2: Okay Lang

528 11 0
                                    

OKAY LANG

Okay lang kahit iniwan mo ko.
Kahit lumayo ka at lumapit sakanya.
Kahit nawala ka sakin at nagkaron ka ng iba.
Kahit nakangiti ka at ako'y umiiyak.

Okay lang kahit malaya ka na at ako'y nakakulong pa rin.
Sa mga salitang sabay tayong nag-isip,
Nangakong walang bibitiw,
Ngayo'y may iba ng iniibig.

Okay lang kahit ikaw ay masaya,
At ako'y nagluluksa.
Dahil bago ka pa dumating sa buhay ko,
Okay lang naman ako.

By:
Fiorebelle 💕

Hugot PoetryWhere stories live. Discover now