ANG MANGINGIBIG part 19 (edited)

3.5K 117 0
                                    

PABLO'S POV:

"Isang buwan mo na akong hinahatiran ng makakain wala ka pa rin bang balak na kausapin ako? Sabihin mo naman ano bang ginagawa ko dito? Bakit mo ba ako binihag? May atraso ba ako sa'yo? Sa pamilya mo? Magsalita ka naman," sabi ko sa lalaking naghahatid ng aking makakain. Gaya ng dati hindi siya bumibigkas ng anumang salita. Isang buwan na niya akong hinahatiran ng pagkain at umaalis pagkatapos itong maihatid. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung nasaan ako. Ang aking kapangyarihan ay hindi gumagana sa kung saang lupalop ako binihag. Labis labis na ang pag aalala ko sa aking mag in a... labis na rin ang aking pangungulila sa aking kasintahang si Anika. Huwag sanang may masamang mangyari sa aking mag in a at sana'y hintayin niya ako. Huwag sana siyang panghinaan ng loob at magtiwalang mahal na mahal ko siya... sila ng aming magiging supling.



Mag lilimang buwan na ang t'yan ni Anika. Nasanay na lamang sila ng nakababatang kapatid sa mga kakaibang nangyayari sa kanilang bahay kapag gabi. Pinipilit niyang wag mag paapekto para sa kanilang anak ni Pablo. Hanggang ngayo'y hindi pa rin ito bumabalik pero nananalig ang dalagang babalik ang kanyang katipan.... naniniwala siyang mahal siya nito at mayroon itong magandang rason kung bakit di pa bumabalik sa lupa.



Tuluyan na ngang hindi nagpakita ang malaking asong itim pero ang anino ay patuloy na nagpapakita at nagpaparamdam sa magkapatid na Anika at Terrence kaya nagsasalitan sina Terrence, Jimmy at Gorio sa pagbabantay sa dalaga. Magkakasamang natutulog sa kwarto ni Anika. At ngayong gabi, maagang nakatulog si Anika habang nagkukuwentuhan naman ang magkakaibigan sa kutson na nakalatag sa paanan ng kama ni Anika.

"kuya... kuya ayan na naman siya," tawag ni Anika sa kapatid.

Napalingon ang magkakaibigan at mabilis na pumunta sa tabi ng dalaga. Nakita nila ang paghila pababa ng kumot.

"ate pumikit ka lang wag mong pansinin... magdasal ka lang... magdasal ka" -Terrence

"hoy kung sino ka man ano bang problema mo? Bakit mo ba ginugulo dito ha?" -Gorio

"Gorio, pare, tama na. Ate Ika matulog ka na ulit nandito lang kami" -Jimmy

Nakatulugan ni Anika ang pag iyak. Tuluyan ng hindi natulog ang magbabarkada kaya pag dating naman ng umaga ay bagsak sila. Bumawi sa kanila ang dalaga ipinagluto sila nito ng french toast na paborito nilang magbabarkada.

"pare, pare gising... naamoy mo yun?" -Gorio

"french toast!!!" -Jimmy

"oo nga... tara, tara bangon tayo" -Terrence

Kumaripas ng takbo pababa ang magbabarkada. Ang maamo at nakangiting mukha ni Anika ang naabutan nila sa kusina

"morning 'the Ika" -Jimmy

"morning? FYI lang halon na po alas dos na ng hapon. In fairness ha ang lakas ng pang amoy n'yo dito sa meriendang hinahanda ko" -Anika

"s'yempre favorite namin yan 'te e" -Terrence

"hala upo na ng makakain" -Anika

"ate Ika sarap talaga. Salamat 'te" -Jimmy

"ikaw lagi mo na lang akong binobola" -Anika

"masarap naman talaga 'te tsaka kahit matrabaho ginawan mo pa din kami" -Terrence

"kahit ito na lang kainin ko habangbuhay" -Gorio

"hayaan mo sasabihan namin si tita hahaha" -Terrence





Nakakapanindig balahibo ang bilog na bilog na buwan sa kalangitan... kay laki nito at kulay kahel.... parang nagmamasid sa kapaligiran. Nakakabingi ang katahimikang dala ng gabi na binulabog ng tili ni Anika. Gulat na nagising ang nakababata nitong kapatid pati sina Gorio at Jimmy ngunit nagulantang ang magbabarkada ng makita ang kinatakutan ni Anika... ang lalaking naka cloak, may cowboy's hat... nakalutang ito sa ere.... Nawala ang anumang takot ni Terrence at napalitan ng galit ng makita ang mukha ng lalaki... kamukha ni Pablo! Pinagsusuntok ito ng binata ngunit lumalampas dito ang kanyang mga suntok.

