CHAPTER 12: "FAST FORWARD"

975 28 7
                                    

Chapter 12

NANG makabalik sina Lily sa Vela Village ay wala nang inaksayang sandali pa ang dalaga at agad na gumawa ng antidote. Kahit na pagod at halos bumigay na ang kanyang katawan ay nagawa niya ang kanyang mission sa tulong nina Leon at Ruan. Nakaalalay ang mga ito sa kanya sa lahat ng oras. Naging maayos ang lagay ng mga mamayan sa village na naapektuhan ng epidemya. Bumuti ang lagay ng mga ito matapos ang dalawampu't apat na oras.

Nang lubos na ring nakapagpahinga, napagpasyahan nilang babalik na sa Charm Academy. Naging matagumpay ang mission at masaya silang makakabalik.

Para kay Lily, masarap sa pakiramdam ang makatulong at magamit ang kanyang charm sa kabutihan. Delikado man ang misyong pinapasa sa kanilang mga charmer, worth it naman kapag matagumpay ito. Isa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng charm, gamitin ito sa tamang paraan.

"Maraming salamat sa tulong niyo, Lily." Wika ni Ginoong Martin nang maihatid sila nito sa bungad ng Vela Village. Mababakas sa mukha nito ang labis na relief dahil naging maayos na ang lagay ng mga tao sa village.

"Walang anuman, Ginoo," tugon niya. Agad na silang nagpaalam dito at lumabas na ng village.

"Thank you sa inyong dalawa," sabi niya habang nasa daan sila. Pinagmasdan niya si Leon at Ruan na nauuna sa paglalakad.

"Wala 'yon. It's our job to protect and help you," nakangiting liningon siya ni Ruan.

Gumanti siya ng ngiti. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na ito ang batang nagligtas sa kanya noon. Kaya pala napakapamilyar nito sa kanya. Ang nakakapagtaka lamang talaga ay kung bakit niya nakalimutan ang bagay na 'yon. Posible palang mangyari 'yon sa tagal na panahon.

"Kahit na, salamat pa rin dahil hindi niyo ako pinabayaan." Mas lalong lumawak ang pagkakangiti ni Lily.

"Tss." Leon hissed.

Napakunot noo siya at binalingan si Leon.

Ano na naman ba ang problema ng isang 'to?

"Hey, may problema ka ba sa akin?" Tanong niya nang lumingon ito sa kanya.

Tumigil ito sa paglalakad kaya natigil din siya. Pero hindi niya inaasahan ang ginawa nito. Inilapit nito ang mukha nito sa kanya. Sa gulat ay hindi agad siya nakagalaw. Ramdam niya ang pag-akyat ng init sa kanyang mukha.

"T-teka.."

Napanganga siya nang ngumisi lang ito. Naguguluhan siya sa mga pinapakita nito sa kanya.

"Obligasyon namin 'yon kaya hindi mo na kailangang magpasalamat-"

Biglang may kamay na pumagitan sa kanila. Agad na umangat ang tingin niya sa nagmamay-ari niyon.

"Pare, give some space, masyado kang malapit," sabi ni Ruan. Saglit na nagtitigan ang dalawa bago kumilos at muling naglakad. Nakahinga ng maluwag si Lily.

Hindi na niya pinansin ito at nakipagkwentuhan na lamang kay Ruan sa buong sandali na paglalakbay nila.

NAGING mabilis ang pagdaan ng oras at ngayon ay nakabalik na sila sa Charm Academy.

Kalalampas pa lamang nila sa gate ay agad na sinalubong si Lily ng nag-aalalang si Layla. Halos hindi siya makahinga sa sobrang higpit ng pagkakayakap nito. Marahan niya itong tinapik at dahan dahang humiwalay.

"My ghad Lily, pinag-alala mo ako!" bungad nito sa kanya.

"Hush, ano ka ba, maayos naman akong nakabalik," natatawang sambit niya.

Sumimangot ito. "Hindi mo alam kung gaano akong natakot no'ng maramdaman kong nasa panganib ka!" napakamot siya sa ulo. Ganoon talaga silang dalawa ng kambal niya. Malakas ang pakiramdam nila lalo na't kung nasa panganib ang isa sa kanila. Twins instinct sa madaling salita.

Napadako ang tingin niya kay Snow na ngiting ngiti pa. "Naku, alam mo bang halos mag-hysterical yan at hindi halos mapalagay. Kulang nalang ay puntahan ka sa kinaroroonan mo. Anyway, welcome back!"

"Salamat. Sige, maiwan na muna namin kayo. Kailangan muna naming magreport kay Principal Willford."

"Okay! Hihintayin nalang kita sa Dorm," sabi ni Layla sa kanya. Tumango siya.

"JOB well done," sabi ni Principal Willford nang makapagreport sila. "Salamat at napagtagumpayan niyo ang misyon," tumango sila. "Well, maaari na kayong bumalik sa inyong dorm."

Agad naman silang nagpaalam ngunit kinuha ni Miss Serena ang atensyon ni Leon.

"Mr. Lancaster," tawag nito. Agad namang hinarap ng binata ang magandang principal. "Maiwan ka muna. May dapat tayong pag-usapan."

Hindi malaman ni Lily kung bakit bigla siyang kinabahan ngunit agad niya iyong binaliwala.

Saglit na nilingon ni Lily si Leon pagkatapos ay tumuloy na sila ni Ruan ngunit bago pa man sila makalapit sa pinto ay bumukas iyon at pumasok si Sir Chase kasunod sina Jett at Collin. Agad na binati ni Lily ang guro pagkatapos ay ang dalawang kaklase niya.

Napakunot noo siya nang lumampas ang tingin ni Jett at nang lumingon siya ay nakita niya si Leon na natamang nakatitig kay Jett.

Nakaramdam si Lily ng tensyon Parang may something sa kanila. Minsan nang magkatunggali ang dalawa at halos magkasing lakas ang charm.

Napadako ang tingin ni Lily kay Collin. Binigyan naman siya nito ng alanganing ngiti. Tinanguan niya nalang ito pero bago siya tuluyang lumabas ng opisina ay tinapunan niya ng tingin si Leon na nakatalikod sa kanyang direksyon. Hindi niya alam na iyon na pala ang una't huling pagsasama nila sa iisang mission dahil sa isang iglap lang ay nilisan ng binata ang Charm Academy. Hindi na niya ito muling nakita pa.

-

WHEN he left, marami ang nangyari. Wala na siyang balita pa kay Leon mula noong umalis ito. Hindi niya alam kung ano ang nangyari pero nararamdaman niya na masyadong seryoso iyon. Hindi rin naman niya magawang usisain si Sir Chase o ang principal dahil nahihiya siya. At isa pa, wala siyang kinalaman doon kaya wala ring saysay ang pagtatanong.

Napabuntong hininga siya. Sadyang may mga tao talaga na bigla na lamang susulpot sa iyong harapan at makikita mo ito sa hindi inaasahang pagkakataon. Subalit kung gaano ito kabilis na dumating, ganoon din ito kabilis na mawawala. Ganoon talaga, kailangan mo lang sanayin ang sarili mo.

Bumalik sa normal ang lahat especially sa kanya dahil wala na ang taong gumugulo sa kanya. Hindi na natuloy ang ano mang balak sa kanya noon ni Leon. Natahimik man ang buhay niya ay nanatiling may kulang sa pagkatao niya. Hindi niya alam kung bakit.

Well, tuloy lamang ang buhay at sumusonod lamang sa agos si Lily. Nitong mga nakaraang buwan ay patuloy ang ginagawa niyang research upang makabuo ng mga panibagong sangkap para sa ginagawa niyang gamot. Liban doon, may isa pa siyang research na ginagawa.

Nang minsang matalakay sa history subject nila ang tungkol sa digmaan, isang katanungan ang pumasok sa isipan ni Lily.

Paano mapapakinabangan ang charm niya bukod sa paggawa ng mga pagkaing may side-effect?

Bigla nalamang may ideyang pumasok sa isip niya. Explosives.

Sinusubukan niyang gumawa ng mga explosives gamit ang mga kakaibang halaman. At siyempre, bago niya sinimulan ang research ay humingi siya ng consent mula sa head ng laboratory at sa principal. Pumayag naman ang mga ito at binilinan na mag-ingat dahil masyadong delikado iyon. Maliban sa dalawa at kay Sir Chase ay wala ng ibang nakakaalam tungkol sa research niyang iyon. Maging sa kakambal niya ay inilihim niya iyon. Saka na niya sasabihin kapag naging successful iyon.

Tuluyang naputol sa sistema niya si Leon at nagfocus sa ginagawang research. Hindi na niya namalayan na halos dalawang taon na ang nagdaan. Sa loob ng dalawang taon na iyon ay napakarami na ang nangyari. Nasabak din siya marami pang misyon kasama ang iba pang charmer.

Kasabay ng pagdaan ng panibagong taon ay isa namang panibagong yugto ang muling magbubukas.

-

A/N:

Ang yugto ng CHARM ACADEMY SCHOOL OF MAGIC written by april_avery ang tinutukoy ko. Sa mga hindi pa nakakapagbasa, PAKIBASA nalang po.

Salamat!

09/27/2017

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CHARM ACADEMY School of Magic (FANFIC): LILY SONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon