13

6.6K 103 1
                                    

A/N: Dahil sa nawala yung chapter na ito, hindi ko na alam yung original na natype ko nun. Hindi ko naman kasi siya kabisado. Madaming mababago at nabago. Pagpasensyahan na sana. :)

***

Leila

Tanghaling tapat nanggugulo sa unit ko itong si Emman, kesyo wala daw makain sa bahay nila.

"Ano ba yan girl! Wala man lang kalaman laman tong ref mo! kaloka sayang lang sa kuryente" pagrereklamo niya. Aba siya na nga tong binigyan ko ng permiso na makikain dito e.

"Aba! makapagreklamo ka akala mo naman ikaw ng babayad ng kuryente ko! o!" sabay abot sa kanya ng 500 bill "Ibili mo ng pagkain mo ng hindi ka PO nagrereklamo"

"ay ayan naman pala e!" tsaka kinuha yung pera "o siya bibili na ako" naglakad siya papunta sa pntuan at binuksan ito.

"OMAYGAD ! MAGGY!" mula sa kusina ay napatakbo ako  papunta sa pintuan at niluwa nito ang babaeng mas lanta pa sa gulay. Walng iba kundi si Maggy.

Pinapaupo namin si Maggy dahil kung titingnan mo siya malapitan man o malayuan parang tutumba siya nang di oras. Kawawa naman ang kaibigan ko, parati na lang nagkakaganyan ng dahil sa walang kwenta niyang asawa.

"Ano ba yan girl! Ang chaka mo! Tapos na ang Halloween magpapasko na o!" nilakihan ko ng mata si Emman senyas na tumahimik siya.

"Mags, tigilan mo na kaya?" yumuko siya atsaka nagsimula na naman umiyak

"No.. hi..hindi na..naman siya umuwi kagabi.. pangalawang beses na siyang hindi umuwi sa bahay.. tapos.. tapos nagalit siya sa akin, ka..kasi tinanong ko kung nasaan siya buong gabi at sinong kasama niya.. wa.wala ba akong karapatan para itanong sa kanya? nag.. nagaalala lang naman ako sa..sakanya e"

"No, asawa ka niya kaya karapatan mong alamin kung saan siya nagpupunta"

"Haynako! Talaga sakit talaga sa ulo yang asawa mo Maggy! " singit sa amin ni Eman. sinamaan ko siya ng tingin

"Ah. he.he.he eto naman hindi na mabiro" sabay pisil sa pisngi ko "aalis na ako ha? babush"

umalis na si Emman. Hindi nagsasalita si Maggy tulala at umiiyak lang siya hanggang sa nakatulog siya sa sofa.

...

iniwan ko muna si Maggy at hinyaan muna siyang magpahinga. Nakakaawa naman kasi siya hindi pa ata nakakapagpahinga dahil sa kakaiyak.

"I'm back!" anjan na pala si Emman sakto tapos na akong maligo "Ay, wala na si Maggy? Ang dami ko pa naman biniling pagkain" biglang akong nataranta sa sinabi ni Emman kaya napatakbo ako sala kung saan ko iniwan kanina si Maggy. Sht! saan nagpunta yun?!

"Bakit?"

"Nawawala si Maggy!"

"WHAT?!" nabitawan ni Eman yung hawak niyang pagkain. hinatak ko naman siya papunta sa parking lot para hanapin si Maggy.

Maggy

Nanghihina. Nahihilo. at nanglalambot ako. Pero lahat ng ito ay ininda ko at sinubukan kong maging malakas. Umalis muna ako sa unit no Leila. gusto ko mapag isa at makapag isip ng maayos. Naalala ko na naman yung nangyari kanina at kagabi.

Biglang sumikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga. Pinigilan ko ang mga luha ko na gustong tumulo. pilit kong inialis sa isip ko yung nakita ko kagabi at yung mga nangyari kanina.  pinalitan ko ito ng magandang alaala. inisip ko yung araw kung kelan ako magiging masaya? yung kaming dalawa. yung magksama at nagmamahalan. kelan kaya yun? hays...

Hindi ko kailangan maging mahina. Hindi ito yung tamang oras para sumuko. no, mali. Hinding hindi pala ako susuko. Kahit na anong sakit at hirap pa yan kakayanin ko para sa pagmamahal na hangad ko. kahit alam kong hindi na kaya ng katawan ko, hindi kayang sumuko ng puso ko. ganun naman diba kapag nagmamahal ka? masasaktan? kaya ayos na to. parte lang ito siguro ng pagmamahal.

