Chapter 4:Mysterious

1.2K 32 0
                                    


Dennise's POV

"I miss you baby...."

Sino naman kaya yung baby nya?Baka may anak na si Alyssa nang hindi nya sinasabi saamin?Oh my Gosh!Baka nga may baby na sya!Hmmm,maobserve nga.

"Hoy Dennise Michelle Lazaro!kanina pa kita kinakausap!"sabi ni ate Dzi.Nakabalik na kami sa dorm dahil maghahapon na and hindi namin namalayan ang oras kaya ayun.

"Hehehe sorry ate Dzi.."paumanhin ko sakanya sabay peace sign.

"Ano ba kasi ang iniisip mo huh at kung saan saan na nakarating yang utak mo!?"tanong nya.

"Naku ate Dzi!baka nakahithit na naman yan!kaya ganyan!"natatawang sabi ni Ella na kumakain na naman.

"Tumahimik ka nga besh!ipatapon kita sa ilog pasig ngayon ehh,"sabi ko sakanya at inirapan lang sya.Hmp!bahala sya dyan...

"Ano ba kasi ang iniisip mo Den?"tanong ni age Fille.Mag-isip ka Den!

"Ahm--ahhh ahhh!Tama!Ehh nag-iisip po ako kung ano ang ibibigay na gift kay Alyssa he-he-he,"paliwanag ko tutal next week na birthday nya.Hmp!sana makalusot!

"At kailan ka pa naging thoughtful sakanya besh?"tanong naman ni Ella.Pahamak talaga to si Ella!Arggh...

"Ehh bakit bah!atsaka,next week na din diba birthday nun?"tanong ko sakanila.Ehh hindi kasi ako sure...hehehe

"Yeps!and dapat we have a surprise birthday party for her,"biglang sabat ni ate Gretch kasama sina Ara.Saan na naman kaya yun?

"Oyy Kim,saan na si Alyssa?"tanong ko sakanya.

"Uyy!concern na sya,"tukso nya naman.

"Psh!Saan nga kasi sya??"tanong ko nalang ulit sakanya.

"Tito Ruel called her...important meeting daw ehh,"sagot nya at kumain na sila."Hoy Ella!magtira ka naman!"sigaw nya kay Ella sabah agaw sa kinakain ni Besh...Hahaha

"Oyy Kim!akin na yang mahal ko!"sabi ni Ella habang hinahabol si Kim.

"Nandun si Amy!ang dami mo ng kinain!"sabi nya habang naghahabulan sila.Natawa nalang kami sa kanila.

Kumain na din kami ng hapunan at si Ara at Kim ang nakasched na maghuhugas.

"Hahaha!bait natin ahh,pwede na kayon mag-asawa."asar ko sakanila.Natawa lang silang dalawa.

"Haha ngayon lang to Den!"sagot naman ni Kim na naghuhugas at si Ara naman ang tigipunas.

"Gehh,sabihan ko na sila Mela at Bang.."biro ko sakanila at pumunta na sa sala kung nasaan ang barkada.Sumiksik naman ako sa upuan nila Besh.

"Hoy besh!ang sikip!"maktol nya at hinampas ako sa binti.

"Magdiet kana kasi besh!"sabi ko sakanya at umupo nalang sa sahig.Baka maipit pa ako sakanila ni ate Jem...hehe

"So anong gusto nyong gawin guys?tutal sabado naman na bukas ehh,"sabi ni ate Gretch.

"Wala tayong ibang gagawin kundi matulog,ok?may practice pa rin tayo bukas,"ang KJ talaga nitong si ate Dzi!

"But--"aangal pa sana si ate Gretch ng magsalita ulit si ate Dzi.

"No buts ms. Ho!tulog na,"maotoridad na sabi nya.I mean utos nya.Hays!ang KJ talaga ni ate Dzi ever!

Umakyat nalang kami at pumasok sa kanya kanyang kwarto.Humiga na ako sa kama ko.Tiningnan ko naman ang kama ni Alyssa.Saan na kaya sya?ang tagal nya ha...

"Saan ka na ba Monster?"bulong ko.Ang boring boring pa naman!Si ate Dzi kasi ehh!ang KJ....tapos wala pa akong mapagtripan ngayon.Nag-isip isip na lang ako hanggang sa maalala ko na naman yung sinabi nya.

"I miss you baby..."

Nacucurious talaga ako sa sinabi nya!may anak nga ba talaga sya?ang mysterious kasi nya!tahimik,masungit................gwapo,hot!! Hays,ewan ko talaga sakanya...Alam nyo ba yung feeling na dada ka ng dada tapos dedmahan ka lang nya?Hays!kung hindi lang sya hot matagal na akong nagpalit ng ka roommate!makatulog na nga..

.................

And yeah!short updates na naman!hehehe sorry guys sanay kasi ako ng short pero......hintayin nalang kung may long updates ako hehehe Merry Christmas guys!

#JustLoveYourselfandBeTrue
#MerryChristmas


Love Your EnemyWhere stories live. Discover now