chapter 60: months without "YOU"

3.7K 48 30
                                    

 1ST MONTH!

jeron's pov....

kakatapos lang ng PCCL! champion kame at ako ang MVP , kasali din ako sa mytical 5! maganda ang takbo ng career ko , pero ganun pa man , malungkot padin ang puso ko! nandito lang ako ngayon sa arena, wala ng tao , pinag mamasdan ko lang ang janitor na nag wawalis ng mga confetti na bumagsak kanina. nag paiwan ako dito, habang ang buong team ay nag celebrate sa isang restaurant! , di ko kayang mag saya! lalo na't wala ang aking REYNA. 

halos isang buwan na ang nakakalipas ng umalis sya, pero pakiramdam ko , isang taon na ang nakalipas. sobrang miss ko na si mika, i tried to call her or maki interact sa kanya sa kahit anong social sites pero , wala akong nakukuhang reply. madalas syang mag skype sa buong team bago ang laro, hanggang ngayon effective pa din sa'min ang mika's charm! kaso kapag ako na ang kakausap sa kanya, lage nalang syang nag papaalam. kung kausapin man ako , saglit na saglit lang! tapos casual lang ang pakikipag usap. (bumuntong hininga) kahit ganun lang sya sa'kin. sya pa din ang inspirasyon ko! ginaganahan pa din ako sa tuwing maririnig ko sya, at habang nasa court ako, nag iisip ako ng mga happy thoughts naming dalawa. 5 months nalang, mabilis na yun!  makakasama ko na sya ulit dito! 

end of pov...........

mika's pov......

isang buwan na ang nakakalipas, simula ng dumating ako dito sa singapore! ok naman ang lahat , mabait ang mga kasamahan ko . buti nalang at may ilang pinoy dito . di ako nahirapan na makisama . thankful ako kasi , pinoy ang mentor ko! mabait sya sa akin, sa tuwing malungkot ako, pilit nya akong pinapatawa, trying hard sya pero , nakakaaliw. alam kong ginagawa nya yun kasi hanggang ngayon , bakas padin ang aking kalungkutan, kaya nag focus nalang ako sa mga gawain ko dito. inisip ko nalang na , para sa sarili ko ang ginagawa ko! good thing! sumasang ayon ang sarili ko sa utak ko! naging maganda ang out come ng mga kuha ko! na impress ang lahat sa akin, kahit baguhan daw ako, magaling at madali daw ako matuto! kaya sobrang proud sa'kin si kristian! 

kakatapos lang ng PCCL, ! nakausap ko sa skype ang buong team! miss ko na talaga sila. kahit anong deny ko sa sarili ko , si jeron padin ang mahal ko! masaya akong makita silang lahat, as usual tumalab padin ang mika's charm, mas naenergize daw sila matapos ko sabihan sila ng good luck at pinangako na kukunin nila ang championship! nakita ko si jeron! sa screen, kinabahan ako bigla, gusto ko sabihin kung gaano ko sya kamiss, kaso kailangan kong pigilan ang sarili ko! gaya ng dati casual lang ang pakikipag usap ko, at agad akong nag paalam. kailangan ko na tapusin ang usapan kasi, ano mang oras babagsak nanaman ang aking mga luha. nag subscribe ako sa TFC para sa game nila, pinanood ko tagala ang laban nila at masaya ako na sya ang naging MVP at nakasali sa mytical 5! kaso kahit sa tv halata padin ang kalungkutan nya. 

end of pov....

2ND MONTH....

jeron's pov....

christmas na , mag kakasama kame ngayon ng buong barkada dito sa condo ni kim, halos lahat dito ngayon ay may partner. heto ako ngayon, malungkot na umiinom sa isang sulok. pinag mamasdan ko lang ang iba na sweet sa isat isa. kakatapos lang namin kausapin si mika sa skype, masaya ako kasi kahit ilang minuto , kinausap nya ako, binati nya ako ng merry xmas! ganun pa din , casual  lang sya kung makipag usap! hindi ko man lang na feel na special ako! parang si thomas lang ang kausap nya. tumawag din sa'kin si achi almira kanina, sinabi lang nya na nakausap nila si mika sa skype, masaya daw sila mommy na nakausap nila si mika, maging sila ay nalungkot sa nangyari nung malaman nila na aalis ito papuntang singapore!. ganun pa man , patuloy pa din ang communication nila sa isat isa! specially kay achi almira, updated yun lage kay mika! kaya sa kanya ako lage nakikibalita . maganda din ang career ng mga girls, 4-0 ang standing nila sa season na ito, pursigido sila sa pag kuha ng 4 peat! , ikinatuwa to ni mika, sayang nga daw at wala sya dito para mag cheer! gaya ng sa'min bago mag start ang game , nag uusap muna sila sa skype, kailangan daw din nila ng mika's charm. hmmmmm... i miss her everyday! gusto kong puntahan sya sa singapore pero, pinipigilan ko ang sarili ko! gaya ng sinabi nya , she needs space, baka mas lalong di makatulong sa'min kapag nag punta ako doon. i trust her ! i know she love me! 

1000 Reasons Why I Love You   Jeron Teng - Mika Reyes fanficWhere stories live. Discover now