"hayop ka... maayos ka naming pinakisamahan tapos lolokohin mo lang ate ko," galit na galit na sabi ni Terrence.

"pare tama na, pag usapan natin 'to" -Gorio

"kuya tama na... kuya..." -Anika

"gago ka... ikaw pa may ganang manggulo sa amin..." -Terrence

"kuya tama na... tama na... " umiiyak na sabi ni Anika na inaalalayan naman ni Jimmy.

"ate naman kakampihan mo pa ba yang manlolokong yan" -Terrence

"hindi magagawa iyan ni Pablo... hindi" -Anika

"nakita mo naman di ba... hindi ka naman bulag ate" -Terrence

Patuloy na sinuntok ni Pablo at tinadyakan ang nilalang kahit pa tumatagos lamang ang bawat suntok na kanyang pinakakawalan. Yapos yapos ni Gorio si Terrence habang si Jimmy naman ay nataranta ng makita ang dugo sa pyjama ni Anika.

"tama na... tama na...kuya... kuya dugo... may dugo.. ang baby namin kuya," umiiyak na sabi ni Anika.

Natigilan si Terrence... pati ang lalaki.... nanghina sila at labis na natakot ng makita ang dugo sa pyjama ng dalaga. Parang lumolobo ang ulo ni Terrence sa nakita... Dali daling binuhat ni Terrence at Jimmy ang dalaga papasok sa kotse... si Gorio naman ang magmamaneho papuntang ospital sa bayan.

"pag may hindi magandang mangyari sa mag ina mo malalagot ka talaga sa akin Pablo," sabi ni Terrence bago isara ang pinto ng kotse.

Bumukas ang pinto ng emergency room kung swan dinala si Anika.

"doc... ayos lang po ba ang kapatid ko? Ang bata?" -Terrence

"okay naman ang mag ina pero agapang huwag ng mangyari ulit. Ingatan wag ma stress ang pasyente.

"opo. pwede na po ba siyang umuwi?"

"oo pwede na"



TERRENCE'S POV:

Wala kaming kibuan hanggang sa makarating kami sa bahay. Lahat kami natakot sa nangyari kay ate kanina. Alam kong naguluhan sina Jimmy at Gorio sa akin dahil di nila alam na di totoong nagsasanay si Pablo kundi hindi na muling bumalik pa. Naiinis ako kay ate kasi kinakampihan pa niya si Pablo na parang hindi siya iniwan... niloko nito. Hindi ko alam pa'no pa nakukuhang mahalin ito ni ate matapos ang panloloko... pagpapaasa nito sa kanya. Gusto kong maniwalang may maganda dahilan si Pablo... na hindi niya nga kayang saktan ang kapatid ko pero pag nakita mong nasasaktan na at nahihirapan ang kapatid mo mauubos din ang pang unawa mo e. Kahit engkanto siya hindi ako natatakot... lahat ng takot ko kaya kong harapin wag lang maaagrabyado kapatid ko dahil wala kaming kasalanan sa kanya lalo si ate para lokohin niya. Masama bang magalit kung naaagrabyado na kapatid mo?

Inalalayan namin si ate hanggang makahiga sa kama niya. Bababa muna ako at magpapahangin... ayokong may masabi na naman akong makakasama sa loob ni ate. Ayokong ma stress siya at maulit ang nangyari kanina... nakakatakot talaga. Sina Jimmy at Gorio na naunang bumaba ay naabutan kong parang hinang hina... para silang nauupos na kandila sa sofa... wala silang kibuan. Matapos magpahanginsa garden napasukan kong nakahiga at natutulog ang mga kaibigan ko sa sofa. Pag akyat ko narinig kong kinakausap ni ate ang pamangkin ko.

"baby pasensyahan mo na si tito ha? Mahal na mahal lang tayo no'n magiging maayos din sila ng daddy mo. Alam mo anak naniniwala akong mahal tayo ng daddy mo... nararamdaman ko yon at alam ko babalikan n'ya tayo..."



Walang kamalay malay ang lahat na sa isang sulok... isang lalaki ang tumatangis... si Santiago!!!

"Oo mahal niya kayo... mahal na mahal...babalikan niya kayo...patawad Anika... patawarin mo ako sa nagawa ko sa iyo... sa inyong mag ina. Paano pa ba akong makakabawi sa kasalanang aking nagawa?"

Ang Mangingibig Ni AnikaHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin