xiv

117 6 5
                                    

Audrey's POV

"Sander, napakasaya makita ka ulit!" Bati ni mama sa kanya.

"Kayo din po tita, nakita ko kayo ulit." Nakangiting sambit ni gilagid.

"Hello, yung anak niyo po andito lang." Pambibiro ko at lumapit naman sa akin si mama sabay yakap sa akin.

"Sander!" Rinig ko naman si papa na lumapit at nakipagshake hands kay pandak.

"Masaya po akong nakita ko kayo ulit tita at tito. Tara na po!" Tumango naman sila at naglakad na kami papunta sa sasakyan ni Sander.

Pagkauwi namin, tinulungan ni Sander sila mama at papa sa luggage nila. Unusual thing na ginagawa niya pero ewan ko nakalaklak ata ng vitamin C ngayon kaya ayan. Hyper nanaman ang pandak.

Gabi na dumating sila mama kaya eventually may dinner dito sa amin.

And kasama nanaman hinayupak kong bestie dito. Yun pa ba mawawala? Pag kainan magaling yun eh kaso di tumataba napaka-unfair.

Habang nag-didinner kami may mga pinag-uusapan din kami. Tungkol sa school at kung ano pa.

"Audrey anak, ayaw mo bang ito na lang si Sander ang maging boyfriend mo? Nasa kanya na lahat oh!" Agad naman akong namula sa sinabi ni papa. Sa harap pa talaga mismo nito ni Sander niya sinabi yun. Si Sander naman, he chuckled lightly and he cleared his throat.

"Tito, sa tingin ko hayaan muna natin siya makalimot sa nakaraan niya."

"Sabagay, pero sana alam mo na botong-boto kami para sainyo ni Audrey ah?" Natawa ulit si Sander sa sinabi.

"May kumukulit nga po sakanya eh, gusto daw makipagkaibigan." Natatawang sabi niya at sinamaan ko lang siya ng tingin. Kailangan talaga sabihin?

"Audrey totoo ba yun?" Tanong ni mama.

"Opo, pero wala naman akong pake dun. Tinataboy ko nga eh." Sagot ko habang patuloy pa ding kumakain.

"Sabihin mo sa kanya na may boyfriend ka na." Singit ni papa.

"Eh? Sino naman? Wala naman po eh."

"Edi sabihin mo si Sander boyfriend mo para tigilan ka na." napatigil ako, oo nga no pwede din.

"Kaso pa, hindi ko naman alam kung may gusto nga yun sa akin o wala eh."

"Tanungin ko siya gusto mo?" Aniya ni Sander.

"Wag na, hayaan na lang natin siya." Tipid kong sagot. Kung ano-ano pinag-usapan hanggang sa matapos kaming kumain. Dumiretso sila mama sa kwarto nila at gusto na kasing matulog at magpahinga.

Habang kami naman ni Sander pumunta ng garden namin. Umupo kaming dalawa sa damuhan at tanimik lang sa pagitan namin.

"Hay buhay." Buntong hininga ko.

"Ako na bahala dun kay Cloud." Lumingon ako sa kanya at pinagmasdan ang napakagwapo niyang mukha.

Matagal ko ng nakakasama si Sander pero hindi ko siya nagugustuhan. Bilang kaibigan oo pero higit pa dun hindi eh.

"Salamat." nginitian ko siya at binalik ang tingin sa kalangitan.

"Audrey." Nilingon ko naman siya.

"Bakit?" napabuntong hininga muna siya bago magsalita.

"Wala-wala."

"Sure kang wala?" Ngumiti siya ng onti at tumango.

Problema kaya ni Sander?

xx

euphoria // jk x joyWhere stories live. Discover now