Chapter Eight

2.2K 80 3
                                    


Chapter 8

At exactly 6 o'clock in the evening, nagsimula na akong maghanda. Matagal pa naman akong kumilos. Baka dumating na si Jude. Tapos hindi pa ako tapos.

Saktong may kumatok sa pinto ng kuwarto ko ay tapos na akong mag-make up. Lumapit ako doon at binuksan. Tumambad sa akin si Mama.

"Sweetie, nasa sala na ang kuya Christian mo." Nakangiting wika niya.

Pinasadahan niya nako ng tingin. I was wearing a black dress. Na lalong nagpalitaw sa maputi at makinis kong kutis. Hanggang tuhod ko lang ang haba. Ang buhok ko naman ay hinayaan ko nang nakalugay.

"Ang ganda mo... Mana ka sa akin." Sabi niya sabay hagikgik at pumalakpak na parang bata. Natawa na lang ako. Minsan nakakalimutan kong Mama ko pala siya. Kung ituring naman kasi niya ako ay parang matalik na kaibigan.

"Thanks, Ma. Pakisabi na lang na pababa na ako."

"Sige..." Nakangiting wika niya bago tumalikod at naglakad palabas.

Bumalik ako sa kama at dinampot ko ang paborito kong wallet at cellphone. Lumabas din ako agad. Pababa ako ng hagdan nang matanawan ko si Jude na nasa sala at naghihintay. Nag-angat ito ng tingin.

Agad ko siyang nginitian. Hindi ko na pinansin ang pagkakagulo ng kung ano sa loob ko.

Sh*t! He's gorgeous...

He's wearing a formal suit. Medyo magulo ang buhok nito na mukhang pinadaanan ng kamay nito ng maraming beses. Dahil doon ay mas lalo pa itong gumuwapo sa paningin ko dahil doon. Nahihibang na talaga yata ako... What I am thinking?

Napatayo siya. Titig na titig siya sa akin. Na para bang nakakita ng diwata. At ang diwatang iyon ay ako. Bigla tuloy akong nailang. Parang gusto ko nang maglaho o kaya'y bumalik na lang sa kuwarto ko at magtago doon. Para makaiwas sa mapanuring mga mata nito.

Ganyan ba talaga siya tumingin? Nakakailang... Siguradong marami na itong nabaliw na mga babae. Sa hitusra nito ay hindi malabong mangyari. Siya ang klase ng lalaking hindi na kailangang manligaw dahil tingin palang na ibibigay niya ay O-Oo ka na. Manghihina ka na. Gaya nga ng nangyayari ako.

Bakit ganito? Kasali ba ako sa mga babaeng iyon?

Nang tuluyan na akong makababa ng hagdan ay hindi pa rin siya natitinag, pinanood niya ang ginawa kong paglapit sa kanya.

Pagkalapit ko sa kanya ay doon ko lang napansin ang mga mata niya. Nasasalamin doon ang paghanga at... I'm not sure, but I think... It's love. O baka nagkamali lang ako.

"H-Hey..." Kinakabahang bati ko sa kanya. Bakit may ganitong epekto siya sa akin? Nakakatakot. Ayaw na gusto ko. Ang gulo! Tulad na lang ang ang nangyayari sa loob ko. Magulo.

"Beautiful..." Agad akong pinamulaan ng mukha ng marinig ko ang sambit niya. What the?

Muli niya akong hinagod ng tingin.

"You have to change." Mayamaya'y sabi niya, nakakunot ang noo, pinapasadahan niya ulit ako ng tingin. Napatingin na rin ako sa sarili ko. Mali ba ang suot ko? Hindi ba nababagay sa party na pupuntahan namin?

"Pangit ba?" Maganda naman. Bagay na bagay nga sa akin. At saka nakita ni Mama kanina. Kung hindi ko bagay ay sasabihin niya agad. Siya iyong klase ng tao na sasabihin niya kung anong nasa isip. Kung maganda ba o hindi.

It's Forbidden Series 1: The CousinsWhere stories live. Discover now