Vlance

1.1K 68 1
                                    

Cassiopeia

Ilang oras na ang lumipas magmula nung may nangyari kay Dravius at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang kamalayan. Matapos niya tilang matulala kanina ay oras ang lumipas at nahintakutan ako nang paunti-unti ay lumabas ang mapupulang likido sa kanyang mga mata, tanda ng labis na sakit at pighating nakikita na  kanyang dinamdam.

"Ugh!"

Isang ungol ang kumawala sa kanya habang natutulog at tila siya'y nananaginip.

"Ugh!"

Lumabas ang mga pawis sa kanyang katawan at nakita ko ang pagkuyom ng kanyang mga palad habang nakapikit.

"Magbabayad kayo... "
Bulong niya...

"Dravius..."
Tawag ko sa kanya saka ko hinawakan ang kanyang kamay at saka ko siya pinilit na magising. Niyugyog ko ang kanyang braso ngunit-

"Ack!"
Napakasakit ng aking leeg ng sakalin niya ako sa leeg.

"D-Dravius, b-bitaw, h-hindi a-ako ma-makahinga!"
Napakasakit ng pagkakasakal niya sa akin na halos hindi ko na alam kung papaano ang huminga.

"Cassiopeia!"

"V-vlance..."
Mabuti at dumating si Vlance.

"Paaak!"
=_=

"Aray! Sino ba ang nananapak!"
Napasigaw ang natutulog na si Dravius ng sapakin siya ni Vlance ng pagkalakas-lakas, mabuti na lamang at nagising ito, ewan ko ba kung matutuwa ako.

"Ahhh, k-kasi, si Cassiopeia, sinasakal mo habang tulog ka."
Paliwanag naman ni Vlance.

Namutawi naman sa mukha ni Dravius ang pagkabigla, pag-aalala at pagsisisi.

"Nasaktan ka ba? Pasensya na hindi ko sinasadya."
Lumapit ito saakin at ginawaran ako ng isang mahigpit na yakap.

Vlance

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa babaeng ito.

Eh kasi habang niyayakap siya ng lalaking nanakal habang tulog, naku, kilig na kilig pa.

"Ahh, kain na pala tayo."
Panira ko sa kanilang madamdaming sandali.

"Ahh, hehe, kain na daw."
Wika ni Cassiopeia habang pilit na tinutulak ang lalaking ginagamit ang pagkakataon upang makayakap.

Bahala na nga sila diyan.

---

"Ikaw lang ba mag-isa dito Vlance?"
Tanong ni Cass habang nandito kami sa hapag-kainan.

"Oo."
Simpleng sagot ko sabay subo ng masarap na pagkaing aking niluto.

"Eh, nasaan ang mga magulang mo?"
Tanong naman ni Dravius.

"Wala na, namatay sila 20 taon na ang nakakalipas."
Simpleng sagot ko ulit.

"Bakit, ilang taon ka na pala?"
Tanong naman ng mausyusong lalake.

"22, dalawang taong gulang ako nung mamatay sila."

"Ganun ba, pasensya na."
Pakikiramay ni Cass.

"Ano ka ba, wala yun, saka matagal na panahon na naman ang lumipas."

---

Isang tahimik na sandali sa pagitan naming tatlo, maganang kumain ang mga bago kong kaibigan. Gusto ko ang ganitong pakiramdam noon pa, ang magkaroon ng mga kaibigan, parang pamilya lamang na pinag-ugnay, hindi ng malapot na dugo kundi ng malalim na ugnayan.

---

Dravius

Malamig pa rin ang temperatura at nagbabagsakan pa rin ang nyebe mula sa kalangitan.

The Dark SunWhere stories live. Discover now