Inaantok

28 1 0
                                    

Ako'y inaantok. Inaantok dahil sa'yo. Hindi mo ba alam kung anong sakit ang aking nadarama nang gabing iyon? Ang gabing iniwan mo ako. Ano ba ang nagawa ko? May nagawa ba akong mali na naging dahilan ng pag-iwan mo sa akin? Ano ba ang nakita mo sa kanya? Binigay ko naman ang lahat ah. Hindi pa ba sapat iyon? Ano ba ang maari kong gawin upang balikan mo ako? Huli na ba ang lahat para magbago?

Ako'y inaantok. Inaantok dahil sa'yo. Mugtong-mugto ang mga mata ko sa kaiiyak nang iniwan mo ako. Malapit ko na sanang matanggap ang pakikipaghiwalay mo sa akin. Ngunit bakit ganito? Bakit apektado pa rin ako? Kasalanan mo ito lahat! Ba't napakadali lang sa'yo ang mag-move on? Samantalang ako, dagat ng luha na ang inaksaya ko para sa'yo. Hindi pa ba sapat ito? Sa tuwing nakikita kitang masaya sa piling ng iba, tila bang parang tinutusok-tusok ng paulit-ulit ang karayom dito sa puso ko. Ayoko na! Tama na!

Ako'y inaantok. Inaantok dahil sa'yo. Halos ubusin ko nang inumin ang lahat ng alak sa lahat ng tindahan nang dahil sa'yo. Sana itong nararamdaman ko para sa'yo ay parang alak na kahit anong dami ng ininom ko ay katumbas din ng paglaho ng sakit na ginawa mo sa puso ko. Minahal kita ng buong-buo. Walang labis. Walang kulang. Hindi mo ba alam na ang pagmamahal ko sa'yo ay parang alcohol? Tamang-tama lang timpla na sakto sa isang taong katulad mo. Maalala mo bang ako ang nariyan sa tabi mo nang iniwan ka niya tapos pagkaraan ay sasabihin mong mahal mo ako at nakalimutan mo na siya? Pero bakit nang makita mo siya ulit, siya pa rin ang pinili mo? Bakit? Siya pa rin ba talaga? Rebound mo lang ba talaga ako? Minahal mo nga ba ako?

Inaantok ako. Inaantok dahil sa'yo. Sa lahat-lahat ng ginawa mo, paano ako makaka-move on? Noong una mahirap pero dahil sa'yo, natuto ako. Oo. Natuto ako. May mabuting idudulot pala ang sakit na nadarama ko. Akala ko mawawalan na ng saysay ang buhay ko pero hindi pala. Maraming salamat sa iyo. Salamat dahil iniwan mo ako. Salamat dahil sinaktan mo ako. At salamat dahil ito na ako ngayon. Ang taong iniwan at sinaktan mo ay tumayong matatag at malakas. Salamat.

NagisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon