His little sis

4K 49 8
                                    

He's all I've ever wanted...

He's everything I've ever dreamed of having...

Nasa kanya na lahat eh: mabait, matalino, gwapo, sporty, magaling kumanta... Siya na!

Kaya nga nahulog ang isang tulad ko sakanya eh.

Nung una ko siyang nakita, na-attract agad ako sa kanya. Lalong-lalo na nung siya ay ngumiti. Pero hanggang dun lang yun.

At hindi ko inaasahan nung bigla niya akong in-add sa FB. Natuwa ako kahit papano. Siguro napansin niya rin ako. Ba't niya naman ako iaadd kung hindi diba?

...pero ang ikinagulat ko nung nagchat siya saakin. Dun nagsimula ang pagiging close namin. Kung nahulog na ako sa kanya dati, mas nagkaruon ako ng dahilan para mas mahulog sakanya. Loko-loko rin pala yun kachat eh. Napakakulit. At sino nga banamang Babae ang hindi mahuhulog sa ganoong klase na lalaki? Diba?

Halos gabi-gabi rin siya nagchachat... gabi-gabi, mas lalo kong nakikilala kung ano siyang klaseng tao.. at di nga ako nagkamali.

Nasanay ako na kachat ko siya parati... Kung anu-ano nalang pinaguusapan namin: mga movies, hobbies, kahit mga penguin... Nakakatuwa at minsan nakakakilig rin. Ewan ko kung ako lang, pero pagminsan kasi ang sweet sweet niya. Nagpapahiwatig nga ba? O sadyang nag-aassume nanaman ako. Pero di niyo naman ako masisisi eh. Di naman mag-aassume ang isang tao kung di naman nagbibigay yung isa nang rason para mag assume ito diba? Haayyy.

...kaya lang, ewan ko ba at ano ang pumasok sa isipan ko at sinabi ko sakanyang parang kuya ko na rin siya... Puro kami babae sa bahay eh, maliban na nga lang siyempre saaking tatay... kaya ayun, siguro naghahanap rin ako ng kuya, at sakanya ko yun nakita. Kaya heto ako at litong-lito kung crush ko nga ba talaga siya o sadyang masyado lang akong natutuwa dahil may kuya narin ako sa wakas...

Ang masakit nga lang, dahil palagi ko siya kinukuya, ayun, tinuri niya narin akong nakababatang kapatid niya. Palaging niyang namemention kung gaano siya natutuwa sa akin na kapatid niya nga raw... Aaminin ko, masakit. Sister-zone? Yun ba tawag dun? Ewan, pero naiinis ako sa sarili ko. Sinimulan ko na eh.

Pero at least, dahil dun napakaclose na namin sa isa't-isa. Super close na kinekwento niya saakin yung past relationship niya pati narin yung mga crush niya daw na di niya alam ang pangalan. Heto naman ako, ayaw magpahalata kaya todo support naman sakanya. Todo support to the point na kahit masakit na sinusubukan ko parin ngumiti.

Wala eh. He may be special to me, he may bring sparkles in my eyes and even make my heart flutter, but to him...








I'm no one but his little sis.

Short Stories [Tagalog]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon