CHAPTER 30- FORTUNE TELLING

1.6K 28 2
                                    

CHAPTER 30- FORTUNE TELLING

ASHA’s POV

 

Day off ko ngayon at nandito si Jordan sa tabi ko para makinuod. Gusto niya daw ng quality time naming dalawa. It’s been months since naging kami at so far wala pa namang grabeng pag-aaway sa aming dalawa. Konting tampuhan lang and such.

“Asha tara date tayo.” Tinignan ko siya ng masama. Nag-isip bata na naman po ang boyfriend ko. Haaaysss….

“Napapagood ako Jordan. Tinatamad akong lumabas.” Nagpout siya sa harap ko at nagpacute pa. Tinawanan ko lang siya pero biglang nagbago ang expression nang mukha niya at mukhang nagalit pa.

“Minsan na nga lang mag-aya ng date ayaw mo pa?” natawa ako sa expression ng mukha niya kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na kurutin at halikan ang pisngi niya.

“Opo sige na magbibihis na.” tumayo ako at umakyat na sa kwarto ko para makapagbihis. Naalala ko pang Christmas season na kaya magkichristmas shopping narin ako.

“wag na. Gusto ko lang maglakad lakad habang magkasama tayo.” Reklamo niya pero magpapatalo ba ako?

“Please?? Para hindi na ako masyadong makipagsiksikan sa Christmas Rush and besides wala din naman tayong gagawin diba?” In the end napapayag ko din si Jordan.

Alam kong nag eenjoy din si Jordan sa pagsashopping ko dahil minsan siya pa ang namimili ng mga bibilhin ko. We also had fun fitting clothes and shoes pati na rin ang pagshop ng couple things.

“Ok last na to. Kay mommy at kay daddy then we’re done.” Sabi k okay Jordan but he’s not paying attention at nakatingin lang siya sa isang boutique na medyo odd ang design. It says a fortune telling shop. I think nagbebenta sila ng mga fortune telling stuffs and novelty items.

“Want to check it?” Tanong ni Jordan sa akin. Out of curiousity, pumasok kaming dalawa. May nakita kaming isang babae in her early 30’s sa loob. Nakangiti siya sa amin at hinayaan lang kaming tumingin tingin sa loob.

May mga nakita kaming iba’t ibang klase ng tarot cards. May mga cards din kung saan nakalagay ang chinese or astrological sign mo together with your fortune. May mga charms and bracelets pa at iba’t ibang ornaments.

“Magboyfriend kayo diba? Gusto niyo bang hulaan ang relationship ninyo?” nagkatinginan kami ni Jordan at ginuide niya kami sa harap ng isang table. Naupo siya sa harap namin at hiningi niya ang left palm naming dalawa.

“Hmmmm…. Magkakilala kayo simula pagkabata.” Nagkatinginan kami ni Jordan at tumango. Hmmm…. Hindi naman ako naniniwala sa hula pero mukhang tugma lahat ng sinasabi niya.

“Madami na ring pinagdaanan ang relasyon niyo. I can say magtatagal ang relasyon ninyo. At maswerte kayo kasi nakita niyo ang soulmates ninyo. ” Natuwa kaming dalawa sa hula sa amin pero nangunot ang noo ng tindera.

“Pero….. Mag-ingat kayo na hindi maputol ang tali na nag-uugnay sa inyo dahil kung hindi…… Hindi na muli magtatagpo ang landas ninyo.” Nagkatinginan kaming dalawa at kahit na hindi niya sabihin alam kong bothered din siya.

WATCH OUT MS MANHATER 2 (SIGNS)Where stories live. Discover now