Prologue

1.6K 50 5
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sabi nila, Time is more important than space...

Time is gold...

Kaya't habang may oras ka pa sa mundong ibabaw, gawin mo na ang mga dapat mong gawin. Bigyan mo ang sarili mo ng time na maging masaya.

Marami sa atin ang natatakot na mag-take ng risk. Marami sa atin ang takot mabigo at masaktan. Bakit nga ba tayo natatakot sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Bakit ang marami sa atin ay takot magmahal?

Mahirap kasing magtiwala, betrayal – dun nagsisimulang gumuho yung lahat. Masakit din pag yung taong mahal natin ay di tayo kayang mahalin pabalik. Kaya naman sa kung sino sino nalang tayo kumukuha ng pagmamahal. Para bang nanglilimos na tayo ng atensyon.

Kelan ba darating yung panahon na tayo naman yung mahalin. Darating yun – but not today.

---

Katatapos ko lang mag-patrol sa CEREBRO East Wing. Na-check ko narin lahat ng gates at muhkang ok naman. Umiwas ako sa Common room dahil nandun sina Clay at Chase. Di ko parin kaya, di ko parin sila kayang pagmasdan na magkasama.

Parang nadudurog parin yung puso ko sa tuwing nakikita ko si Clay na masaya sa iba. Pilit ko parin sinasaksak sa kokote ko na kaibigan lang ang turing sa akin ni Clay. Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad sa hall ng biglang tumunog ang alarm ng East Wing. Isa lang ibig sabihin nun, may pumapalya sa Laboratory ni Clay.

Kinuha ko yung Electric Laser Gun ko at bumaba ako sa Level 0. Binuhay ko lahat ng ilaw sa hallway para tumungo dun sa lab. Nadatnan ko doon si Clay na parang natataranta sa pagtipa sa computer. May tinitignan siyang mga data sa monitor.

"What's happening?" tanong ko.

"America is being attacked" tugon niya.

"Ano tong red dot na to"

"That's Japan, tsunami warning"

"What's happening Clay?"

"I don't know, parang may mali sa cycle. Di ko mahanap, di ko mapin-point kung saan yung location ng pumapalya"

"But you know how to settle this right?"

"Di ko na alam Argus, naguguluhan na ako"

"May magagawa ba ako?"

"Nothing"

Biglang natahimik sa buong room. Panay parin ang tunog ng alarm at halatang naghahanda na ang mga sundalo. Nagkalat na sa lugar ang mga drones at panay na ang pag-lipad ng mga helicopters.

"Oh my God" gulat na tugon ni Clay.

"Ano yun?"

"There's a virus spreading in Central Europe, Argus the plague is back"

"Magugunaw na ba ang mundo?"

"Not if we try to play with time, if we reverse it we can still save this generation"

"What about the consequences?"

"People will die"

"What are the figures?"

"Roughly a million or less"

"Versus what, kung wala tayong gagawin?"

"Extinction Argus, there will be a renewal after this"

"Then do it Clay"

"Are you out of your mind?"

"No I'm not, if million lives will save this generation why not risk it all"

"Ayoko"

"Bakit?"

"Dahil mamamatay ka Argus"

Nabigla ako sa sinasabi niya, paano niya nalaman?

"Nakita ko, if I'll try to reverse time. Iiksi yung life-span mo, and if I do it now you'll die Argus. Chase will die too"

"Clay"

"I can't"

"May magagawa ba tayo?"

"You need to go back in time Argus, and find him"

"Di kita maintindihan"

"You need to go back in 2016 Argus, you need to find him"

"Find who?"

"Seth Kyrie"

"Di ko siya kilala"

"Kaya nga hanapin mo siya, you need to save him from death para masalba ka rin niya. Nakita ko kung paano siya mamatay, he will die in a car crash. He will never be a Doctor, he'll die young if we do nothing"

"Why do I need to save him?"

"Malalaman mo rin Argus"

"Clay mahirap kalabanin ang oras"

"If it's the only way para itama ang lahat, then let's do it"

May pinindot na buton si Clay at dun tumigil ang alarm. May nakita akong mga waves sa screen. Sinabi niya na mga telepathic waves daw yun. Nagco-communicate yung mga brains from different era.

"Argus we only have 2 minutes to to this, handa ka na ba?"

Tumango nalang ako. Pumasok ako sa isang parang capsule na may maliwanag na ilaw. Malamig doon, may mga usok pang lumalabas. Isinara ni Clay ang pinto saka niya pinindot ang buton. Nabulag na ako sa liwanag, wala na akong maramdaman. Blanko lahat, at parang lumulutang ako sa ere.

Nang mag-mulat ako ng mata ay ipinapasok na ako sa Operating Room.

"Where am I?" tanong ko.

"St. Mary's Axe Hospital" sagot na Nurse in a British Accent.

"What place is this?"

"London, England"

"What happened?"

"You've been badly shot sir"

Nahihilo na ako nun at nakakaramdam ako ng matinding sakit. Di ko alam kung ano nangyayari sa akin. Napansin ko nalang yung orasan na nakasabit doon.

"9:00 PM, July 07, 2016 – London, England"

"I travelled 44 yearsback?" tugon ko sa sarili ko. Naramdaman ko na may itinurok sila sa akin sakana ako tuluyan nawalan ng malay. 

Not Today (boyxboy)Where stories live. Discover now