Chapter 26

461 18 0
                                    

"Anong kaguluhan to?"naglakad ako palapit sa kanila binitiwan na nila ang isat-isa.

"Kung gusto niyo  magpatayan may tamang lugar akong inihanda para diyan"

"Hehehe, ano kaba Destiny ,gusto pa naming mabuhay ano,diba dude"nakangiting sabi ni Eros habang akbay niya si Leon tumango naman si Leon at nag tumbs up pa  huminto ako sa harapan nila.

"Wala naman kayong ginagawa diba?"tanong ko umiling naman sila bilang sagot.

"Mas mabuti pang itapon niyo nalang ang mga gamit na nasira kahapon .Sa paraang yun nakakatulong kayo "sabi ko at naglakad papunta sa kwarto ko.

"Ay..Destiny may klase pala ako hehehe hindi kaba papasok"

Huminto ako sa paglalakad.

"Hindi,wag kana ring pumasok gawin niyo nalang inuutos ko"sagot ko at tumuloy na.

Kinuha ko yong kotsilyo ko at isinuksok sa bewang ko .

Bogsh!

Tugsh!

Shing!

Agad akong lumabas ng marinig ko ang mga kalabog sa ibaba.
At nakita ko nalang ang mga bitak-bitak na semento at mga sirang bagay nalumilipad sa kung saan.

Napapikit ako. Hindi ba talaga titigil ang dalawang to.

----------------------------------------------------------

Eros POV..

"Wahhh!DESTINY IBABA MO NA KAMI PROMISE HINDING HINDI NA KAMI MAG-AAWAY!!"

"HIKARU! NAKAKAHILO NA AYOKO NA!"sigaw naming dalawa ng ubanin nato nakabitin kasi kami sa itaas ng puno at kapag nahulog kami o kaya naputol ang tali nato siguradong sa malalim na talon kami diritsyo.

Yeah nasa puno kami at ang nasa ibaba ay ang talon.

Waah!!ayoko pang mamatay gusto ko pang magkapamilya huhuhu.

"Destiny!"sigaw ko at nag pout.

"Hahaha,ate ibaba nanatin sila kawawa oh"sabi ni Sandy.

"Naaawa ka ba o natatawa,gusto mo rin bang magaya sa kanila.Hindi mo pa naipapalabas ang kapangyarihan mo diba"

"Ah hehe ayoko ate noh,sige po mag iinsayo ulit ako"sabi niya at tumakbo papunta sa kuya niya na ngayon ay sinusubukang kontrolin ang naipalabas niyang air ball.

Nang dumating ako kanina kasama ng dalawa ay muntik na kaming tamaan ng mga sangang nagliliparan dahil sa lakas ng hangin na bumalot sa katawan ni Shio.

Nanonood lang kami sa kanya habang nagsisigaw siya sa loob ng ipoipo.Mabuti naman ay agad niya itong nakontrol.

Tumingin ulit ako sa dalawa. Bigla ko silang pinakawalan at sabay silang sumigaw ng malakas ng mahulog sila sa talon.

Napangiti ako sa nakita ko.Pero bago pa sila bumagsak ay pinalutang ko sila at dinala sa tabi ko.

Alam kong nakakagulat yong nangyari kanina pero, hahaha ang sarap lang picturan ng mga hitsura  ngayon ng dalawang to.

Nakanganga sila at tulala.

"Buhay pa kayo kaya umayos na kayo diyan"sabi ko.

Agad naman silang nagsibalikan sa kanilang mga sarili.

"Wah!!akala ko mamamatay na'ko eh,parang lumabas ang kaluluwa ko sa katawan ko"napayakap si Eros sa sarili niya.

"Buhay pa'ko?"kinapa ni Leon ang sarili niya.

The Blood Of The Black Angel Where stories live. Discover now