CHAPTER NINE

40 2 0
                                    

July 5, 2014; Saturday, 7:00 am

MAAGANG nagising si Richard. Isang linggo na ang nakaraan mula no'ng mailigtas nila sa tiyak na kamatayan si Lindsey at isang linggong higit na rin mula no'ng mamatay si Samantha. Hindi siya mapakali sa mga oras na ito dahil ngayong araw na ito ay ang itinakda para kay Bella. Tinawagan na niya ito para sabihing mag-ingat. Kinakabahan na siya para sa kanyang nobya. Dapat mailigtas rin niya ito kagaya nang pagkakaligtas niya kay Lindsey.

Isang oras na mahigit na ang nakakalipas nang may bigla siyang narinig na nakakangilong tunog sa labas ng apartment niya.

"Ano 'yun?", naibulyaw niya sa sarili.

Kaagad-agad siyang lumabas sa kanyang apartment at nadatnan niya sa labas ang mga nagsisipagkumpulang mga tao. Kinabahan agad siya sa kanyang nakikita. May aksidente bang nangyari?

Lumapit si Richard sa mga tao at nakita niya ang isang 'di kilalang lalake na nakahandusay sa kalsada, duguan at basag ang pagmumukha. Nais ni Richard na masuka sa kanyang nakita. Nasagasaan pala ito ng ten-wheeler truck.

Naalala niya tuloy si Lindsey isang linggo na ang nakalilipas. Marahil ay ito ang magiging hantungan ni Lindsey kapag hindi niya ito nailigtas.

Sa labis na pandidiri ay kaagad na bumalik si Richard sa kanyang apartment. Umagang-umaga pero may nasaksihan na siyang karumal-dumal na kamatayan. Ngayon niya ulit pinagsisisihan ang paglalaro ng Death Clock. Naisip niya na kung hindi nila nilaro ang bagay na 'yun ay hindi sila hahantong sa ganito. Siguro ay buhay pa ang mga kaibigan niya hanggang ngayon. Sana ay namumuhay lang sila ngayon ng normal, hindi 'yung ngayon ay nabubuhay sila sa takot at pangamba. Pero isa lang naiisip niya, kailangan mailigtas niya ang nobya niya at ang kanyang sarili dahil sila na lamang dalawa ang hindi pa naha-hunting ng kamatayan. Nailigtas na niya si Lindsey, ngayon ay ang kanyang nobya na nakatakdang mamatay sa araw na ito.

6:30 pm

SA pagkakataong ito ay kinakabahan na si Bella. Nasa bagong lipat na apartment siya ngayon at naghihintay ng tawag ni Richard. Kinabukasan pagkatapos mailigtas ni Richard ang buhay ni Lindsey ay napagpasyahan ni Bella na umupa ulit this time ng apartment. Tutol no'ng una si Richard kasi nga kasalukuyan silang tinutugis ng sumpa ng Death Clock pero kinailangan ni Bella ayon na rin sa utos ng kapatid nito.

Hindi pa tumatawag sa kanya si Richard. 7:10 pm ang itinakda sa kanya ng Death Clock pero hindi siya magpapatalo rito. Hindi niya hahayaang kitilin ng kamatayan ang buhay niya. Gagawin ni Bella ang lahat para sa buhay niya.

Sa puntong 'yun ay may narinig si Bella na pagsabog mula sa kanyang kwarto.

"Ano 'yun?"

Mas lalo na siyang kinabahan. Kung anuman ang mangyayari ay lalaban siya. Hindi niya hahayaan si kamatayan. Naglakas-loob siyang pinuntahan ang kanyang silid upang tingnan kung ano ang sumabog doon. Oo, kinakabahan siya, pero kailangan niyang maging matapang. Hindi pwedeng lamunin siya ng kanyang takot dahil baka hindi na niya maipaglaban ang buhay niya. Kapag nangyari 'yun ay hindi na niya makikita ulit si Richard, ang lalakeng pinakamamahal niya. Basta, kailangan niyang maging matapang.

Paakyat pa lamang siya nang may marinig siyang nagsasalitang manika. Hindi niya mawari kung saan nanggagaling ang manikang 'yun.

"I love you, Mac! I love you Mac!"

Parang familiar sa kanya ang boses ng manika. Kailan niya nga ba huling narinig ang boses ng manikang 'yun?

"I love you, Mac! I love you, Mac!"

Tila kinikilabutan siya. Saan ba nanggagaling ang boses ng manikang 'yun?

"Lalalalalalalala"

Death ClockWhere stories live. Discover now