Selos (One Shot)

1.8K 44 8
                                    

"Hoy bilisan mo! Pag tayo naubusan ng pagkain patay ka talaga sa akin!"

"Ang daming stalls diyan sa baba! Hindi pa nga nagpapaalam ang teacher eh! Laging pagkain yang nasa isip mo! Kaya yang bilbil mo e hanggang fourth floor na eh!"

"Grabe ka naman! Hanggang second floor lang kaya!"

"May bilbil ka pa din!"

Nang nagpaalam ang teacher ay hinila agad ako ni Dana papunta sa elevator kahit bawal namin itong gamitin. Para lang daw ito sa teacher pero kami ang nagbabayad ng kuryente. Seriously?

Pagkatunog ng elevator ay lumabas kami agad at nakita ko naman ang pangitaing hindi ko na muling nais na makita

Sino ba ya'ng hipokritang kasama ng pinakamamahal ko'ng si Jose? Lagi na lang silang magkasama tapos ako nakatunganga lang dito, naiinis, naiinggit, nagagalit, NAGSESELOS

Lumapit sya sa akin at iniwan yung babaeng lagi nyang kasama

"Hi babe tara kain na tayo nagugutom na ako eh" Babe daw! Ang sweet nya, feeling ko talaga forever na kami

"Sino ba yung babaeng lagi mo'ng kasama? Babe ha! Nagseselos ako"

"Ah si Jonna, wag mo na lang pansinin yun. Wag ka na magselos babe ha, ikaw lang naman ang mahal ko. Tara kumain, gutom na ako"

"Yieeee tara tara, gutom na din ako"

Inakbayan nya ako at kinindatan bago pumunta na ng canteen. Yiee ang creepy HAHA nakakarume

"Libre mo ko ha, libre din kita bukas"

"Tara na babe mag ti-time na ingat ka ah"

"Sige , Ingat ka din"

Nagulat ako nang... hinalikan nya ako sa pisngiii!

"Ang PDA babe! Ayaw mo ba sa private? Sa clinic? Sa kama? Sa bahay?"

WTF am I saying?

*tooooooink

"KINGINA!"

"ANONG KINGINA? ANO NA NAMANG NAGYAYARI SA IYO MS TRECIA GONZALES? NATATANGA KA NA NAMAN!"

"Ang harsh mo naman"

"Ano na naman ang napanaginipan mo habang gising?"

"Grabe cous! Ang creepy hihihihihi"

*toooooink

"Leche nakakailang batok ka na ah! Isa pa triple na ang balik"

"Hehehehe tingnan mo babe mo oh!"

oh yan na naman sila oh magkasama na naman nakaka-inis na, ang sarap sabunutan, ipalapa sa buwaya at pugutan nung impaktang yun, nakakainis na eh

wala eh ganyan talaga ako mag-selos T_T ilang beses ko ng napatay yung haliparot na yun sa isip ko. Hindi din naman pwedeng basta na lang sya sabunutan habang naglalakad dahil hindi nya ako kilala, at ang mas masaklap, di ako kilala ni Jose

"Suko ka na cous! Di ka din naman umaamin, talagang wala kang mararating! Mag aral ka na lang ng mabuti! Lalo na sa Math"

hay anong klaseng kaibigan ba ang mga to?

"May plano ako, di kayo kasali, basta wag nyo akong tatawanan pagkatapos o kakalbuhin ko kayo at ipaparape sa matatabang admirers ni Jose ah"

Ngayon ko lang itatanong. San ko nakuha ang ideyang ito? Grabe na talaga ang utak ko, walang katulad! Kailangan ng Pilipinas ang isang tulad ko para umunlad. Grabe baka pala lalo silang bumagsak dahil sa akin. Mag-aral na nga lang kaya ako?

Tuloy pa din ang plano! Pag gusto ko, gusto ko talaga, wala nang makapipigil sa isang magandang katulad ko, pag talaga ito effective! Ililibre ko ang sarili ko, pero paghindi, ililibre ko pa din

Gagawin ko na, ngayon na talaga. Worth the try naman

"Watch and learn biches"

Nilapitan ko silang dalawa, happing happy ah?

"H-Hello"

"Ooh?"

"Babe!"

Shet kaya to. Aja!

"A-akala ko ba sabay tayong kakain? Bakit kasama mo sya? Diba sabi ko sayo nagseselos ako sa kanya?"

"Anong babe ka dyan, kapal ng muka mo ate" sabi nung isang haliparot out there

"Wag kang epal! Baboy!"

"Oh kayo na naman pala ng crush mo bakit nahingi ka pa ng advice?"

Ano daw?

paulit ulit na nag echo ang mga salitang yun sa isip ko


"OH KAYO NA NAMAN PALA NG CRUSH MO BAKIT NAHINGI KA PA NG ADVICE?"

"OH KAYO NA NAMAN PALA NG CRUSH MO BAKIT NAHINGI KA PA NG ADVICE?"

"OH KAYO NA NAMAN PALA NG CRUSH MO BAKIT NAHINGI KA PA NG ADVICE?"


O.O


"Pwede bang iwan mo muna kami?" like a boss

Iniwan ko sila dahil sobrang nakakahiya, napaka kapal na talaga ng muka ko

Hinila ni Jose ang kamay ko at tumungin sa aking mga mata

>/////<

"Babe? HAHAHAHHAHAHAH"

Hayop 'to ah! Pinagtatawanan ako

"OMG sorry sorry sorry"

"Bakit ka nagsosorry?"

"A-ahh, gusto ko lang?"

"Babe ha"

"Bitawan mo na ako please"

Naiinis na ako, bakit nya ako tinatawanan? Gusto ko na din syang isulat sa death note huhuhu

Hindi nya ba alam kung gaano kahirap ang ginawa ko. Kahit payat ako ay pinakapal ko ang balat ko lalo na sa muka

"Sagutin mo muna ang tanong ko"

"Ano ba yun?"

"Umm, can I say a word that can make the both of us crazy?"

"Will you be my girl?" Pag tuloy nya

>///<

"Can I say a word that can make the both of us crazier?"

"Go on"

"YES!"

Selos (One Shot)Where stories live. Discover now