Chapter Seven

151 1 0
                                    

"Grabe hindi parin ako makapaniwala na natalo ng Devil Queen ang Supremo. Eh ngayun lang naman lumaban ang Queen sa intrams." Rinig kong sabi ng isang estuduante. Habang naglalakad ako sa hallway.

"Hindi pa pala sila nakamove on tungkol dun." Napalingon naman ako sa likod ko at nakita ko ang buong DGG. Napakunot naman ang noo ko dahil mukhang nagpipigil ng tawa ang apat habang si Sunny ay pinandidilitan sila ng mata.

"Whats going on?" Takang tanong ko.

"Wala. May nakita daw kasi silang pusang natapilok." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Sunny. Pusang natapilok may ganon ba?

"Niloloko mo ba ako? Pano matatapilok ang pusa eh apat ang paa nun?" Sabi ko sakanya. Nakita ko naman na pigil na pigil ng tawa ang apat. Pinandilatan naman niya ng mata ang apat. Tss. Wierd.

"Ahh... kasi naka heels yung pusa. Pinaheels ng may ari. Hehe."  Mas lalo pangnapakunot ang noo ko. Ang weird na talaga nila. Tss. Makaalis na nga lang. Bago pa ako makalayo ay narinig ko pang humagalpak ng tawa ang apat. Tss. Mga baliw.

"Hey!" Bigla namang may umakbay sakin. Sino na naman ba toh? Tiningnan ko naman ang umakbay sakin. Si Dennize Gian Salvador. Yung sobrang kulit at boyish na friend ni Sunny.

"Congratiolations." Sabi niya at ino-ffer ang kamay niya sakin. Tiningnan ko naman ito. Pati na rin ang pag akbay niya sakin. Mukha namang nakuha niya ang point ko kaya agad niyang inalis ang akbay niya sakin

"Oopss sorry. Congrats na lang ulit. Sige bye." Sabi niya sabay kuha sa kamay at  nakipagshake hands sakin at tumakbo siya paalis. Tss.

Nagpatuloy na lang ulit ako sa pag lalakad. Patungo sa rooftop para magpalit ng look. Nang may makabangga ako. Ang tangkad kaya sa dibdib niya ako na bangga. Napatingala naman ako sa taong yun. Si Supremo pala. Ngumisi ako sa kanya.

"Hows the bad luck?" Nakangising tanong ko sa kanya. Tiningnan lang niya ako ng blanko at nilagpasan niya ako. Tss. Pikon.

Dumeritso na lang ako sa klase ko. Pag pasok ko sa room ay nakita ko si Heart na nakangisi habang nakatingin sakin.

"What?" Iritang tanong ko. Ngumiti lang siya tapos inilapit ang mukha niya sa tenga ko.

"Mark this day because starting today your hell life will start now." Bulong niya sakin. Ngumisi naman ako sa kanya. At nilapit rin ang mukha ko sa tenga niya.

"I told you I'm not afraid." Sabi ko at humarap na sa bagong dating na teacher. Hindi mo ako matatakot Heart because I am more dangerous.

Pagkatapos ng class ay dumeretso akong cafeteria para bumili ng pagkain at umupo sa favorite spot ko. Nang may umupo rin sa table ko. Napatingin ako sa taong umupo.
Kumunot ang noo ko ng makita ko si Elmer Shade Denvor. A mafia boss of White Gibous Mafia.

"What do you need?" Tanong ko at sumubo ng pagkain ko. Tumingin si Elmer sakin.

"Pagkatapos mo dyan kumain pumunta ka sa table namin ng Red Blood Warrior, at there." Sabi niya at itinuro ang table nila binigyan ko lang ito ng isang sulyap.

"Why?" Tipid kong tanong sa kanya. I smell something fishy.

"Nothing we just want to know you. Glory Crystal Devilyn Night." Sabi niya emphasizing my name Devilyn. Tss.

"Hindi siya pupunta dun Black Shadow." Napatingin namam kami sa nagsalita. It's Sunny with Gian, parang kabute bigla na lang susulpot.

"And why?" Taas kilay na tanong ni Elmer kay Sunny. Napaubo naman ako dahil sa nakita ko. Si Elmer nagtaas ng kilay at ang taray niyang magsalita.

"Hoy! Okay ka lang?" Tanong ni Gian sakin. Tinaas ko naman ang kamay ko para ipahiwatig na ok lang ako.

"Hindi siya sasama sa inyo dahil may pupuntahan kami." Sabi ni Sunny.

"Ok fine. Sige sa susunod na lang." Sabi ni Elmer at umalis na.
"So? Where are we going? Bakit parang iniiwas mo ako sa RBW at WGM?" Sabi ko. Umupo naman silang dalawa.

"Tuso si Rex hindi pwedeng lumapit ka sa kanya isang tingin niya lang sayo malalaman na niya agad na may sekreto ka. Kaya lumayo ka kay Rex, Glory. Di mo alam kung gano siya ka tuso." Sabi ni Sunny. At isinubo ang fries ko. Tss. Kinain pa ang pagkain ko.

"How can you say that? Eh nakalaban ko na ang Rex. At natalo ko rin siya." Sabi ko at isinubo ang fries.

"Hindi mo ba alam na yan ang ginagamit ni Rex na alas sa kalaban. At sigurado ako may mga plano na ang Rex dahil ikaw ang nakatalo sa kanya sa underground." Sabi niya at kinuha ang tablet ni Gian.

"Uy akin yan. May sinusulat pa akong story dyan eh." Sabi ni Gian inilayo naman ni Sunny ang tablet kay Gian.

"Wait ka lang mag lo-log in lang ako sa website ng underground." Sabi niya at may kinalikot sa tablet ni Gian. Maya maya pa ay may pinakita siya sakin.

"Rex (King) is the most popular gangster in Korea. And his gang is the most popular gang in Korea. They are only composed of seven members. And his right hand is Denz Rixton Sy, what you called Zero." Basa ni Sunny. Kung ganon sa Korea sila popular dapat matalo ko ang Rex sa Korea.

"Sunny tawagan mo si Karl sabihin mo pupunta tayo sa Korea. Tatalunin natin ang Rex doon mismo sa Korea." Sabi ko, ibinalik naman ni Sunny ang tablet ni Gian.

"Ok Queen." Sabi niya at kinuha ang phone niya at may dinial na phone number.

"Siguraduhin mo na walang sabit Sunny dahil hindi tayo pwedeng matalo." Sabi ko at umalis na.

Kung sakaling matalo ko ang Rex sa Korea kami na ang magiging top one sa Korea at hindi na ang RBW. Dapat kong matalo ang Rex pati na rin ang iba pang member ng RBW.

Kailangan kong paghandaan ang laban ng DGG at RBW. Dapat naming makuha ang place ng RBW sa Korea as rank one. The Queen will always be a Queen. Ang Queen ang nangunguna sa lahat dapat kitang matalo Rex. The King of Red Blood Warrior.










_______________________

Readers ang Rex ay King word sa Portugese.







x-o-x-o-myknair

The Innocent DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon