Chance

169 2 1
                                    

Chance, ito yung may gusto  kang makuha o magawa, may posibilidad na pwede mangyari o kaya wala.  Dapat sa bawat chance na binibigay sayo, dapat lang na pinaghihirapan mo, dapat wag na wag mong itatapon o sasayangin.  Kasi baka sa second chance, sobrang hirap na at hindi mo makaya.  O di kaya'y wala na talagang second chance.  Dapat hindi ka magsayang kasi nga chance.  Kaya sya chance kasi pwedeng may posibiidad na mngyari, pwede ring wala or hindi mag click.  Pero sa unang chance mo may mataas na posibilidad na mangyari ang gusto mo.

Sa LOVE, una nagkakakilala kayo.  Tapos magiging magkaibigan, tapos maiinlove sa isa't isa hanggang sa maging sila.  Same process.  And then, after a few months, magaaway na magbebreak na dahil lang sa maliit na pagkatalo.  Hindi kasi nila iniisip yung mga pinagdadaanan nila eh.  Kung baga magiging bitter na, dapat marunong tayong tumingin sa mga napagsamahan natin kasi marami ng CHANCE na ang nasayang.  Marami na kayong successful CHANCES na naabot ninyo habang magkahawak kayo ng kamay. 

Pero ang masakit talaga ay yung ayan na yung CHANCE sa harap mo, tinalikuran mo pa, inabot na sayo, tinapon mo pa.  Kaya tuloy.  Anong nangyari?  Wala na.  Ako nga pala si ADRIAN.  Ikekwento ko buhay lovelife ko tsaka yung CHANCE na sinayang ko. 

Nagsimula ito noong 3rd year ako.  Masinop ang section.  Nung una, sinabi ko na kaagad sa sarili ko na dapat 'wag na kong magmahal muli, na pigilan ko ang nararamdaman ko kung may magustuhan man ako sa section ko.  Kaklase ko si Gabrielle.  Nung una kaibigan lang talaga turing ko sa kanya.  Madali naman siyang maging kaibigan eh, kasi napakabuti nyang tao.  Masyahin sya, pa;akaibigan, hindi maarte, hindi namimili ng kaibigan, tapos marami pa syang talent.  After 1 month, July 19 birthday nya.  Parang naging crush ko na sya.  Tapos lagi kaming nagaasaran.  Tapos isang araw, narinig ko na gusto nga daw nya ng relong tinitiklop, yung nalulupi.  Tapos ayun, after July 24 na birthday ko, niregaluhan ko sya nung relo.  Haha.  Baligtad eh.  Pero okay lang, tuwang tuwa sya.  Hinug nga nya ako nun eh.  Lagi kong sinasabi  sa sarili ko, "Wag!  Wag!  Wag kka mafafall!  Masasaktan ka lang!  Ang taas ng pinapangarap mo!  Hanggang crush ka lang!"  Eh ako kasi, isang matabang walang ipagmamalaki, hindi matalino, kaunti lang kaibigan.  Yun nga lagi kong pinipigilan ko sa sarili ko.  Pero ang hirap talaga.  Hindi ko matiis yung nilalaman nung dibdib ko.  Tapos, sinabi ko na rin sa iba, hanggang kumalat na ng kumalat sa room at nalaman na nya.  Halata rin naman kasi eh.  Lagi ko syang tinutulungan, tinitingnan, lagi akong masaya 'pag kasama ko sya.  Lagi ko syang kinakausap, lagi akong nagpapapansin sa kanya.  Tapos lagi ko ngang sinasabi sa sarili ko na itigil ko na 'to hanggang maaga kasi masasaktan ka lang. 

Nalaman ko na pupunta sya sa Canada for good.  Grabe yung reaksyon ko nun.  Tulala ako sa room.  Ang bilis ko kasi magmahal eh saka todo bigay sa kanya, kaya tuloy pag nawala na, tagos sa puso ko yung sakit na nararamdaman ko. 

Hindi ko magamit yung CHANCE ko eh kasi lagi akong nauunahan ng kaba at takot.  Hindi ko na kasi alam gagawin ko kapag nasa harap ko na sya.  Sinabi niya na hanggang Christmas Party na lang sya papasok.  Parang huminto yung mundo ko nun.  Para bang nagpause ang lahat.

Marami akong pinlano bago umalis si Gabrielle.  Hindi ko napagtagumpayan lahat.  Kahit nasa tabi ko na yung chance, inuunahan ako ng kaba.  Bumili ako ng scrapbook, pinasulat ko lahat ng kaklase ko dun.  Yung message nila para sakanya.  Napatapos ko sila lahat kahit palihim.  Gusto ko kasing surpreshain si Gabrielle eh.  Tsaka yung isa pang plano kong surprise ko eh Swimming Party.  Yung plano ko pa nga eh kikidnapin sya tapos dadalin dun sa resort para unforgettable diba.  Haha.  Binigyan ko rin sya ng kwintas na may pangalan nya yung nakalagay.  Mahal din nagastos ko dun.  Tapos nung Christmas Party, hindi ko maibigay saknya.  Hanggang dun sa huling "Bbye" ko sa kanya sa may last staircase.  Bbye lang nasabi ko sa kanya.  Hindi ko naamin harap harapan na mahal na mahal ko sya.  Tapos, Christmas Vacation, lagi akong text ng text sakanya.  Pero hindi naman sya nagrereply.  Miss na miss ko na sya nun, sobra!  Tapos nung huli ko syang nakita eh nung January, 25, 2012.  Dpat ibibigay ko skanya yung scrapbook eh kaso dun ako umamin sa kanya na mhal ko sya eh.  Hindi ko maibigay sakanya.  Umalis na lang kagad ako bigla. 

Alam mo yung feeling na yung chance mo sinayang mo.  Yung kakausapin mo na lang, umalis ka pa.  Magbababye ka nalang hindi mo pa pinansin, kaharap mo na, tinalikuran mo pa at sasabihin mo na lang na "MAHAL NA MAHAL KITA" nauwi pa sa wala.  AYan na yung chance sa harap mo, tinaboy mo pa, tinapon mo pa.  Pumasok din sa isip ko nun na "Hindi ka pa handa.  Wag muna.  Hintayin mo na lang pagbalik nya"

Ayan na yung malungkot na storya ko.  Umalis sya ng hindi man lang ako nagparamdam.  :(  Sa bawat buhay ng tao, binibgyan tayo ng chance o pagkakataon.  Dapat hindi natin yun basta basta sayangin lang kasi baka dahil sa maliit na chance na yun, pwedeng mangyari ang pinapangarap mo.  O kaya naman, pag hindi mo ginamit chance mo ngayon, baka sa second chance hindi mo na makaya or worst, wala ng second chance.

- - - -

The author is a boy.  And the names are changed.  Haha. 

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Feb 18, 2012 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

ChanceOnde histórias criam vida. Descubra agora