Introduction

200 4 0
                                    

Mula nang bata pa si Rachel, lola niya na ang nagpalaki sa kanya.
Baby pa lang siya nang iwan sila ng kanyang ama na sumama sa ibang babae, ang kanyang ina naman ay nagkasakit at namatay sa TB.
Mahirap lang sila at napabayaan nito ang kanyang sarili.
Nakita ni Rachel kung gaanong pagsisikap ng kanyang lola upang maitaguyod siya kaya naman sinusuklian niya rin ng kasipagan ang pagsusumikap ng kanyang lola.
Mula elementary hanggang highschool ay lagi siyang nasa Topnotchers at nakakatanggap siya lagi ng honors.

"Apo, pasensya ka na... Hindi na kaya ni lola na papag-aralin ka sa kolehiyo. Matanda na si lola at masakitin."; ito ang sinabi ng kanyang lola at hindi niya inaakalang maging huling pag-uusap nila.
Kinaumagahan, hindi na gumising ang kanyang lola at tuluyan nang namahinga.

18 years old lamang si Rachel at wala nang masasandalan sa buhay kaya ang kasipagan niya mula nang bata pa siya ay dumoble pa kaya naman naging regular employee siya ng isang maliit na kompanya, ilang panahon pa ang lumipas ay naging supervisor siya.

"Rachel, pasensya ka na hindi ka puwedeng maging manager kasi hindi ka nakapagcollege."; wika ng kanilang head.

Hinangad ni Rachel na maging successusful sa buhay upang hindi masayang ang pagsusumikap ng kanyang ina at lola para lamang sa kanya noong nabubuhay pa ang mga ito.
Nagpaenroll siya sa isang university upang makapagcollege, kaya naman ang dobleng pagsisipag niya ay nadagdagan at trumiple pa sapagka't isa na siyang working student ngayon.
27 years old na si Rachel.
Payat siya ngunit maganda.
May mga nagtatangkang manligaw sa kanya pero sa huli naiinip at gumigive-up na lamang.
Kaya naman NBSB certified si Rachel.

Isang gabi, pauwi na siya Rachel galing sa trabaho nya.

My Story with Mr. VampireWhere stories live. Discover now