2

47 5 6
                                    

Alyssa's POV

Huminto ako sa paglalakad habang siya'y dire-diretso. Huminto rin siya nang maramdaman niya na malayo an gaming pagitan, at tinignan niya ako na para bang nagtataka. Humakbang ako papalapit sa kanya, ngunit sa bawat hakbang kong ito, may kaba akong nararamdaman.

I sighed and took all my courage to speak up. "San tayo?"

"Papuntang sakayan." Naramdaman ko na lalong bumilis ang tibok ng puso ko. What did he mean? Parang nabasa niya ang nasa isip ko at biglang sumagot, "ihahatid na kita."

Ihahatid hanggang sa sakayan? O sa bahay? Teka! Hindi naman niya ako gf para ihatid niya ako hanggang sa amin, ano ba itong iniisip ko? Erase, Aly!

"Ha? Saan?"

"Sa inyo." Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha dahil sa sagot niyang iyon. Gosh! Hindi ba ako nanaginip? Totoo ba ito? Kung panaginip po ito Lord, parang ayoko nang magising pa.

Napangiti ako sa kanya.

"Ayos lang ba na pumunta muna tayo sa amin bago kita ihatid?"

Parang nabingi yata ako sa narinig ko. Ano raw? Grabe naman, Lord! Hindi po ba sagad-sagaran na itong blessing na ibinigay niyo sa akin? Ihahatid na at mukhang meet and greet pa yata sa relatives niya ang peg ko nito! Huwag naman po agad-agad!

Gusto ko sanang humindi, pero bago pa ako tuluyang makasagot ay nagsalita muli siya.

"May kukunin lang ako, tapos aalis din agad tayo."

Nakahinga ako nang maluwag pagkatapos niyang sabihin 'yon. Hindi ko alam pero para bang mind reader siya ngayon, o sadyang obvious lang talaga ako?

Tumango lang ako at nagpatuloy ulit siya sa paglalakad. Sinundan ko lang siya. Nang tatawid na kami ay sinabayan niya ako at inalalayan sa pagtawid. Wow! Gentleman pala siya! Ganito kaya siya sa lahat?

Siya ang malapit sa daanan. Pakiramdam ko tuloy, nabubuhay ako sa sinaunang panahon dahil siya ang nasa tabi. Hindi ko alam kung gentleman ba talaga siya o sadyang nagkataon lang? Lihim akong napangiti sa isiping 'yon.

Bigla akong nakaramdam nang pagkailang nang napansin kong napatingin siya sa akin. 'Di ko alam kung bakit niya ako tinitignan o baka naman dahil nakita niya akong ngumiti? Huwag naman niya sanang isipin na ang creepy ko dahil ngumi-ngiti akong mag-isa. Mahirap na!

Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Mayamaya lang, bigla siyang natapilok dahil hindi niya napansin na pababa ang susunod naming tatapakan dahil may hagdanan 'yon. Medyo clumsy pala siya!

Hindi ko alam kung tatawa ba ako o kung anong sasabihin ko. Napatikom ako ng aking bibig at lihim na napapahalakhak sa aking isip. Gusto kong tumawa nang malakas, pakiramdam ko kasi sasakit ang tiyan ko kung hindi ko 'yon gagawin, pero ayoko naman siyang mapahiya. Hindi ko na lang pinansin 'yon, kunwari, wala akong nakita.

Gano'n din naman siya, hindi rin niya naman ako tinignan kung nakita ko ba 'yon o hindi. Kaya nagdire-diretso na lang ako.

Nakarating din kami sa kanila. Pinapasok niya ako sa may gate ngunit hindi na ako tumuloy pa. "Tuloy ka."

"Hintayin na lang kita dito." He just shrugged and went inside. Lumabas ang isang gwapong nilalang, pero hindi ko kilala kung sino.

"Hi," bati niya. Binati ko rin siya at ningitian. Tinanong niya ako kung anong pangalan ko kaya sinagot ko na lang 'yon. Nangiti siya, hindi ko alam kung bakit ayoko naman bigyan nang kahulugan. Nag-usap lang kami sandali, may ilan din siyang kamag-anak na lumabas at nagpakilala sa akin. Si Gian at Liam at pinsan ni Carlos. Mas bata lang si Liam kumpara kay Gian. Ito na nga ba ang sinasabi ko, meet and greet agad? Buti na lang at cute sila parehas! Medyo bothered lang ako dahil parehas nila akong tinatanong kung anong ginawa ko rito at kung bakit ko hinihintay si Carlos. Naiilang na ako. Jusko! Nasaan na ba 'yung lalaki na 'yun? Mayamaya lang, lumabas na rin ang hinihintay ko.Buti naman 'no!

