Chapter 6 - Familliarity

5.6K 177 11
                                    

Chapter 6 - Familliarity

What happened? Ang bigat ng pakiramdam ko, nahihirapan akong imulat ang mga mata ko. Pero rinig ko ang paligid. May dalawang nag-uusap patungkol... saakin?

"She's going to be okay, hijo. There is just too much stress for her, and also napansin kong may iilan siyang sugat sa katawan. Nilinis ko na rin iyon." Ilang sandal pa ay narinig kong nagpaalam paalis ang kaboses ng Nurse. Baka nasa clinic ako.

Ramdam kong inalis niya ang suot kong salamin. "I can't believe you look more human-like without these glasses." Bulong niya. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang hininga niya sa aking noo. Maya-maya ay lumayo rin.

Ano 'yon?! Inamoy niya ba ako? Sa gitna ng katahimikan ay biglang may nag-ring na telepono. The guy with me almost hissed at his hello, I heard his footsteps growing faint.

Noong nasiguro ko na nakaalis na talaga ang lalaki, tumayo na ako at lumapit sa nurse upang magtanong. "Sino po 'yung lalaking nagdala sa akin dito?"

"Si Mister Blake Concepcion."

It can't be. The man hates my guts, how could he care?

Late na rin nang makauwi ako, dapat ay magpapasundo ako kay Kuya pero nawawala na naman siya. Hindi niya sinasagot ang tawag ko. Kung kailan naman nanghihina ako. Ano ba naman 'yan.

I was wearing my sweatpants when I noticed that it's almost midnight! Wala pa si Kuya! Out of town naman si Mama bukas pa ang balik niya. As if on cue, nag-ring ang cellphone ko at nakaflash dun ang pangalan ni Kuya.

"Kuya, kung nasaan ka man, umuwi ka na!" Agad kong bulyaw kahit wala pang hello-hello.

Hindi manlang nagsasabi kung saan siya pupunta! Akala niya ba wala siyang kasama sa bahay? Narinig ko ang halakhak ng aking magaling na Kuya at ang malakas na tunog ng musika.

"Baby girl! Can you fetch me? I feel like I am to drunk to drive." Sabi ni Kuya Stephen at naghiyawan naman ang kanyang mga kaibigan! Ugh, this drunkard!

Dali-dali kong isinuot ang aking leather jacket, dadalhin ko na lang 'yung motor dito. Bahala na si Kuya umangkas mamaya, nakakabadtrip siya!

Nasa kalahati ako ng pagmamaneho, nang mapansin kong hindi ko suot ang aking salamin. Buti na lang nakaka-aninag pa ako at kabisado ko ang daan patungo sa bar kung nasaan si Kuya. Halos mag-aala una na nung dumating ako.

It seems a high class bar, pero it's open for everyone. The elites and their money. Dire-diretso na lang akong pumasok. I've heard some stories na pugad daw ito ng mga basagulero and gangsters. Kadalasan ang hirap talaga paglayuin ng alak at mga hoodlums.

Inilibot ko ang paningin sa loob ng bar, but I got distracted when someone grabbed me by the waist. Tinitigan ko ang lalaki, ang baho niya! Super oily pa, sa sobrang oily pwede ka na magprito sa mukha niya!

"Disgusting! Please stay away from me!" Pagpupumiglas ko sa kanya. Anak ng teteng naman, ayoko naming gamitan 'to ng aking skills, charot!

Ilang sandal pa ay may lalaking humawak sa kanyang balikat. With the flashes of light, tama ba ang nakikita ko sa lalaking 'to? He's wearing a mask, gusto ko pa sanang titigan ang mga mata niya pero nadidistract ako sa kulay ng buhok niya. Too bright.

Pakiramdam ko ay lasing ang oily face na nakahawak sa'kin kaya nung ibaling niya ang atensyon niya sa lalaking naka-mask ay nakaalis ako sa pagkakahawak niya.

Napaatras ako habang nagkatitigan sila. Nagbulungan pa ang mga nakapalibot sa amin. Ang ilan pa sa mga narinig ko ay ang mga salitsang 13th Prince? Ano ba 'yun?

Sino ba ang 13th Prince?

Nagsi-alisan ang mga tao, dahil ba sa presensya ng lalaking naka-mask? Maging 'yung lalaking nambastos sa akin kanina ay nawala bigla! Lumapit ako sa nagligtas sa akin at nagpasalamat.

Naglakad-lakad pa ako sa loob ng bar na ito at may kaguluhan na naman! Hindi pa ba sinusugod ng mga pulis itong bar na 'to kung laging may gulo?!

"Control your temper, kid. You're consulting hell."

Boses ng Kuya ko 'yon ah! Nakipagsiksikan ako sa mga taong nakapaligid at saktong pagpunta ko sa gitna ay nakita ko na lang na sinuntok ni Blake ang aking Kuya!

Wait, what? Sinuntok ni Blake ang Kuya ko!

"The King is gone for years already and you have no rights to pretend you're his ghost!" Pagkasabi ni Blake noon ay pakiramdam ko nanigas ako sa aking pagkakatayo. I even heard my Kuya laugh sarcastically.

Naghahanap ba talaga ng gulo ang Kuya ko?! Sinugod na ng suntok ni Blake si Kuya at saka naman ito dinaluhan ni Kuya. I need to do something!

"Tama na! Stop whatever the fuck you're doing!" Sigaw ko, is this the adrenaline? Ramdam ko ng natigilan ang lahat. Pumagitna ako sa kanilang away, pero mabilisan akong itinulak ni Blake.

Yumuko ako, wala ng pagpipigil ay malakas kong isnuntok ang pagmumukha ni Blake. Natigilan si Blake at tiningnan na ako ng masama. I am feeling the anger flow through my veins. Naririnig kong sinisigaw ni Kuya ang aking first name pero it sounds so far.

Nakaamba pa lang ng suntok si Blake ay sinipa ko ang kanyang tuhod upang mapaluhod siya saka ko sinundan ng sipa sa mukha niya. Sa lakas ng pwersang ibinuhos ko sa kanya ay napahiga siya sa sahig ng bar. Tumigil ang musika, pati ang mga tao ay natigilan. Malamig ang hangin.

Naglakad ako nang dahan-dahan sa nakaupong si Blake pero hinablot na ng Kuya ko ang aking braso. "Loreez, tama na!"

Bago kami makalabas ng kuya ay punong puno ng kuryosidad ang mukha ng lahat. Sa huling sandali, binalikan ko ng tingin si Blake. Kita ko ang takot sa kanyang mga mata. This is the first time I saw emotions in his eyes.

"Who are you?" he muttered as my brother and I left. 

Kuya Stephen and I did not talk about what happened in the bar. We just slept when we got home.

Pero sa hindi alam na rason, nalaman pa rin ni Mama! She scolded us, and reminded us what our father said before he left us.

Nang matapos si Mama sa sermon niya ay nakarinig kami ng katok mula sa labas. "Tao po!" Si Cyrene!

Mababaliw na naman ang Kuya nito for sure. Ilang taon ko ng bestfriend si Cyrene at ramdam kong gusto siya ni Kuya.

Ilang beses ko na ring binasted si Kuya para kay Cyrene. My bestfriend deserves so much better, Joke! Tsaka may ibang gusto si Cyrene alangan naming ipilit ko si Kuya, kadiri.

Pinapasok ni Mama ang bestfriend ko, nakakunot ang noo niya nang mapansin ang ilan sa mga galos ko. However, it's still evident in her eyes that she's worried.

I assured her that it's nothing serious. Nothing like before. 

A Gangster's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon