CHAPTER28

6.9K 87 1
                                    

---------
guyz sorry ng marami....... lately nagkarun lang ng matinding pinagdadaanan..... n until now i am still down.... nisubukanq lang mag sulat..... sorry xa pandeadma ng callz n text..... emailz n everything...... i juz wanna be alone for a while and may sakit din po kase ako now..... thank you sa pag antai mg udq......

lil sisq nah cute forbiddenhater hope ur juz doing fine....
likewise with u anak danica nina :p.. xori madalas dq naxaxagot call muh..... Bosz hahaha sorry din aa deadma galore aq... 7 feet below the ground ako now ee...

to all of u... stay safe alwayz...... ill be okie....... soon......
-----------------
Kinabukasan ipinatawag sila ni SPO4 Santiago. Nagsalita na daw ang suspect at may warrant of arrest na para sa mastermind. Dali dali namang sinundo ni Jayne si Cassandra para sabay na silang pumunta ng pulis station.

Laking gulat ng makita ni Jayne ang mommy ng kuya niya naka posas eto. Halos isumpa eto ng lolo't lola nila ni Paul. Biglang tumingin sa banda nila ni Cassandra si Mrs. Oliver.

"Ikaw na bastarda ka ang dahilan kung bakit nawala si Paul." Pasigaw na sabi neto sa kanya.

"Paano mo nagawa yun kay kuya? Sa sarili mong anak?" Maiyak iyak na sabi ni Jayne. 

"Dahil sa'yo. Dahil gusto niyang ibigay sayo kalahati ng share niya sa kompanya ng daddy niya. Bastarda ka lang di ka dapat makinabang sa pinagpaguran ng asawa at anak ko." 

"Pwede ba Elizabeth tumigil ka na apo rin namin si Jayne. Baka nakakalimutan mo asawa ka lang walang dugo ng Oliver ang nananalatay sa dugo mo." Saway ng lola niya at agad niyakap si Jayne na iyak ng iyak. Di naman halos nakakilos si Cassandra dahil di pa naaabsorb ng utak niya ang nangyayari. 

"Ipasok niyo na sa kulungan yang walang hiyang babaeng yan." Wika ng lolo niya. Halos puro galit ang mababakas sa boses neto. Ni hindi niya magawang tignan si Elizabeth.

"Papa, mama parang awa niyo na wag niyo akong hayaan makulong dito!!" Pag mamakaawa ni Elizabeth habang kinakaladkad siya ng dalawang pulis papasok sa kulungan.

Agad naman tumakbo palabas si Jayne. Naghiganti siya sa isang taong wala naman palang kasalanan sa nangyari sa kapatid niya. Ramdam niyang naging masama siya kay Cassandra. 

Sumunod si Cassadra sa kasintahan pero di niya eto agad nilapitan. Ngayon lang niya eto nakitang ganun kalungkot at puno ng hinanakit. Hinayaan muna niya etong umiyak lang. Dahil pati siya halos gumuho ang mundo niya ng malaman niya na sariling ina ni Paul ang nagpadukot sa kanila. Di niya lubos maisip na dahil lang sa pera ay magagawa netong patayin ang sarili niyang anak. Gustuhin man niyang sumbatan ang ina ni Paul sa sakit at sa ginawa niya sa kanya at sa pag sarado niya sa mundo niya dahil buong akala niya siya ang dahilan kung bakit namatay si Paul pero di na niya nagawa wala siyang lakas ng loob at ni hindi niya alam kung saan mag uumpisa. Nabalot ng sakit at pighati ang puso niya. Nawala ang lalaking nagmahal ng lubos sa kanya ang lalaking tanging rumespeto sa kanya at ni minsa'y hindi siya pinaiyak. Ngayon naman ang babaeng mahal niya ang nag hihirap. 

