~JC's POV~
Habang naglalakad ako ay para akong baliw na kinakausap ang sarili ko.
Ako: basted na ba ko? hindi ko inaasahang mababasted ako ng ganito. Ganito pala kasama sa pakiramdam kapag nireject ka ng taong gusto mo? Haiyst... hindi dapat ako mastress, at ayoko mastress!
Agad kong naisipang tawagan sina Tom, nang malaman kong nasa gaming center sila ay agad ko silang pinuntahan. Pagkarating ko sa gaming center ay dun ako nag-alis ng stress, nilibang ko ang sarili ko, at sa mga gaming machines ko ibinunton ang sama ng loob ko. After naming maglaro ay dumeretso kami sa restaurant ni Mrs. Gong. Habang kumakain kami...
Tom: JC, anong nangyari sa lakad mo? Parang stress ka ata??
Ako: binasted na ko ni Jenny.
Jerry: ano?? Binasted ka ni Jenny? Wow! For the first time!?
Ako: parang masaya ka pa ah??
Jerry: hindi naman bro, nabigla lang ako sa sinabi mo.
Tom: pano na yun?? paniguradong madali ng masusulot sayo ni CJ si Jenny?
Ako: hindi ko hahayaang mangyari yun, hindi ko basta isusuko si Jenny.
Nang makita ko si Amber ay agad ko siyang sinita para makausap.
Ako: Amber, magsabi ka ng ng totoo. Sinabihan mo ba si Jenny na layuan ako??
Amber: hindi, bakit ko naman gagawin yun?? kung ano man yung sinabi niya sayo, sariling disisyon na niya yun.
Ako: Amber akala ko ba magkaibigan kayo ni Jenny? Bakit hindi mo magawang magparaya para sa ikaliligaya ng kaibigan mo??
Amber: Magparaya?? Hindi mo lang alam, pero matagal na kong nagpaparaya JC. Sa twing nakikita kitang nakikipagflirt sa ibang babae, nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan lang ako kahit sa loob-loobin ko ay sobrang nagseselos na ko, dahil ano nga ba ang magagawa ng selos ko kung wala naman akong karapatan sayo diba??
Ako: Amber akala ko ba nagkaintindihan na tayo? Na wala akong feelings para sayo, at si Jenny ang mahal ko!
Amber: Alam ko, pero mahalaga din kay Jenny ang pinagsamahan namin kaya handa siyang gawin lahat para lang mai-save yung friendship namin, kaya sorry nalang.
Ako: Hindi ka pa din nagbabago Amber. Alam mo ba kung bakit kahit kelan ay hindi kita magawang magustuhan?? Dahil mapagpanggap ka! Wala kang ibang iniisip kundi ang sarili mo lang! pati mga inosenteng tao pinapaikot mo dyan sa pagpapanggap mo! Kung magpapatuloy kang ganyan, wag mo ng asahang dumating pa yung araw na magugustuhan kita. (sabay walk-out ko)
Nakita kong mangiyak-ngiyak na si Amber nang iwan ko siya.
Ang ayoko kasi sa lahat ay yung mga taong plastik, masgusto ko pa yung mga taong lagi kong nakakaaway atlis harapan nilang sinasabi sa 'kin na ayaw nila sa 'kin, kesa sa mga taong pinaniniwala kang kaibigan mo sila pero ang totoo, pinapaikot ka lang pala.
Hindi ko naman inaasahang makakasalubong ko si Jenny, iimikan ko sana siya pero hindi niya ko pinansin at nilampasan lang niya ko.
~Jenny's POV~
Sa twing iniiwasan ko si JC ay may parte sa puso ko ang tila kumikirot, pero wala akong magawa. Pilit kong ibinabaling ang atensyon ko kay CJ na madalas ko ngayong nakakasama, pero tila hindi ko kayang magsinungaling sa sarili ko. Madalas si JC pa rin ang hinahanap ng puso ko at madalas sumasagi sa isip ko.
BINABASA MO ANG
Be Mine [COMPLETED]
Short StoryPano kung tamaan ka ng pana ni kupido? Handa ka ba para panindigan at ipaglaban ay iyong nararamdaman?? Pano kung subukin ka ng pagkakataon? Makakaya mo bang magpakatatag para lang mapasayo yung taong mahal mo? Anong gagawin mo kung ikaw ang n...