Part 10

50 5 0
                                    

Ano ang mas masakit na BREAK UP?

Break up sa SIMBAHAN

Yung lugar na inaasahan mong dadalhin ka para pakasalan ay ginamit nya para iwan ka. Di ko maisip na kung bakit may mga taong ganito. Para ano? Diretso dasal ka kapag iniwan ka? O biglang mapaamin siya sa kasalanan dahil nasa harap siya ng altar? Well, sa hinaba-haba rin naman ng prusisyon, sa simbahan din ang natapos ang relasyon.

Break up sa ANNIVERSARY

Ito hung mga pagkakataon na tinitiis nila ang ilang buwan for the sake of umabot ng isang taon at masabi sa sarili nilang "Not bad, naka-isang taon naman kami." May ganito akong kilala dati na mismong anniversary nila sila naghiwalay. Umaasa pa 'yung kakilala kong lalake na sosorpresahin sya ng girlfriend nya ngunit ibang surpresa ang natanggap nya. Naawa ako sa kanya dahil sa akin pa sya nagtanong kung anong magandang regalo sa babae. Dahil nga anniversary daw nila at kailangan niyang pasahayin ang girlfriend nya.

Sabi ko mahilig ang mga babae sa pabango, kaya naman iyon ang binili nya. Noong oras na nakipag break iyong girlfriend nya, kinabukasan nasa facebook yung pabangong binili nya at binebenta na niya kaagad. Nalungkot ako dahil nakita ko yung effort nya. Masakit yon panigurado dahil isang taon na puno ng masasayang alaala tapos magiging ganoon nalang.

Qoutes Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang