Chapter XVII : The Plain Ticket

8 2 0
                                    


~Kung saan ka man dalhin ng tadhana, piliin mong ihakbang ang iyong mga paa patungo sa mga bagay na tunay na nagpapaligaya sa puso mong isa lamang hangarin kung 'di ang mapangiti ka.~ 



Pagmulat ng mga mata ni Mia ay sinigurado niya muna kung totoo ba ang lahat ng nangyari kagabi, na di na niya kailangang mahapo sa kakahanap ng bahay dahil ngayon may ay matutuluyan na siya kahit pansamantala lamang. Tumayo ito at kinuha ang kanyang turtle stamp sa ilalim ng kanyang unan. 

Nakangiti siya aang nakakatitig sa tatak sa kanyang kamay ,"Masaya ako para sa'yo!" bati nito sa sarili.

Tumayo siya at kinuha ang kanyang twalya upang maghanda sa kanyang pagpasok. Pagbukas niya ng pinto ay nakita niya ang isang kahon sa sahig,ito ay kanyang kinuha at binasa ang isang sticky note sa box. 'Cinderella is a proof that a new pair of shoes can change your life. Ngiti ka lang lagi.' 

"Cinderella?" tanong ni Mia sa kanyang isipan.

Sa pagbukas niya ng box ay nakita niya ang isang pares ng black kitten heel shoes, kapalit ng nasira niyang flats.Pagtanaw niya sa lamesa ay nakita niya rin ang nakatakip na pagkain na iniwan para sa kanya. Hindi maiwasan ng dalaga ang mapangiti dahil sa ginagawa ni Rico para sa kanya.

***

"Ano na bang balita sa kalagayan ni Mr. Camaya?" tanong ni Principal Snachez kay Joseph.

"Stable na po siya pero kailangan niya parin mag-undergo ng angioplasty operation." magalang na sagot ni Joseph.

"Ok. Ako na yung bahalang makipag-usap sa administrators kung paano natin pwedeng matulungan ang pamilya ni Mr.Camaya. Thank you for the update."

"Wala po yun. Meron pa po ba kayong kailangan?"

Isinarado ni Principal Sanchez ang folder na kanyang binabasa . "Mahal mo pa ba ang anak ko?"

Di inaasahan ni Joseph ang tanong ng principal sa kanya.

"Wala parin pong nagbabago."

"Then, fight for her."

"Mahal ko po ang anak niyo kaya pumayag po akong magpakasal kami kahit alam kong ginawa niya lang yun para magawa yung mga bagay na gusto niyang gawin malayo sa inyo."

"Kahit sobrang imposible para sa isang ina na payagan yung anak niyang magpakasal ng ganung kaaga, ginawa ko, kase nakita ko kung gaano mo siya kamahal. Naging panatag akong aalagaan mo siya at poprotektahan. Kaya hindi ko maintindihan kung paano mo natitiis na na ganito yung ginagawa niya sa'yo."

"Siguro, ganun lang po talaga kapag nagmamahal ka. Inuuna mo yung taong yun bago yung sarili mo. Masaya na po ako na naging parte ako ng dahilan kaya natutupad niya ngayon yung pangarap niya ."

"Chase her. Here!" utos ni Principal Sanches sabay abot ng isang sobre.

Binuksan ito ni Joseph at nakita niya ang isang plane ticket papuntang USA.

"She's definitely a trouble maker, very stubborn and independent. But she is my baby and she'll always be. I want her to end up with you. I want to make sure that she will be with someone I can rely on at ikaw yun. Malaki ang tiwala ko sa'yo. Kaya sana iuwi mo siya." Pakiusap ng ina sa kanyang son-in-law.

Hindi malaman ni Joseph ang dapat niyang isagot sa di inaasahang utos ng kanyang mother-in-law.

***

Lumabas ng principal office si Joseph na walang desisyon, kung susundin nya a ang utos ng kanyang byenan o hindi. Napabuntong hinga na lamang siya habang hawak ang plane ticket na maaaring maghatid sa kanya sa nag-iisang babaing mahal niya. Habang nakapako parin siya sa kanyang kinatatayuan ay nakita niyang paparating si Mia dala ang maraming teaching materials at napansin niyang nahihirapan ito. Hanggang sa tuluyan na ngang mahulog ang bitbit nito. Agad na tumakbo si Joseph palapit sa dalaga.

