°°°°°
Weekends ngayon ! Kaya eto sumama ako sa pag gogrocery kay mommy ., in fairness ha ! Kahit di kami gaanu nag uusap para sakin achievement to , atleast kahit papanu nakakasama ko siya ng hindi nagagalit sakin .
Habang tulak tulak ko yung , Big cart tumingin tingin ako ng pasta ! Habang si mommy nasa kabila para mamili ng mga gagamitin niya for baking ,mahilig kasi talaga siya mag bake, hobby kasi nila yun ni ate noon .
"Hmmm .. Gusto ko mag luto ng carbonara mmm .. Nagugutom na tuloy ako !"
Naka short lang ako with white shirt and white vans shoes .
After namin namili , kumain kami sa favorite na restaurant ni ate aria .
Tahimik lang ako habang umoorder si mommy ,
"Nawawala ata dila ko pag kaharap ko si mommy"
Alex , what do you want ? Nabigla naman ako sa tanong niya .
Ah ! Ahm .. Kahit ano nalang po ma ,
"Everytime she talked to me nawiwindang talaga ako eh"
Habang kumakain kami .
How's your school ?
"Uy bago to ah !"
P-po ? Utal kong sagot .
I said how's your school !?
Pag uulit pa niya .Ahm ! Okay lang po ,
Ayokong bumagsak ka kaya ayusin mo yung pag aaral mo , hindi namin pinupulot ng daddy mo yung perang ginagastos sayo . kung andito lang sana yung ate mo ---
Napatigil ako sa pagkain , at ganun din siya . napatingin siya sakin , and ramdam kong nabigla lang din siya sa sinabi niya .
" Oo. Si ate ! Lahat naman dapat si ate , hanggang kailan ba tayo ganito ma "
Excuse me ! Pupunta lang akong rest room . pag papaalam niya .
Pagbalik ko , uuwi na tayo ! Dagdag pa niya .
Pareho kaming tahimik sa sasakyan , siya ang nag dadrive , simula kasi nung naaksidente kami . dina ako pinayagan ni daddy mag drive ng kotse . at na trauma din kasi ako masyado kaya takot din ako .
Hanggang sa makarating kami ng bahay , wala kaming imikan ni mommy .
Hindi din naman ako nagtagal , at nagpaalam ako na aalis lang ako kasama ko sila Mimi . pero ang totoo gusto ko lang mag pahangin at mapag isa .
Dina ko nagpahatid kay mang Mario , nag taxi ako papuntang dike sa may parola . tambayan kasi namin to ni ate noon , Pagdating ko dito .
![](https://img.wattpad.com/cover/86171710-288-k982571.jpg)
YOU ARE READING
MY TANGI
Teen FictionPaano kung yung mga taong nag paiyak at nang iwan sa inyo noon , ay bigla nalang bumalik para bawiin yung dapat na sa kanila , Ipagapapatuloy niyo ba ang nasimulan niyong pagmamahalan or bibitawan niyo ang isat isa kasi alam niyong yun ang kailanga...