Chapter 1 Seeing you again

2K 72 15
                                    

Yuan is back. Your husband is back. Ito ang natanggap na text message ni Jera sa kapatid na si Arvee. Hindi niya maintindihan kung ano ang unang mararamdaman. Should she be happy or afraid? Yuan left their town five years ago without even saying goodbye to her. Kahit sa mga magulang at mga kaibigan ay hindi din nagpaalam ang binata. At nang umalis nga ang asawa ay wala silang komunikasyong dalawa. She doesn't even know his number. Even his social media accounts were deactivated. Sabagay, ganun naman talaga ang ginagawa ng mga taong umiiwas. And now he is back. She missed him so much. Walang araw o gabi na hindi niya naiisip ang asawa. Kung sana ay nakuntento na lang siya dati na mahalin ito ng palihim, di sana ay hindi nasira ang relasyon niya kay Yuan at ang pagkakaibigan ng Kuya Arvee niya at ni Yuan. If she could only bring back the time, itatama niya ang mga nagawang kasalanan.

"Hey! Ang seryoso mo diyan ah! Baka matunaw na yang screen ng cellphone mo sa pagkakatitig mo. Ano bang binabasa mo?" tanong ng kaofficemate niyang si Lorie na tumabi sa kanyang kinauupuan.

"He is back, Lorie." wika ni Jera sa kaibigan.

"Sino?" takang tanong ni Lorie.

"My husband. Si Yuan. He is back."

"So the devil is back,huh? Akalain mong buhay pa pala yun? So, what's your plan now?" ang patuyang tanong nito.

Jera understands why Lorie sounds sarcastic. Ito kasi ang saksi sa lahat ng sakit at hirap na dinanas niya sa nakalipas na mga taon. Lorie is her best friend since high school days hanggang sa ngayong pareho na silang mau trabaho.

Hindi naman masagot ni Jera ang tanong ng kaibigan. Kahit siya ay hindi alam ang gagawin. Hindi niya alam kung dapat na ba silang magkitang mag-asawa. She is afraid of what Yuan might say to her. She knows that he hated her. For sure, he still hates her.

"Hay naku, wag na nga natin pag-usapan ang Yuan na yan. Wala namang kwenta yun eh. Ang mabuti pa magshopping na lang tayo after ng work. 15 minutes na lang naman at tapos na ang trabaho natin."

"Okay. Mabuti pa nga. Gusto kong magrelax." nakangiting wika ni Jera.

Naunang lumabas si Jera ng building. Iniisip pa din niya si Yuan. Ano na kaya ang itsura nito? Maybe he is more handsome now. Mas macho na din siguro ang binata ngayon.
Naputol ang pag-iisip niya ng dumating na si Lorie. Kasama nito ang isa pa nilang ka officemate na si Ethan.

"Jera, sinama ko na si Ethan. Wala naman siyang pupuntahan ngayon kaya sabi ko sumama na satin." nakakalokong sabi ni Lorie.

Hinila ni Jera si Lorie palayo ng konti kay Ethan.

"Luka ka talaga eh! Alam mo naman na may gusto yan sakin tapos isinama mo pa!" naiinis na wika ni Jera.

Tatawa tawa naman si Lorie.
"Kaya ko nga isinama kasi alam kong may gusto sayo. Ano bang problema mo kay Ethan? Gwapo at macho naman ah. Mabait pa at matalino. Kung ako lang ang naging gusto niya, pinatulan ko na."

"Ang problema? May asawa na ako noh! At mahal ko si Yuan. Alam mo naman yun di ba?"

"Oo alam ko. Kaya ko nga isinama si Ethan para makalimutan mo na yang kabaliwan mo kay Yuan. Girl, tama na. Wala ka naman mapapala sa asawa mo. Leave him. Ay paano mo nga pala iiwanan yun eh ikaw na nga pala ang iniwan niya."

"Tama na, Lorie. You don't have to stress the obvious. Tara na nga lang sa mall. Promise me, this will be the last time na isasama mo si Ethan."

"Oo na."

Kumain muna ang tatlo pagdating sa mall at saka tumingin ng mga damit. Si Lorie ay abala sa pagpili ng mga jeans. Si Jera naman ay inabala ang sarili sa pagpili ng mga dress na babagay sakanya ng tabihan siya ni Ethan.

"Alam mo, hindi mo naman kailangan mamili ng mga damit dito kasi lahat naman bagay sayo eh." nakangiting wika ng binata.

"Sus. Nambola ka pa. Pero salamat." nakangiti ding wika ni Jera.

"Jera, I know you are still married but I like you. I really do. Kung okay lang sayo, I am willing to wait for you. Hihintayin kong maging malaya ka."

"Ethan...I like you too but only as a..."

Hindi naituloy ni Jera ang sasabihin dahil biglang may lalaking lumapit sa kanila. He is tall, handsome and really smells good.

"So my wife is having a date? What happened to the little girl who used to loved me?" wika ng baritonong boses ng binata.

"Yuan..."

"Hello,my wife. Hindi ko akalain na dito kita makikita sa mall at may kadate pa. Ito ba ang pinagkaabalahan mo sa loob ng limang taong wala ako?" patuyang tanong ni Yuan.

"Mali ang iniisip mo..."

Ibinaling naman ni Yuan ang tingin kay Ethan.

"If you don't mind, aalis na kami ng asawa ko." Pagkasabi nito ay hinawakan ni Yuan sa kamay si Jera at lumabas na sa departent store.

"I'm with Lorie. Hindi man lang ako nakapagpaalam sakanya."

"Sakanya mo ba talaga gustong mag paalam o sa kadate mo kanina?" galit na tanong ni Yuan.

"Hindi ko kadate si Ethan! At ano bang problema mo! Ngayon pa lang tayo nagkita ulit tapos nag-aaway na agad tayo!" nanlulumong wika ni Jera.

"I'm sure you know that I am back. But what did you do? Mas inuna mo pa makipagdate sa iba kaysa ang makita ako."

"I am not expecting that you want to see me. You hate me as far as I know."

"Yes, I do. But that doesn't give you the license to cheat on me, Jera!"

"Damn you! How dare you accuse me of being a cheater! Hindi ka pa din talaga nagbabago. You still love to insult me! Kung ganito lang pala ang sasabihin mo sakin, sana hindi mo na lang ako nilapitan! Bakit ka pa kasi bumalik!?"

"Because of you, my wife."

To be continued...

Now and AlwaysWhere stories live. Discover now