"Tara na?"

Tumango ako at nagpaalam. "Alis na po kami, bye Gian! Bye cutie Liam!"

Sabay kaming naglakad palabas at nag-abang ng sakayan. Nung una ay naiilang pa ako, dahil hindi naman talaga kami close ni Carlos sa personal kahit nung high school pa kami. Idagdag na rin ang feelings namin sa isa't isa. Hindi ko alam kung paano ako aakto ng normal na parang wala lang. Na para bang magkaibigan lang kami. Ang hirap pala kapag hindi kayo naging magkaibigan tapos biglang nagkaroon na lang ng feelings agad-agad, ni hindi ko rin alam kung paano namin mapag-uusapan ang feelings namin sa personal. Para hindi ko yata kayang gawin 'yon, iniisip ko pa lang. Hindi ko alam, pero nahihirapan ako sa ganitong sitwasyon.

Pero dahil cool si Carlos, at parang normal lang sa kanya ang ganitong sitwasyon. Naging cool na rin ako. Sinumulan niya na magkwento. Si Gian at Liam ay kanyang mga pinsan. Marami siyang kinuwento tungkol sa kanya, hanggang sa nakagaanan ko siya ng loob.

Unti-unti, nawala ang pagkailang ko sa kanya, at para bang ang sarap niyang maging kaibigan. Marami kasi akong hindi alam tungkol sa kanya, I just knew his name and his feelings for me before, pero walang personal interaction such as telling some stories like this. Ang alam ko lang, tahimik na tao siya pero madaldal at maloko kasama ang mga kaibigan niya. But aside from that? Wala na. I'm glad that he's starting to open up himself to me. Akala ko talaga hanggang text na lang at hindi ko na siya makikilala pa nang lubusan.

Minsan, may mga oras na nawawalan siya nang sasabihin. Siguro, dahil medyo hindi pa kami sanay o malapit sa isa't isa. Tama lang na i-filter din ang sasabihin. Napatingin ako sa harapan ng jeep. Naiilang pa rin kasi akong mapatingin sa kanya tulad nang ganitong oras na hindi naman kami nag-uusap.

Naramdaman kong umusod siya papalapit sa akin, at inunat niya ang kanyang braso sa likuran ko at ipinatong 'yon sa rail ng jeep. Ayoko mag-assume, sabi nga nila, hindi raw tama 'yon. Napailing na lang ako at lihim na napangiti. Hayaan na nga. Ang mahalaga, sulitin na lang ang mga oras na magkasama kami. Baka kasi first and last na pala ito dahil wala nang paraan o ayaw niya na sa susunod. Mahirap umasa dahil walang salitang 'kami.'

After an hour, nakarating din kami sa amin. Gabi na. Kinabahan ako pagkatungtong ko sa harap ng bahay. Magbubukas na ako ng gate. Hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari.

Humarap ako sa kanya at naghahanap ako ng mga salitang sasabihin. "A.."

Ayoko pa siyang pauwiin dahil baka nga last na ito, pero ayoko rin naman siyang papasukin. Anong gagawin ko?

Dahil tumahol ang aming pasaway na aso, lumabas si mama.

"Sino 'yan?" tanong ni mama. Madilim kasi sa labas ng bahay kaya hindi niya agad ako napansin.

"Ako po."

"O, sino 'yang kasama mo?"

"A, si Carlos po."

"Magandang gabi po," sagot niya.

"Halika, tuloy ka!" Lumapit si mama sa may gate at binuksan ito para sa amin. "Papasukin mo 'yang bisita mo, pakainin mo muna dito."

Lalo akong kinabahan sa sinabi ni mama. Bakit kelangan pang pakainin, aber? Don't tell me? Ohmygosh! Hindi ko na alam gagawin ko! 

**

Author's Note:

Sinipag ako mag-update dahil sa inyo na nagbabasa nito! Salamat sa suporta in advance! Keep on voting and please leave comments too. It will be highly appreciated! Malay ninyo, sa inyo ko i-dedicate ang chapter na ito o ang mga susunod pang chapters! Hehe!

Medyo hindi pa ako busy kaya baka makapag-update ako this Christmas break. Sana lang sipagin muli ako. Thank you sa support! Muah! :*

Sana nagustuhan ninyo ang chapter na ito kung paano ako natawa at medyo kinilig. Hehe! ;)

Lovelots,

Daniasha

Sa 'yo Lang (BOOK 2)Where stories live. Discover now