasabi talaga ng ibang tao ang iniintindi nyo? Bakit ako? Bakit di nyo ko inuuna intindihin bago ang iba? Alam ko galing ako sa pamilyang may malalaking kompanya at sikat. Ma, mahal ko yung tao, wala ko paki don kung bakla sya. Pinag lalaban ko na nga sa ibang tao, nilayo mo pa ko."

Yumuko ako at umiyak. Di ko alam ang gagawin ko , nakita ko na sya. Nakita ko na... Pero umalis na namn di ko na alam kung saan ko sya hahanapin.

" ngayon, nalimutan na nya ko... Alam ko ma, may nagawa rin akong pagkakamali.. Pleaseee. Hayaan mo ko na hanapin sya.. Magpapatawad ako.. Basta hayaan nyo ko na makasama ko sya."

Halos lumuhod na ko para payagan nya ko. Gusto ko makausap si vice. Gusto ko sya makita.. Gusto ko sila makasama.. Oo sila..

" Pasensya na anak, kung pinigilan kita noonz pasensya kung ako ang dahilan kung bakit ilang taon kang malungkot. At ngayon, .. Payag na ko sa desisyon mo.."

Napatingin ako sa kanya at niyakap ko sya. Ito, ito yung matagal ko ng hinihiling na sana bumalik na kami sa dati ni mama.

"salamat ma! Salamat!" niyakap ko ulit.

-Bukas, sisimulan ko ng hanapin ka.... Stranger.

Pumasok ako sa kwarto ko.

*FLASHBACK*

Sa isang malawak na field. Gabi na. Nandito pa kami. Nakatitig lang sa langit.

1 year na kami ni vice... At napag desisyonan nya na ipapakilala nya ko sa nanay nya.. Sa pamilya nya.

"baby, wag na muna kaya? Kinakabahan ako eh. Baka di nila ako tanggap para sayo" sabi ko sa kanya.

Niyakap nya ko at nagkiss sya sakin. Mabilis lang naman.

"nandito naman ako, wag kang mag alala, di kita iiwan at di kita papabayaan. Tska mababait un lalo na si nanay." sagot nya sakin.

Sya naman, nilagay nya yung kamay ko sa bewang nya. Parang yakap ko sya.

"S-sigurado ka? Kinakabahan kase talaga ako baby eh" siniksik ko yung mukha ko sa leeg nya.

" oo nga baby, alam mo ba , noong last na umuwi yung mga yon dito sa Pilipinas? Ako ang pinag uusapan nila. Sabi nila, sa susunod na uwi nila may ipapakilala na ko sa kanila na babae na sakin na pang habang buhay. Sabi ko naman , di mangyayare yun kase baklang bakla ako. Sabi naman ni nanay sakin, lahat nagbabago, walang permanente, na di daw porket bakla daw ako , lalaki lang ang hanap ko , na sa lalaki lang ako magkakagusto."

Pag kukwento nya sakin. Parang gumaan naman ang pakiramdam ko dahil sa kwento nya.

" ang dagdag pa ni nanay, may mga bagay na sa babae ko lang mahahanap. Katulad ng .. Pagmamahal. Na iba ang pag mamahal na naiibigay ng babae kesa sa lalaking magiging jowa ko. Sabi ko sa kanila, wag nilang pangarapin yun dahil sigurado ako na di ako magmamahal ng babae bukod sa kanya, si nanay. Hinampas pa nga ako ng mga kapatid ko, sabi nila sakin kahit man lang daw sa amin na magkakapatid na bakla eh magkaroon ng jowang merlat. Na wag daw akong papakasiguro na hindi ako magkakaroon ng babaeng jowa. Tama nga sila. Nainlove ako sayo. Minahal kita."

Natuwa ako sa kwento nya..mababait nga ang pamilya nya.. Base sa kwento niya.

"kaya wag ka ng kabahan.. Uuwi na yung mga yon bukas. Bukas na rin kita ipapakilala. Ipapakilala ko na yung nag iisang merlat na pinabalik ako sa pagiging pogi at ang merlat na makakasama ko habang buhay."

Nagkiss nya sakin. So sweet.

"sigurado ka? Ako lang talaga habang buhay? Hanggang sa huli ba tayo pa rin?" tanong ko.

Napatingin sya sakin at ngumiti.

"alam mo baby, kung ayaw man ng ibang tao satin, wala kong pake. Dahil di naman tayo masisira sa bawat words nila, sa bawat judge nila. Basta nag mamahalan tayo, tatagal tayo, basta may tiwala tayo sa isa't- isa tatagal tayo at magkasama tayo. Kung ang mismong tadhana ang ayaw satin, lalabanan natin yan, dahil ganun naman talaga , kapag mahal mo ipaglalaban mo... Mahal kita kaya kahit hanggang sa huli ipaglalaban kita. Yan ang tandaan mo, ganyan kita kamahal..."

*END OF FLASHBACK*

Noong gabing yon, sobrang saya ko kase sa pakiramdam ko, seryoso sya sakin. Seryoso sya sa relasyon namin. Palagi nya pinapalakas ang loob ko sa tuwing may maririnig akong negative mula sa mga tao.. Dumating yung araw na pinakilala nya ko sa magulang nya, sa nanay at mga kapatid nya. Oo nga. Mababait. Tama sya. Tanggap nila ako, yun na daw ang matagal nilang hiling, ang may ipakilalang babaeng mahal ang anak at kapatis nila, kahit na bakla daw ito.

-----
ipagpaptuLoy..

Stranger(ViceRylle)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora