Chapter 20: Her knight in bloody armour

77 20 32
                                    


20.

Her knight in bloody armour

Jelich's POV

***

"Okay naman na siya Jel. He just need to take a rest. Marami din kasing dugo ang nawala sa kanya." Sabi sa'kin ni Polla.

"Thank you talaga ah. Salamat sa tulong mo." Nilingon niya ko and she just gave me a sweet smile.

Polla helped me to take good care of Jax. Nilinis namin ang sugat niya at mabilis na nilagyan ng benda para kahit papaano ay mapigilan ang labis na pagdurugo.

Buti nalang talaga at mababaw lang ang natamo niyang sugat kanina. Salamat po God dahil hindi gano'n kalalim ang sugat niya sa dibdib. Medyo malubha naman ang natamo niya sa braso. Buti nalapatan na namin 'to ng first aid.

Napasalampak ako sa sahig habang hindi pinuputol ang aking tingin kay Jax. Nakahiga siya sa kama at mahimbing na natutulog.

Buti nalang maayos na ang kalagayan niya.

Nilibot ko ang aking tingin para makitang muli ang mga kasama sa room number three.

Anim kami ngayon dito. Si Jax, Raven, Jam, Enzo at Polla ang mga kasama ko.

Kahit papaano ay panatag ang loob ko dahil dalawang barako ang kasama ko sa kwarto. Maproprotektahan  nila kami sa kapahamakan.

"Guys." Agad kaming napalingon sa nagsalita. Si Raven.

"Hindi ba kayo nagugutom? Hindi pa tayo kumakain ng hapunan diba?" Nagkatinginan kaming lahat nang dahil sa sinabi niya.

"Nasa kusina ang mga pagkain pero sa pagkakatanda ko. Meron din sa Dinning area. Diba naiwan natin ang mga pagkain do'n." Bulalas ni Polla.

"So guys? Ako at si Raven ang titingin sa baba kung meron tayong makikitang pagkain. Jam, samahan mo sila dito." Giit ni Enzo.

"Lock the door. Babalik din kami agad." Sabi pa niya.

"Mag-iingat kayo ah." Sabi ko na lamang. Sobrang delikado kasi sa labas. Wala kang kasiguradohan kung makakabalik ka pa ng buhay.

Si kuya, Marina, Nicole at ang iba pa. Sana nasa maayos lang silang kalagayan.

Tumayo na 'yong dalawa mula sa pagkakaupo kaya naman tumayo narin kami.

Bubuksan na sana ni Enzo ang pinto ng bigla itong kumalampag.

Napaatras kaming lahat.

May naririnig akong sigaw sa labas pero hindi gano'n kalakas.

Isa lang ang alam kong dapat naming gawin, kailangan naming buksan ang pinto dahil kung sino man ang nasa labas, alam kong kailangan niya ng tulong namin.

I was in the moment to say my thought pero hindi ko na nasabi nang maunang magsalita si Polla.

"No matter what, wag na wag niyong bubuksan ang pinto." Bakas sa mukha niya ang sobrang pagkatakot.

Napaawang ang bibig ko dahil sa mga sinabi niya. She's wrong! Kailangan ng iba ang tulong namin! Mali siya!

"Pero Polla, paano kung---."

Ensorcelled Eyes (Unedited)Where stories live. Discover now