Please

60 1 0
                                    

Tinanong ko ang sarili ko, bakit hindi ko pa din makalimutan ang taong noon ay minahal ako. Ang pait at sakit na aking naramdaman at patuloy na nararamdaman ay tila walang katapusan.

Bakit? Bakit sa tuwing naiisip kong masaya ka na sa piling ng iba ay hindi ko maiwasang madurog ng paulit ulit.

Habang ikaw nagpapakasaya ako ay nasasaktan. Bawat araw nasaking isip na sana hindi nalang ako nagising kasi babalik lang din ang pinilit kong kalimutang sakit sa gabing iyon.

Oo sabihin mo nang hindi pa ko umuusad at hindi pa ko nakakaalis kung saan mo ko iniwan.

Kagaya sa pagbabasa ng libro ako ay nagbabasa lang ng isang pahina. Paulit ulit kong binabasa ang ating masayang alaala.

Hindi pa din kita mabitawan kahit ikaw mismo ay binitawan na ako. Hindi pa din kita makalimutan kahit iba na ang mahal mo.

Sana ingatan ka nya gaya ng pagiingat ko. Sana mahalin at pahalagahan ka nya gaya sa ginawa ko.

Paano ba kita makakalimutan? Paano ba mawawala ang nararamdaman ko para sayo?

Kasabay nyan ay ang mga tanong na, Paano kung mahal mo pa ko? Paano kung napagod ka lang? Paano kung pwede pa...

Dadating din dun sa puntong pagod na akong umasa. Siguro kahit paunti unti makalimutan ko ang aking nararamdaman para sayo.

Siguro doon na nagtatapos ang salitang tayo. Sana makalimot na ako, sana mawala na ang nararamdaman ko para sayo.

Madami akong natutunan sa pagmamahal, kagaya ng kapag nagmahal ka hindi mo dapat ibibigay sakanila lahat dapat magtira ka sa sarili mo para kapag umalis sila eh hindi ka mahihirapang bumangon. At kapag masaya na sila sa iba dapat maging masaya ka na lang para sakanya.

Oo mahirap makalimot pero yun ang nararapat. Masaya na din ako kahit papano kasi dumating ka sa buhay ko at madami akong natutunan mula sa pagdating mo hanggang sa pagalis mo.

The Girl Who Cant Be Moved (Semi-Poetry)Where stories live. Discover now