Chapter Five

24.8K 379 8
                                    

Kanina pa nakaalis sina tita Fiona at si Henry. Kanina pa din ako hindi kinikibo ni Xander. Pag nakikita n’ya ako na papalabas ng kwarto ko ay babalik agad s’ya papasok naman ng kwarto n’ya. Ano ba'ng problema no’n? Kakabati lang namin tapos hindi na naman s’ya namamansin. Ang hirap talaga espellingen nitong lalaking 'to.

Bahala nga s’ya.

Florence calling..

Ano naman kaya ang sadya ng bruhang 'to?

“Oh? Napatawag ka?” Matabang na sabi ko matapos kong sagutin ang telepono.

Nailayo ko ng wala sa oras ang phone ko dahil bigla bigla nalang s’ya tumili. As in ang haba ng tili n’ya.

“iiiiiihhhh! Grabe talaga Chescka!”

“Bakit?”

I can imagine her na nag iinhale exhale. Psh. Ano na naman kaya ang sasabihin nito?

“Dahil bestfriend kita, sa'yo ko 'to unang ibabalita bago ko ipagsigawan sa buong mundo!”

Inilayo ko ulit ang phone sa tenga ko. Grabe naman kasi s’ya makasigaw. Di n’ya ba alam ang salitang 'kalma'?

“Pwede ba? Yung boses mo pakihina? kulang nalang marinig ka sa kabilang kanto! Ano ba kasi yang sasabihin mo?” Iritang tanong ko.

“Sorry naman. Naexcite lang talaga ako hehe”

“Oh, e ano na nga? Bilis na may ginagawa ako.” Kahit wala naman talaga.

Naku sinasabi ko talaga. Pag 'yan hindi importante baka masapak ko 'tong si Florence! Pustahan.

“MAY BOYFRIEND NA AKO!”

She has w-what?

Teka nga, baka may tutuli lang 'tong tenga ko. Baka namali lang ako ng dinig.

“Anong sabi mo?!”

“May boyfriend na ako! Bingi lang bingi?”

“Ano? e akala ko ba makaHenry ka?”

“Nagbago na isip ko e! Mas gusto ko kasi yung boylet ko ngayon at promise seryoso na ako sa relasyon this time.”

Hay, makailang ulit na n’ya sinabi 'yan. Sana tuparin n’ya na this time dahil nakaksawa na marinig ang linya n’yang 'yan.

“Talaga lang ah? San mo naman kaya napulot 'yan?”

“Anong napulot? Grabe ka! Ultimate crush ko kaya ‘yon since elementary! Nakita ko s’ya nung nag bar tayo nung isang araw remember?”

My Stepbrother's Bedmate (R-18)Where stories live. Discover now