Leila

"Eman! she's not answering! baka napano na yun! jusko wag namam sana" nakailang tawag at text na kami sa kanya ni isang sagot wala kaming natanggap. nasaan na ba kasi nagpunta yun? magdidilim na baka mapano pa yun.

"baka naman nakauwi na yun? kanina pa tayo naglilibot dito. ni anino wala"

tama halos 4 na oras na kami naglilibot pero hindi pa din namin siya nakita.

"kung nakauwi na yun sana nagtext na yun. please magdrive ka lang wag tayong ititigil hanggat hindi pa natin siya nakikita"

"hays" nagpatuloy siya sa pagdidrive at nakarating kami sa may baywalk.

"saan na ba--Omaygad!  hi..hinto mo sasakyan! si maggy yun diba? siya nga!" agad kaming bumaba sa kotse at tinawag siya...

"Maggy! "

nilapitan namin siya halatang kagagaling niya lang sa iyak. "bakit ka umalis ng walang paalam!  alam mo bang nagaalala kami sa--MAGGY! "

"eman! dalhin natin siya sa unit ko dali" binuhat ni Eman si maggy papunta sa kotse. buti na lang agad namin siyang nakita kundi baka mahimatay siya ng walang kasama. kwawa naman ang kaibigan ko.

..

"salamat eman ha. baka kung wala ka hindi ko alam ang gagawin ko"

"okay lang yun no! kaibigan ko din si Maggy kaya nag aalala din ako sa kanya. o siya mauna na ako.basta kung may kailangan kayo o di kaya kung may mangyari man tawagan niyo ako agad ha?"

"sige salamat mag iingat ka ha?"

tumango siya at umalis na.

Chris

Ang daming ginawa sa opisina ngayon. Pati pagkain ay nakalimutan ko na. Dumiretso ako sa bahay. Ayoko kasing kumaim sa restaurant. nakakaumay kasi kapag parating fastfood ang kinakain para maiba lutong bahay naman ang kakainin ko.

Pagkadating ko sa bahay ay bukas yung gate. Psh, bakit naman hindi niya sinara yung gate. at himala.ata hindi niya ako sinalubong ngyon? sa tuwing umuuwi kasi ako parating nakasalubong sa akin yun e.

Ang tahimik ng buong bahay siguro tulog na yun. umakyat ako ng kwarto para magpalit ng damit.

wala siya? akala ko pa naman tulog na siya. pero wala akong Maggy na nadatnan na nakahiga sa kama.

bumaba ako sa kusina dahil naramdaman kong nagrereklamo na tong tiyan ko. tumingin ako sa ref ng makakain. sht! wala man lang iniwan na lutong pagkain bago siya umalis?  bdtrip naman!!

nakita ko ying itlog sa ref. kinuha ko ito. naalala ko hindi pala ako marunong magluto. tangna! bahala na nga..inilagay ko yung kawali sa stove atsaka nilagay yung itlog. tinitigan ko ito. bakit ang bagal maluto. umuo.muna ako sa dinning chair atsaka kinalikot yung phone ko para tingan ung schedules ko bukas.

at hanggang sa

"sht!" nasunog yung itlog! puta. kanima ayaw maluto ngayon naman sunog. nilagay ko yung kawali sa lababi. kainis! saan ba kasi nagpunta yung babaeng yun?!

lecheng buhay to o!

kumuha ako ng cereals sa ref at yun yung kinain ko.

...

argh! pati ba naman sa bahay may trabaho ako? nahiga ako sa kama atska binuksan yung laptop.

habang nagkakalikot ako ng laptop ko biglang nahagip ng mata ko yung picture frame na nasa side table ng kama. wedding picture namin. psh. nainis ako bigla kaya itinaob ko ito.. sino ba naglagay niyan?! kainis

kahit anong pilit ko sa sarili ko na kilalanim siya ayaw talaga ng puso at isip ko. kahit na isaksak nila ng ilang beses sa akin na mahal niya ako kahit kailan hindi ko siya matutunan mahalin.  sa tuwing nakikita ko siya bumabalik ang mga alaala kung paano at bakit nawala ang taong mahal ko. hindi na ata mababago ang takbo ng buhay namin. parati ko lang siyang masasaktan dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko siya mahal at hinding hindi yun mangyayari kahit na pagpapanggap man yun.

***

sobrang sabaw. mas maganda ata yung last ud ko. huhuhu Pagpasensyahan niyo na sana po. kasi napakacareless ng wattpad. winala yung chapter na.ito. ayan tuloy kailangan ko siyang ulitin.

sorry ulit.

salamat sa mga matiyaga kong readers :)

--Bloo

Purposed MarriageWhere stories live. Discover now