"Are you ok?" tanong nito habang tinutulungan ang student teacher.

"Opo. Medyo na out of balance lang. Ako na po dyan." Kuha ni Mia sa mga pinulot ni Joseph na folders at materials.

"Nope. Tutulungan na kita. Saan mo ba 'to dadalhin?" tanong Mr.guidance counselor.

"Sa Science office po."

"Good thing! Papunta rin ako dun."

"Ok po."

Lumakad ang dalawa patungo sa office.

Pagpasok ng office ay wala roon si Rico. Inilapag ni Mia ang mga bitbit niya sa lamesa ni Salazar at ganun din si Joseph. Dumiretso ito sa pantry ng office para kumuha ng maiinom.

"Gusto mo ba ng maiinom?" tanong ni Joseph.

Nang sinasalansan na ni Mia ang mga pinulot na na gamit ay nakita niya dito ang isang plain ticket na parang aksidenteng naihalo sa mga papel.

"Teacher Mia?" tawag ni Joseph.

Napatingin si Mia sa kanya hawak ang plain ticket

***

Nakaupong umiinom ng tubig ang dalawa at nakalapag sa lamesa ang plain ticket.

"Hay! Hindi ko alam kung bakit ko ba naikwento yung mga bagay na yun. Pero, salamat kase nakinig ka. Malaking bagay na yun para sa'kin." Mainahong tinig ni Joseph matapos ilahad ang dinadala ng puso niya.

Biglang nagbukas ang pinto at pumasok si Rico. Nakita niya ang dalawa na tila malalim ang pinag-uusapan.

Nang makita siya ng mga 'to ay tumayo si Mia at ganun din si Joseph.

"Sige po. Mauuna na po ako." –Mia.

"Ganun ba? Sige, sige. Salamat ulit. Salamat."-Joseph.

"Wala po yun. Sana lang wag niyo pong hayaang matalo ng takot yung puso niyo."

"Susubukan ko." Nakangiting sagot ni Joseph sa dalaga.

Lumakad si Mia papunta kay Rico.

"Nasa table niyo na po yung mga gamit. Mauuna na po ako."

Napatango nalang si Rico at lumabas na nga si Mia.

Nang wala na ito ay agad umupo si Rico sa couch.

"Ikaw. Umupo ka!" Utos nito sa kaibigan.

"That girl amazed me." Ani 'to kay Rico.

"Ba-bakit kayo magkausap? Tsaka, tungkol saan yung huling sinabi niya kanina sa'yo?"

Hinawakan ni Joseph ang plain ticket sa lamesa at tinulak ito papunta sa harapan ni Rico.

"Plain ticket?"

"Gusto ni principal Sanchez na bawiin ko siya ulit. Pinakiusap niya na kahit gaano ka tigas ang ulo ng anak niya, wag ko daw sukuan."

"Anong desisyon mo?"

"Sundin yung advice ni Mia."

Napasulyap si Rico sa pintuan.

"Ayokong hayaang matalo yung puso ko sa takot ng pauli-ulit. Na kung pwede lang na bigyan ko siya ng isang milyong pangarap, gagawin ko yun. Kase yun naman yung dahilan kaya niya ako pinakasalan,diba? Para, matupad yung pangarap niya. Ayos lang sa'kin yun." Seryosong iwinika ni Joseph.

"Sundin mo yang puso mo. Iuwi mo siya kung yun yung kailangan." Payo ni Rico.

Naiintindihan ni Rico ang damdamin ng kaibigan dahil saksi siya sa lahat ng mga nnagyari. Naging parte siya ng bawat yugto ng buhay pag-ibig ni Joseph. Pareho niyang kaibigan ang dalawa kaya walang siyang ibang hangad kung di ang makita silang masayang mgakasama muli.

You Were ThereWhere stories live. Discover now