'Cassandra I'm sorry for everything. I wish i could undo all those pain that I've cause you. Lord, Help me. I cannot even look at her right now. Hiyang hiya na ako sa lahat ng nagawa ko sa kanya Lord. How can i ever make things right?' Bulong ni Jayne sa sarili. Tumakbo siya palayo kanina dahil sa sakit na naramdaman niya ng malaman niya ang katotohanan. Dahil sa kanya kaya namatay ang kuya niya. Nadamay lang ang babaeng mahal niya dahil sa kanya. She glance at the girl standing not so far away from her. Kita sa mata neto ang lubos na pag aaalala. Unti unting naglakad papalapit eto sa kanya.

"Jayne.." Wika ni Cassandra kay Jayne. Di niya halos alam ang sasabihin sa kasintahan kaya niyakap na lang niya eto ng mahigpit. 

"I'm sorry Jayne." Bulong niya sa tenga neto.

Lalong napaiyak si jayne sa narinig. Yung taong ginantihan niya eto pa ang magsosorry sa kanya samantalang siya duwag na duwag magsabi ng totoo.Yumakap siya ng mahigpit kay Cassandra. Kasabay ang pag agos ng maraming luha sa kanya mata. Luha ng pagsisisi at paghihinayang. 

"Tahan na Jayne. Magiging ok din ang lahat." Wika ni Cassandra dito.

"I'm sorry Sandra... I'm sorry..." Wika ni jayne na lalong tumindi ang pag iyak.

"It's okie baby. Di mo naman ginusto nangyari sa amin ng kuya mo ee." Pag sisigurado ni Cassandra kay Jayne. 

"Sandra.. I'm really reAlly sorry for everything. Sorry... Sorry..."

Di man maintindihan ni Cassandra ang sinasabi ni Jayne ay dinampian na lang niya eto ng maliit na halik sa kanyang ilong at labi. Para sabihin na okei lang siya. Na di siya dapat mag sorry. Niyakap lang niya eto hanggang tumahan eto sa kakaiyak. Agad niya etong niyakag sa sasakyan ni Jayne at pinaupo sa passenger sear. Si Cassandra na ang nag drive dahil alam niyang pagod na pagod eto sa kakaisip at kakaiyak. Bago pinaandar ang sasakyan sinulyapan muna niya si Jayne na kasalukuyang nakapikit na. She may not understand kung bakit ganun na lang etong magsorry kanina pero isa lang sigurado niya. Na mahal na mahal niya eto. Hinaplos niya ang pisngi ng kasintahan bago nag drive pauwi sa kanila. 

"Jayne, baby wake up na. dito na tayo sa bahay." Malambing na wika ni Cassandra. 

Ibinukas ni Jayne ang kanyang mata. Agad niyang nasilayan si Cassandra na nakangiti sa kanya.

"Lika na baby. Baba na."

"Sandra... Uwi na lang ako." Wika ni Jayne. Di pa rin niya alam pano pakitunguhan ang taong sinaktan niya ng lubos.

"No! Bukas ka na umuwi." Cassandra commanded. Wala ng nagawa si Jayne kundi sundin ang kasintahan. 

Pagkatapos kumain ay pinagpahinga muna ni CAssandra si Jayne. Hinatid niya eto sa kanilang guest room. Di naman umangal si Jayne bagkus dali dali etong humiga sa kama.

"Rest ka na muna ha? I'll wake you up na lang pag dinner na." Wika ni Cassandra. Agad naman tumango si Jayne. Cassandra geve her a kiss at her forehead at sa kanyang ilong. 

"I love you Jayne. I do still love you." Bulong niya rito bago tumayo palabas ng pinto.

"Sandra..." Wika ni Jayne bago pa man makalabas ng pinto si CAssandra.

"Yes baby? You need anything?" Sinulyapan niya eto.

"Thank you. And i love you so much." Mahinang wika ni Jayne sakto lang para marinig ni Cassandra.

"I know baby and i love you too. Rest now baby." Wika ni ni Cassandra bago eto lumabas ng kwarto.

Ipinikit muna ni Jayne ang kanyang mata dahil pagod na siya kakaisip kung magtatapat na siya kay Cassandra o papadala siya sa takot niya na di na siya neto patawarin pa kahit kelan.

------------------------

)

(girlxgirl) It has to be youWhere stories live. Discover now