Chapter 43: The Visitor

471K 4.7K 663
                                    

AN:

HEY HEY! Bago nyo to basahin, basahin nyo muna yung chapter 42: Note. Click the external link! Nakaprivate sya, at followers lang makakakita. Ayoko namang ipero kailangan talaga. Yung mga nakabasa ng chapter 43 kagabi na napost ko. Mali yun, lol lutang ako kagabi ngayon lang naayos utak ko. Haha what. Alisin nyo yun sa utak nyo, sa mga nakabasa. Play nyo pala yung video sa multimedia. Si Liam! Ang gwapo

LIAM

Bakit ba sya ganun? Hindi ko na sya maintindihan. Akala ko, okay na kami. Pero pag tapos lang nun, iiwan nya ko? Binigyan nya ko ng magandang gabi, iiwanan nya ko. Ang saya saya ko kasi binigay nya sakin yung sarili nya kagabi, Akala ko napatawad nya na ko, akala ko pumapayag na sya na ayusin na naming ang relasyon naming at mag simula ulit. Nanghihina akong napaupo sa sofa, napahawak ako sa buhok ko. Bakit ba ang hirap? Ganun na ba talaga kahirap sakanya na patawarin ako?

I'm willing to change, itatama ko lahat ng mali ko.

Tumayo ako at kinuha ko yung note na iniwan nya sakin. Alam ko naman kung ano yung sinasabi nya dito eh. Bakit ba pinipilit nyang pumayag ako? Kahit anong gawin nya hinding hindi ako papaya pirmahan yun. Hindi hindi ako papayag na mawala sya sakin. Alam kong maayos pa naming to, kahit parang ako nalang yung kumakapit.

Itetext ko dapat sya pero hanggang ngayon, hindi ko padin ma-contact yung number nya. Nagpalit siguro sya ng number. Ang tanga tanga ko, hindi ko man lang kinuha yung number nya. Hindi man lang nya nabigay sakin, talaga bang iniiwasan nya na ko? Damn. Alam kong nakakahiya at tatalakan lang ako nito pero kailangan ko talagang gawin to. Dinial ko yung number ni Kylie at tinawagan sya, mga tatlong ring bago din nya sinagot yung tawag ko.

[Hello?!]

"Kylie.. Kasama mo ba si Kath?" Tanong ko sakanya.

[Hinde! Wala! Anong kailangan mo?!]

Ang init din talaga ng ulo nito sakin. "Pwede mo bang ibigay yung number ni Kath sakin?"

[I'm sorry, Liam.]

Yun lang yung sinabi nya at binabaan na ko ng phone. Dammit! Bakit ba ganun? Bakit pinagkakaisahan nila ko? Bakit baa yaw nilang maayos naming to? Tangina naman. Gusto ko ng maayos to. Gusto ko ng maging okay na kami ng asawa ko. Hindi ko na kasi kaya.. I need her. Sya lang kailangan ko para maging okay na ko. Sya lang.. Naramdaman ko na naman yung sakit sa puso ko.

Ang sakit sakit. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nagkaganito, sakanya lang. Ang sakit pala talaga. Kaya nga ayokong magmahal dati, ayokong mag seryoso kasi alam kong masasaktan lang ako. It's just.. I fell in love with her. I don't know how, I don't know why. I just did.

• • •

"Goodmorning Liam.." Napatingin ako sa pumasok sa opisina ko.

"Go to hell." What the fuck is Victoria doing here? Naiirita na ko sa pasulpot sulpot nalang sya kung san san out of nowhere. Lalo na ngayong hindi ako okay. Weak, inside and out.

"Liam, we need to talk."

Hindi ko nalang sya pinansin kasi wala akong gana makipag usap sa kahit na sino and kung makapag demand sya akala nya kung sino sya. Sinira nya kaya yung relasyon naming ni Kath, kaya wag syang umasta na para bang magkaibigan kami or makikipag-interact ako sakanya. Patuloy nalang ako sa pag tatype kahit na ba nasa office ko sya, sa harapan ng desk ko sa may upuan. Ang kapal talaga ng mukha nitong babae na to.

"Didn't you hear what I just said?!" Ulit pa nito. Pinatong nya ang kanyang dalawang siko sa desk ko para ipakita yung cleavage nya. As if. Slut. My wife's cleavage are better than hers. Ha!

Married To A WomanizerWhere stories live. Discover now