9

11 2 0
                                    

Akala ko everything is still on place pero bakit ang puso ko parang nag-iiba na, ayoko sirain ang mga future kaya mas maganda sigurong lumayo na muna ako sa kanila .
Sa school halos di ko na sila kinakausap tinatanong n pa nga ako ni eureka at lee kung bakit ako ganun pero ang sabi ko lang sa kanila "gusto ko lang talaga mapag-isa ", weeks passed dahil sa pagiging lutang ko ,hindi ko na natatsa ang mga bagay bagay gaya ng bigla kong pagpasok sa top 10 ng school masyado ko pa lang itinuon ang oras ko sa pag-aaral.  Yan tuloy ilang upuan na lang ang pagitan namin sa isa't isa.

Dumating ang buwan ng disyembre at sa katuwaan nga naman ng tadhana si eureka pa talaga ang nabunot ko sa monito monita namin, inisip ko na lang na baka ito na ang huling beses na mareregaluhan ko sya  kaya mas maganda kung may meaning behind yung ipangreregalo ko.

Naisipan kong regaluhan sya ng isang orasan kagaya nung bagay na ginamit ko pang time travel. Pinasadya ko pa ang disenyo nyan at baka sa tamang panahon malaman nya rin ang katotohanan.

Dumating ang araw ng christmas party namin, awkward nga eh kasi kailangan mong magsabi ng message  bago mo ibigay yung regalo mo .
Nagtaka naman ako ng biglang sabihin ni lee ang pangalan ko.
" Sky Gomez, a heavenly name with a voice of an angel, this is my gift for you. I wish you could use these to protect all your precious memories." Pagkatapos nyang banggitin yon bigla akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib ko .
At dahil nga chain reaction system ng pagbibigay kailangan kong tumayo para magsalita at nang maibigay ko na ang regalo ko kay eureka. Pinilit kong tiisin yung nararamdaman ko

"Eureka, to my one of a kind friend, just like your name i found you, thank you for everything, i wish you would treasure this gift of mine that symbolizes time and life for you to enjoy it." Pagkasabi ko nun si eureka na mismo ang lumapit sabay iyak

"Uy ang oa mo na naman, andrama mo ha." sabi ko sakanya
"Nagsalita ang hindi lumuluha ahhahaah" sabi nya at dun ko lang din napansing napaiyak pala ako

Pagkatapos ng kadramahan na yun kinulit kulit lang ako ni eureka na buksan yung regalo sa akin ni lee yung totoo siya pa yung mas excited kesa sakin.

Pagkabukas ko isang treasure box ang nakita ko pagkabukas ko may kwintas na may singsing na pendant ang nasa loob. Alam kong nagseselos na si eureka kaya minabuti ko na lang ibahin ang topic namin.

Nang makauwi ako tiningnan ko ulit yung regalo ni lee saka ko lang din napansin na may sulat yun na nagsasabing enjoy life i will always be by your side. Goosebumps everywhere ng biglang sumikip yung paghinga  ko.

Simula ng araw na yon araw araw ng sumisikip ang paghinga ko tuwing nakikita o naalala ko si lee. Kasabay nun ang unti unting pagka-ilang ko kay lee kasi naman halos araw araw na kung magkwento ng mga balita si lee, ewan ko kung yun lang talaga ang dahilan pero sa halos lahat ng kaibigan ko sya lang ang nagtrato sa akin na para bang mas matanda sya sakin though magkaedad lang kami sa mga oras na to.

At kung pwede lang talaga na pigilin ko to tinigil ko na , kaso mukhang imposible na, kaya ang pwede ko na lang gawin ngayon ay ang itago na lang ang nararamdaman ko ngayon dahil alam kong may maaaring magbago sa future at mawala ako.

Time SlipWhere stories live. Discover now