vii. Chapter Seven

1.3K 86 9
                                    

dedicated to Summicorn thank you for supporting! u the best✨
‼️bad words because of Paul.
‼️sweet moments✨
--------

Chapter Seven: Care for him

"alam niyo ba na nasiraan ako ng kotse noong tuesday ng gabi? nasa gitna ako ng daan at puta sobrang lakas pa ng ulan" sambit ni Paul ngunit hindi lang siya namin pinansin at nag change topic na dahil wala kaming pake sa nasira niyang sasakyan.

Tatlong araw na ang lumipas ng mangyari ang insidente na dahilan kung bakit na suspended si Charol ng one week. Naging bali balita din sa buong campus na naging kami raw ni Raive, well in fact noong una palang wala na kaming relasyon, but i do consider him before as mine. That time na humingi siya sa'kin ng chance nag di-dilemma ako, either to be selfish or selfless, mabait ako so i rejected him again, because i choose to be selfless.

"Ilang araw nabang hindi pumapasok si Pula?" biglang tanong ni Paul kay Black, kaming apat tahimik lang sa pagkain, lowkey hinihintay ang sagot ng katabi ko. Apat na araw naring hindi pumapasok si Raive sa walang kadahilanang rason. I tried to ask Black pero isang kibit balikat lang ang sinasagot niya sa'kin.

"Friday ngayon Tuesday siyang nag simulang hindi pumasok, di bale tatlong araw na ang nakalipas at ika apat na ngayong araw, putangina nag kinder kaba?" sagot naman sa kanya ni Dos habang nakatingin sa pagkain niya. Savage as always.

"manahimik ka, ikaw ba ang kinakausap ko?"

"everyone has the freedom to speak or to express their opinions to educate others, lalo na sa mga bobo na katulad mo" isang batok mula kay Paul ang natanggap ni Dos ng sinambit niya iyon. Nandito kami ngayon sa cafè na nasa tapat lang ng University. Nasakto naman na ang dismissal naming lahat is 5:00 pm kaya naisipan naming anim na tumambay dito to catch up, especially ang tatlo na kakagaling lang ng UK.

"wala kabang babae na kaibigan Winter? i mean friendly ka naman" agad na napatawa si Paul dahil sa sinabi ng kapatid niya, tinitingan ko lang siya ng masama habang siya halos malaglag na sa upuan sa sobrang tawa. Mukhang tanga tss.

"yan? friendly? eh kami ngang limang taon ng magkaibigan paminsan minsan lang kami kinakausap, hindi ko nga alam kung marunong ba makipag kaibigan yan" tinapunan ko siya ng masamang tingin dahil sa sinabi niya. Anong akala niya sa'kin? robot na hindi marunong makipaginteract?

"excuse me mister, my babae akong kaibigan. " inirapan ko lang siya at ininom na ang juice na inorder ko

"Black, kailan ba babalik si Pula? buhay paba yun?" tanong naman ni Art tska uminom ng iced tea. Si Black ang nasa hot seat ngayon dahil sa hindi pag sipot ni Raive at isang kibit balikat lang palagi ang natatanggap naming sagot.

"ikaw Arj, may idea kaba?" nabaling ang tingin namin kay Arj ng tinanong siya ni Paul ngunit isang balikat lang din ang sinagot niya. 'cmon! You're friends, impossible naman na hindi nila alam kung anong nangyari dun.

"Hay nakakaputa naman, puntahan na kaya natin sa bahay niyo Black" suggest ni Paul. Sumangayon naman ang tatlo habang kami ni Black at Arj naman ay tahimik lang.

"nasa condo siya" mahinang sambit ni Black habang naka akbay sa'kin. Tiningnan lang kami ni Paul at umiwas din ng kinausap ito ni Dos.

"punta kaya tayo dun bukas?" suggest naman ni Arj kaya naman pumayag na kaming lahat.

"10 am bukas" tumango kaming lahat at nag simula ng kumain. Napagusapan rin namin ang nangyari kay Charol pagkatapos niya akong awayin because of his boyfriend's immature actions. Isang oras din kaming naguusap ng maisipan ni Black na umuwi na, sa bahay nila siya uuwi ngayon dahil weekend, boring daw sa condo niya dahil walang Velvet na kukulit sa kanya, his sister which is one year younger than him. He insisted na ihatid ako, but i chose Arj's offer dahil alam kong pagod na ito. Alam ko na stress na siya, though third week of classes palang.

Stay With Me || taennieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon