12: Fight or Flight

14K 299 15
                                    

NAGISING SI Mati sa malakas na pagsasalita sa labas ng kwarto ni Gray. Sunud-sunod pang mga katok ang narinig niya kaya tuluyan na siyang nagising. Katabi pa din niya si Gray na maayos lang nakahiga at si Ethan na mukhang nagising na din dahil sa ingay sa labas. Waking up with Gray and Ethan somehow felt so natural, walang weird na feeling na parang out of place siya. She sighed with that thought, paano na? Can someone really fall in love in such a short period of time? Signs of desperation na ba ito?

Bumangon na lang siya at tumayo patungo sa pintuan. Laking gulat na lang niya nang makita na nanay pala iyon ni Gray. Mukhang alalang-alala ito at nagliwanag lang ang mukha noong mapagbuksan niya ng pintuan. Kinabahan siya bigla kasi baka awayin siya nito dahil sa pagtulog niya sa kwarto ng anak nito. Paulit-ulit pa naman nitong sinabi sa kanya na ayaw nito sa kanya. Mukhang di pa man nagsisimula ang kwento nila ni Gray ay may kontrabida na.

"Oh, Matilda! Ayos lang ba kayo? Ikaw, ayos ka lang ba?" Tanong nito sa kanya habang hawak ang magkabila niyang balikat. Sinisipat talaga nito ang lagay niya mula ulo hanggang paa.

"Ay opo, ayos lang po. P-pasok po kayo." Pumasok nga ito sa kwarto at isinara ang pintuan. Nilibot nito ang tingin sa kwarto at nag-fixate ang mata nito sa kama kung saan mahimbing pa ang tulog ni Gray.

"Ang apo ko?" Mabilis nitong nilapitan ang crib kung saan nakahiga si Ethan na gising na gising na. She followed her at napangiti siya sa nang buhatin nito si Ethan at pupugin ng halik.

"Ayos lang din po si Ethan. Si Gray ang nag-alaga po sa kanya buong maghapon kahapon." She smiled ng maalala niya ang ginawa ni Gray kahapon na pagbabantay kay Ethan at sa pag-aasikaso sa mga tao na nakikisilong sa bahay nito. This Gray Oliveros is making her heart beat a little faster at matagal ng walang nakakagawa noon.

"Sabi nga nila manang sa baba, nasa ospital ka daw kasi?" Tanong nito sa kanya.

"Opo, wala daw po kasing doctor eh. Hindi ko naman po matitiis na hindi makatulong. Pasensya na ho kayo at ang daming tao dito sa bahay ninyo." She said apologetically.

"Ija, I would have pushed you to do the same thing. Mabait ka naman pala." Sabi nito sa kanya bago siya nginitian. "Halina kayo sa baba at ng makapag-umagahan. Gisingin mo na ang asawa mo at bumaba na din kayo."

"Po?" Gulat niya sa sinabi nito. "Hindi ho totoo yan!"

"Aba! Yun ang sinabi sa akin noong nakarating ako. Ayoko namang palabasin na sinungaling ang nagsabi noon." Poker face lang ito kayo hindi niya alam kung galit ba ito o naiinis lang.

"Hindi po ako ang nagsabi nun! Si Gray po yun!" She said. Ang laki ng takot niya sa ginang kaya ayaw niyang mapunta sa bad side nito. "Lilinawin ko na lang po sa lahat."

"Huwag na, mapapahiya lang tayo. Hayaan mo na sila sa alam nila." Ngumiti ito bago tumalikod.

Ano? Hayaan? Mukhang nag-iiba na ang timpla ng mga tao ngayon. Sabagay kapag natapos naman ito ay hindi na siya makakabalik sa lugar na ito kaya hindi na kailangan na ayusin pa niya ang tingin ng iba. She can go on and enjoy being Gray's 'wife' kahit by title lang. Tutal, mukhang mas mabait naman si Gray sa kanya mula noong maging mag-asawa kuno sila.

Tiningnan niya ang mukha ng natutulog na binata. He looks so handsome kahit na tulog. Hindi niya naiwasan na haplusin ang mukha nito at laking gulat niya na lang ng hawakan nito bigla ang pulsuhan niya at hatakin siya pahiga sa dibdib nito. She is now nestled in his arms. Nakadapa siya ngayon sa dibdib nito at sobrang lapit ng mukha nila sa isa't isa.

"Anong gagawin mo sa akin?" Sabi nito sa kanya.

"Gigisingin ka malamang!" Malakas na sabi niya dito. Nagsisimula nang mag-init ang pisngi niya dahil sa posisyon nila. Ang hirap naman kasing isustain na huwag mapalapit ang labi niya sa mukha nito.

First Love, Last Love [PUBLISHED] | ✅Where stories live. Discover now