III. On the phone

70 3 0
                                    

Jessa Pov

Inintay ko muna siyang makalayo bago ako pumasok. Syempre ngiting ngiti ako aba sino ba naman hindi kikiligin? Ang gusto mo sinabihan kang maganda may bonus pang akbay. Wah grabe!!!!!!!!

Jessa: Hi ate! Im home

Ate (Katulong nila, Ang natatanging kasama niya sa bahay): Lakas ng ulan ah? Buti nakauwi ka pa?

Jessa: Oo nga eh. :)

Ate: Oh? Bakit parang hindi ata matanggal yang ngiti mo?

Jessa: Hindi naman ate, ano nga pala niluto mo?

Ate: Ayun, adobo. Sige na agbihin ka na para makakain ka na rin. 

Super close kami nian, aba halos turing ko dian parang totoong kapatid eh. Umakyat naman ako agad para magbihis nang makakain na ako, aba nagugutom na ko noh. Hindi pa rin maalis sa isip ko yung pagsabay namin ni kyle. Nagpagulong gulong ako sa kilig pero maya maya bumaba rin ako nakakaramdam na rin ako ng gutom eh. 

Jessa: Ate! Kain na tayo.

Ate: Halika na, inihanda ko na yung mesa.

Jessa: Hay, nakakawindang ang araw na to. 

Ate: Haha. Ayos lang yan mukha namang nagenjoy ka eh. Nga pala tumawag yung magulang mo kanina, kinakamusta ka. 

Jessa: Ay ganun? Sayang hindi ko naabutan. Kelan daw sila uuwi?

Ate: Sorry be, walang sinabi eh. 

Matagal na silang nasa ibang bansa, sanay na rin naman akong wala sila dito paano ba naman simula pagkabata ko ganun na ang situation namin. Ayoko kasi sa ibang bansa magaral eh, nakakatakot puro english ang salita ayoko ng ganun. Manonosebleed lang ako. Pero nakakalungkot kasi magiisang taon na rin silang hindi nakakauwi mabuti na lang halos patapos na kong kumain.

Nang biglang tumunog phone ko. Ayos talaga tong mga babaeng to sakto magsitawag kung kelan tapos na ko kumain. Ano kayang problema nito? Uhm masagot na nga. 

Jessa: Uhm hello?

Jean: Wow! Talagang pagirl ah?

Jessa: Ay ikaw pala jean.

Jean: Ay hindi, hindi. Kamusta naman ang uwi niyo ni kyle? Haha.

Jessa: Ayos naman, nakisabay lang naman siya kasi wala siyang payong. Huh? Wait paano mo nalaman?

Jean: Kami pa, eh nauna kaya kayo ni nicole lumabas ng room malamang nasa may likod niyo lang kami. Haha. Kunyari ka pa eh. Kinilig ka naman eh. 

Jessa: Oo pero grabe jean! Maalaga pala siya. 

Jean: Talaga? Bukas na lang, matutulog na ko. Goodnight Jessa.

Jessa: Bye! Goodnight 

Hay kabaliw talaga ang GIJIBAE, kami yun puro babae. Hay umakyat na lang ako sa kwarto after ko makipagdaldalan kay jean. Magffb na lang ako wala pa naman masyadong assignment eh. 

Ay ang bongga ng gijibae oh. Halos sabay sabay pa nagpalit ng dp at talang si Nikki may like ng bf niyang si louis. Si mary ayun ang daming like. Si nicole, madami ring like syempre sa comment yung pagaaway nila ni luke. Magpapatalo ba naman si jean? Siya ang pinakamaraming like. Ang ganda kasi eh. Ako nga rin magpapalit ng dp baka sakaling ilike din ng Wolf. Yup friend ko ang wolf sa fb boyfriend ni nikki yung isa dun eh. Tapos friend ni Nicole yung mga yun

 (An: Ang gaya gaya mo talaga jessa)

(Jessa: shattap otor)

(An: watevs. matulog ka na)

(Jessa: GOODNIGHT) 

**********

Uy, guys. Magcomment kayo kung nagugustuhan niyo pa ba or what. :D :D 

#EnigmaticalBeing

It's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon