17 - Muling Pagtatapat

17 2 0
                                    

Angel's POV

~~

Kinabukasan...

Bitbit ang ipinahiram na payong ni Justin ay umalis na ako sa bahay para pumasok. Baka sakaling makita ko siya sa school at maibalik sa kanya yung payong niya. At magpasalamat.

Medyo late na nga ako sa first subject e, pero dahil tapos na rin ang examination namin para sa finals this second semester ay paniguradong wala namang gagawin niyan. Kaya ayos lang sigurong malate. Tsaka nagpapapirma na lang kami ng clearance sa week na to e.

Hindi ko alam kung sadyang maganda lang talaga ang gising ko dahil feeling ko ang saya ko ngayong araw o sadyang ganun lang talaga.

Hindi ko alam kung anong rason pero nakukutuban kong si Justin ang dahilan nito. Hanggang panaginip kasi ay hindi ako nilubayan ng mga ngiti niya.

Malapit na ako sa room namin ng isang pamilyar na boses ang narinig ko sa di kalayuan...

"Loisa naman, tigilan mo na nga ako sa kakulitan mo. Hindi ko nga kaya. Ang kulit mo ano?"

"Ano, natotorpe ka na naman? Subukan mo nga muna kasi e. Hindi ako titigil, sige ka."

"Edi wag kang tumigil, ako ba mapapagod?"

"Ayaw mo talaga? Tutulungan kita. Mahal mo pa nga kasi yung tao e, sayang yung chance. Dali na."

"Ang kulit mo ah, hindi ko na nga mahal si Ange--."

Malelate na talaga ako, kaya di ko napigilang sumingit sa usapan nila.

"Ahm, excuse me. E-eto nga pala yung payong mo, salamat."

Napahinto at hindi napatapos sa pagsasalita si Justin. Si Loisa naman ay may kahulugang ngiti na naman sa mga labi. Namimisteryuhan na talaga ako sa kanya. Parang yung mga ngiti niya may gustong sabihin, argh. Ewan.

"Hi Angel, good morning sayo. Una na pala ako ah? Bye. Hoy ikaw, amin na kasi. Chance mo na oh." masiglang bati ni Loisa pagkatapos ay lumingon kay Justin at tinignan ito ng masama.

Nangangawit na ako dito, yung payong kasi hindi niya pa kinukuha.

"Good morning din, Loisa." pahabol na bati ko at umalis na nga siya.

"Y-yung payong mo oh, salamat pala dito."

Napatingin naman si Justin sa akin at medyo nagulat. Kanina pa kaya ako dito. Tsk.

Dalian mong kunin yung payong, di na ako makahinga dito oh bulong ko sa isip ko.

"Ah, eh. Sige, sige. Walang anuman. Mauna na pala ako." sabi niya sabay abot ng payong at tumalikod na.

Pero bago siya makalayo ay may sinabi pa siya na nagpahinto sa akin.

"Kita tayo sa birthday ni Hazel, may aaminin ako sayo. Ingat, bye."

Anong aaminin niya?

Lutang akong naglakad papunta sa room namin.

Iniisip ang maaring aminin ni Justin sa akin sa birthday ni Ha---...

Wait, magkakilala sila ni Hazel?

Hinintay ko si Hazel at itatanong kung kilala niya nga si Justin dahil nalilito talaga ako.
Magkakilala sila? Kasi naman imbitado ito sa birthday ni Hazel kaya naisip kong baka magkakilala sila.

Lumipas ang kalahating minuto ay walang Hazel na dumating kaya naman nilapitan ko si Rina at Demi na naghahagikgikan sa gilid. Vacant kasi e, kaya ang ingay nila.

"Si Hazel hindi ba papasok? Late na siya." sabi ko at umupo sa tabi ni Rina.

"Nagtext sa akin, di raw papasok. Nagpapasukat ng gown para sa party niya this saturday." sabi ni Demi

Ow, sa sabado na nga pala ang birthday niya. Hay, debut niya na. Mukhang pinaghandaan ng parents niya ang birthday party niya.

"Ah ganon ba?"

"Oo, dalaga na si baby Hazel, pero isip bata pa rin. Haha, quiet lang girls ah? Wala naman si baby Hazel dito." natatawang sabi ni Rina. Kahit kailan talaga yang si Rina puro kalokohan ang alam sa buhay. Kailan kaya yan titino?

"Mukhang may kailangan ka kay Hazel ah? Wait, may gown na ba kayo para sa party ni Hazel? Shocks, pati yung speech meron na kayo?"

Oo nga pala, wala pa akong gown o kahit dress lang. Wala pa akong susuotin sa party. Hindi kasi ako palasuot ng dress e, gown pa kaya? Paano niyan to?

"Ako meron na. Kulay pink. Hehe." sabi ni Demi.

"Ay, oo nga pala. Wala pa akong susuotin. Paano ba yan? Uhm, samahan niyo ako mamaya punta tayo sa mall." sabi ni Rina.

"Sige, sige. Ikaw Angel, meron ka na?" tanong ni Demi sa akin.

"Wala pa nga e. Pinoproblema ko pa kung kanino ako makakahiram ng susuotin ko."

"Sama ka nalang mamaya sa mall."

"Wala akong pera."

"Hindi okay lang yan. Pahiramin kita baby Angel, bayaran mo pag mayaman ka na. Hahaha."

"Pag-iisipan ko."

Hay, wala akong pera. Saan at kanino ako makakahiram ng susuotin ko niyan?

Kailangan pa nakaayos dun, hindi ako sanay. Pati dapat daw nakaheels pa. Matapilok pa ako dun. Hay bahala na.

~~

Heto ako ngayon at hila-hila nila Rina at Demi sa mga stores dito sa mall.

Pagkatapos kasi ng first subject ay pinauwi na kami. Wala kasi yung next na instructor, busy raw. Kaya pagkadismiss sa amin ay agad silang tumayao at excited na nagpunta sa mall, kasama ako.

"Eto bagay ni Angel, kulay pink." sabi ni Demi at pinapipilitang bagay ko raw yung kulay pink na gown na hawak niya.

"Hindi kaya, mas bagay niyo tong red. Tignan mo, ang ganda tignan sa kanya nito. Bagay na bagay."

Hinayaan ko silang magtalo sa likod, hindi ko naman bagay yung gown na pinipilit nila. Ang daring masyado. Yung pink na hawak ni Demi, off-shoulder na hanggang tuhod. Ayoko ko nun, kita braso. Yung hawak naman ni Rina, kulay red na backless, tsk. Party ang pupuntahan ko, ayoko ng ganung damit. Di bagay sa akin.

Oo na, ako na di marunong pumili ng damit.

Sa isang estante, isang royal blue na lagpas tuhod at may sleeve na gown ang pumukaw sa paningin ko.

Oo na, ako na talagang di marunong pumili ng damit. Conservative lang, ayoko kasi ng maraming balat yung nakikita e.

"Iww, baby Angel. Yan ang gusto mo? Mas bagay mo tong red oh, ang sexy sayo." sabi ni Rina ng mapansin nilang hawak ko ang dress na napili ko at itinaas ang hawak niyang daring na red na dress.

"Ow, mas okay yan. Conservative si Angel, mas magandang tignan sayo yan. Bumagay pa sa kulay mo. Sukatin mo nga yan."

Hinila nila ako papunta dun sa dressing room. I mean, pinagtulakan pala.

Pagkalabas ko, pareho silang nakatulala sa akin.

Oh, anong meron?

"Bagay niya nga. Hihi ang ganda baby Angel, nung gown ah hindi ikaw."

"Ang ganda mo Angel, makeup nalang ang kulang."

Make It RightWhere stories live. Discover now