Kabanata I

2.2K 58 1
                                    

" Isayyy!!! " agad akong lumingon sa pinang-gagalingan ng ingay na iyon at hindi ako nagkakamali ang pinaka-ayaw kong makita sa tuwing sasapit ang lunes -.- " Ano ba Kaizer!" iritang tanong ko at agad na tumayo para maka-alis sa mokong iyon

" Isay naman! nandito na ang gwapo mong kaibigan oh! " humarap ako sa kanya at agad na binatukan " Ano ba isay?! Wala naman akong ginagawang masama ah "

" Walang nga! pero alam mo ang problema sayo?! Iyang kadaldalan mong yan! tinalo mo pa ang babae sa kaingayan mo! " agad akong tumalikod sa kanya at nagpatuloy na saking paglalakad " Alam mo Isay my beautiful girl bestfriend konting-konti nalang maiisip ko na malapit ka nang ma-menopause " pang-aasar niya at saka ako inakbayan

" Erase, Hindi mo ako kaibigan! at mas lalong wala akong kaibigan na kasing ingay mo! " malakas na sambit ko sa kanya at saka ko siya iniwan sa kanyang pwesto

Agad kong isinuot ang aking headset at inayos ang aking sumbrelo at nagpatuloy sa paglalakad

Saktong pagkarating ko sa room ay nagsisimula ng mag-attendance ang aming Teacher

" Alexianne Ysabelle Lee " awtomatiko akong natigilan at humarap sa harapan at itinaas ang aking kanang kamay " Tss. Ms. Lee your late again! " napairap nalang ako sa sinabi ng aming Teacher at agad na akong umupo

" Steven Kaizer Lim " agad na bumukas ang aming pintuan sa room at iniluwa nito si Kaizer -.- " Present Ma'am " at dumiretso ito sa kaniyang upuan na isang agwat lamang ang aming pagitan

" Class Dismiss " agad akong tumayo at inayos ang aking mga gamit aalis na sana ako... " Isay!" tamad akong humurap sa kanya at tinaasan ko ng kilay

" Ano? " tamad na sambit ko " Tara sa bahay! " pang-aaya niya at sabay hila sakin gustuhin ko mang makawala ay hindi ko kakayanin dahil masyado siyang malakas

" Hahanapin ako ni Lola , tsaka hindi ako nakapag-paalam sa kaniya " tumigil ito at humarap sa akin

" Edi tatawagan ko si Lola, ipagpapaalam kita  para alam niya kung nasaan ka" nakangiting sambit nito at lumayo sakin

Dumiretso na ako sa sasakyan niya paniguradong hindi makakatanggi si Lola sa kakulitan ni Kaizer.

Maya-maya ay dumating na si Kaizer at agad na pinatakbo ang kotse hindi naman ito gaanong mabilis . 

Agad niyang binuksan ang stereo ng kaniyang sasakyan at pinatugtug  ang paborito niyang kanta

Agad kong pinalitan ang kaniyang pinapatugtug

" Isay naman! Wala ka bang manners?! Alam mong paborito ko yun eh! " angil niya sa akin

" Hindi ko trip yung paborito mo masyadong pangit eh! " pang-aasar ko sa kanya

" Hindi yun pangit isay! wala ka lang talagang taste sa mga pinapatugtug mo! Puro rock wala akong maintindihan! puro sigaw ganoon! " angil niya ulit natawa nalang ako at hindi ko na siya pinatulan dahil sa huli siya lang ang mapipikon

Sandali kaming natahimik , ni isa samin ay walang balak na magsalita

" Isay..." awtomatikong napalingon ako at humarap na may pagtataka

" Bakit? "

" Ah... Wala naman " sambit niya mukhang hindi mapakali ang loko

" Kaizer sasabihin mo o sasabihin mo? " naiinis na tanong ko

" Ah .... Eh ---"

" Ano?! "

" Pwede mo ba akong tulungan? " at tiningnan niya ako sa mga mata , bakit parang hindi ako kumbinsido? bakit parang may mali? may iba?

" Ano ba yun? " nagkunwari nalang ako at hindi ko nalang pinansin ang nakikita ko at nararamdaman ko

" May gusto---"

" Alam mo naman Kaizer na magkaibigan lang tayo hanggang dun lang yun ' Kapag magkaibigan lang kaibigan lang' " mahabang salaysay ko

Maya maya ay tumawa siya ng napakalakas at tumingin sa akin

Bakit ganoon tumatawa nga siya pero bakit ang lungkot ng mga mata niya?

" Isay, Alam ko naman yun eh, Pero hindi yun ang ibig kong sabihin " bigla siyang naging seryoso

" Tss. Oh ano yun? "

" May gusto kasi akong ligawan "

" Bakit kailangan mo pa ng tulong ko? Duwag ka ba? o baka naman kasi Torpe ka?" natatawang salaysay ko

" Grabi ka naman Isay, oo alam kong maloko ako pero pag sa ganitong bagay seryoso ako" seryosong salaysay niya pero kita ko pa rin ang lungkot sa mga mata niya

" Please Isay? " nagp-puppy eyes pa siya , tumango nalang ako

" Salamat Isay " at ipinagpatuloy niya ang pagdr-drive



------------------------
~Myrshaaaaaaa

Accidentally Inlove with my BestFriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon