TBS 2

10.4K 96 4
                                    

Fara's Pov

Busy day. Gusto lang naman namin ng simple pero iba ang gusto nila. Wala na kaming magawa kundi ang umoo na lang.

"Sweetheart, ok na ba 'to o gusto niyo pang dagdagan? Tell us para naman malagay namin ni mare ang mga kulang"

"Oo naman Gab. Dapat naman bongga. Alam mo na first birthday niya 'to sa Pilipinas"

Napangiwi ako sa pinagsasabi nila. Sila na ang nagplano sa party para sa birthday ni Dyle two weeks from now. Tinignan ko si bakla na nakapangalumbaba sa tabi ko. Mukhang inaantok pa nga. Ang aga naman kasi nilang nagplano, alas otso pa lang ng umaga.

"Ate, Mommy, Tita. Ok na po, ok? Napakarami na nga yang naisip niyo. Kung anong gusto niyo yun na lang din sa'min. Pwede po ba?"

"OK, so ayos na lahat. Tara na!"

"Saan po?"

"Edi san pa? Sa organizer ng party! C'mon Gab!"

"Dito na lang po kami, tulog pa kasi si Dyle"

"Gusto mo pabantayan natin kay Jadyle?"

Inunahan na ako ni bakla sa sasabihin ko

"Ate wag na! Kami na lang bahala sa bata. Wala naman din kasing responsibilidad si Jadyle sa bata, kami 'tong mga magulang niya"

"Sabagay. Pero, papayag naman yun kapag sinabi kong para kay Dyle. Sige na sama na  kayo para makita niyo ang mg-"

"Hindi ate sure na talaga kami. Go na kayo! Go!"

Buti na lang hindi na sila nangulit at lumabas na para puntahan ang tinawagang organizer.

"Bakla, allergy ka ba sa pangalan ni Jadyle?"

Kahapon pa 'to simula nung binisita kami ni Jadyle. Nagtampo nga yata ang bakla sa anak namin dahil kahit nung paalis na si Jadyle gusto siyang ihatid ni Dyle pero hindi naman kami pumayag. Siyempre, malaki na kaya yung tao. Kaya niya na. At nung paalis na si bakla, hindi man lang siya nahalikan dahil nakatulog na si Dyle.

"Che! Bakit ikaw? Umuwi lang tayo ng Pilipinas, muling ibalik agad?"

"Hindi kaya. Kaibigan lang kami nun no. Iniiba mo lang usapan eh. Uy, nagtatampo siya"

Mas lalo lang siyang napasimangot sa sinabi ko.

"Ay, di kaya nagseselos ka din sa dalawa ha? Bakla?"

Napangiti ako sa naging reaksiyon niya, tama nga ako. Sinamaan niya ako ng tingin at nagkibit-balikat lang ako sa kanya.

"Nagseselos si bakla! Nagtatampo pa!" Tatawa-tawang sabi ko sa kanya

"Tumigil ka nga diyan. Sasabunutan kita eh."

"Alam mo, wala pa ring laban yun sayo no. Hindi nga niya inaanak si Dyle. Eh ikaw nga ang daddy nung bata"

"Ewan ko sayo. Oh, anong ibibigay mong gift sa bata?"

"Wala akong maisip eh. Ikaw?"

"Laruan? Pagkain?" Binatukan ko agad siya. Ang dami na ngang laruan ni Dyle, kung pagkain naman may pagkain nga sa party.

"Bakla, diba may paboritong cartoon si Dyle?"

"Oo nga! Bakla! Ba't ngayon mo lang naisip yan?"

Bigla yatang nawala ang antok niya. Kaladkarin ba naman ako papunta sa kwarto ko. Itong kwarto ko dati sa'min. Dito muna kami tumira. Si bakla sa condo niya, binibisita lang niya sina tita sa bahay nila.

Mabilis niyang kinuha ang laptop ko na nasa may bedside table. Nahinto siya nang makita si Dyle na natutulog pa rin.

"Ano? Tutunganga lang tayo dito bakla?"

Hinalikan niya muna sa noo si Dyle bago ako kinaladkad ulit pababa.

"Ayan na. Bakla may CD ba yung cartoon na yun dito o wala pa?"

"Wala pa siguro bakla pero try nating isearch"

Pirated lang siguro oo, meron dito. Minsan kasi late na ang dating dito sa Pinas ng mga international movie lalo na yung cartoon na yun.

"Bakla, wala?"

"Wait lang"

"Bakla wala eh"

"Online na lang tayo bibili sa mismong site ng movie. Bilisan mo baka ma out of stock pa"

"Ito na nga. Teka, bakla may lima pa bakla!"

"Order mo na"

"Pati soundtrack binili ko"

Ilang minuto pa niyang tinype ang parang form sa site bago niya inilagay ang laptop sa center table.

"Sa susunod na linggo pa daw dadating"

"Ok"

"Ano ba naman kasi yang title ng movie? Seryoso? Sponge Bean and Squarangle Phirb?"

"Kaya nga mahal eh, at mabilis maubusan ng stock dahil pinagsama-sama na ang Spongebob, Mr. Bean, at Phineas and Ferb"


A/N: Hello po! May bago po akong story (plug lang ako LOL) It's entitle Fangirl: Unsee|nt letters. Hope you can relate with it and read it. LMAO. Anyways, hope you like this UD. Alam kong sabaw 'to. Lang maisip haha.

The Bachelor's SonOù les histoires vivent. Découvrez maintenant