Chapter 8

668 12 1
                                    

(The Contract)

(sa kanila lahat tong POV)

Leisure room..

Daniel: "eto na ang meryenda natin!! Tada!!"

Julia: Nilapag ni dan ang hawak niyang pagkain sa table. Isang unknown na pagkain na bilog at color orange. Ano naman kaya yan?

Albie: Eto ba yung sinasabi ni daniel na masarap na meryenda? Mukhang candy ah! 

"ano yan?"

Daniel: "Ano.. pagkain Ano na nga ba ulit tawag dito? Basta sa K nag sisimula yun eh, or baka sa Q. basta masarap yan! Pinatikim sakin dati ni kathryn!

Albie: "parang delikado kainin yan ah. Saan mo ba nabili yan?"

Daniel: "sa kariton. Yung naglalako sa may park."

Julia: "you mean street food yan? Naku! Hindi ako pinapakain niyan! Madumi daw yan sabi ng mom ko."

Daniel: "ano ba kayo! Matagal na ko kumakain niyan no at hanggang ngayon healthy and alive parin ako!!"

Albie: "ano ba tawag diyan?"

Daniel: "ano.. yan yung tinatawag na ano eh.." ano na nga ba ulit yun? 

... 

... 

... 

Daniel: Ayun naalala ko na!! "quack-quack! Yan ang tinatawag na quack-quack! "

(A/N: Laftrip ako d2 sa sariLi ko .hahaha Quack2x u LiKE?)

Albie: "quack-quack?"

Julia: "gawa ba sa duck yan?"

Daniel: "hindi!! Quail egg ang nasa loob niyan! Try niyo kaya! Si kathryn ang nagpatikim sakin nito. Masarap siya."

Enrique: Si kathryn? Infairness nung nagpunta ko sa house nila as Javy ang sarap nung meryenda na pinakain niya sakin. Kumuha ako ng isang bbq stick then tumusok ako ng quack-quack na to at tinikman ko. 

"masarap"

Julia: "eh?"

Albie: "sure ka?"

Enrique: "oo"

Julia: "matikman nga!" 

Kumuha ako ng isa at tinikman ko. 

"oo nga masarap tikman mo" binigyan ko si albie.

Albie: "oo nga no!"

Daniel: "sabi sa inyo eh! Bat ayaw niyo maniwala sakin? Kung hindi pa sinabi ni enrique na masarap di kayo titikim!"

Julia: "kasi dan wala kaming bilib sa panlasa mo. "

Albie: "tama, tama. Lahat kasi sayo masarap no! "

Daniel: Ang sama naman ng mga to! hmp! 

"oo nga pala, nasan si Jerome, Liza at kathryn?"

Julia: "si Jerome umuwi na. Kailangan daw niyang pag-isipan yung gagawin natin sa dance fest. Si kathryn naman kailangan narin daw umuwi kasi mag luluto pa daw siya ng ulam para sa mga kapatid"

Albie: "si liza naman nag shopping."

Daniel: Sayang wala pala si binbo dito. Bumili pa naman ako ng quack-quack!

[kathryn's POV]

"Hoy mga unggoy pakawalan niyo ko dito!!" 

Nandito na ko sa loob ng van kasama ang mga lalaking naka amerikana na kala mo lalabas sa commercial ng tanduay. With matching shades pa ha!! 

My Prince and I (KathQuen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon